Bagong panganak ka ba na merong tahi sa iyong pwerta? Ikaw ba ay nagwoworry kung gaano ito katagal gumaling o wala kang idea kung ano yung mga paraan na pwede mong gawin para mapabilis ang paghilom nito? Well, mommy, wag kang magworry dahil dito sa article na ito, pag-uusapan natin kung ano yung mga paraan na ginagawa para mapagaling yung tahi nyo in few weeks.
Ano ang mga pwedeng gawin para maghilom ang tahi sa pwerta?
Ano ba ang mga pwedeng gawin ng mga bagong panganak at may tahi sa pweta. Narito ang ating listahan ng mga tips paano ito maghihilomg ng mabilis.
-Maglagay ng ice pack sa pwerta
-Wag basta gagalaw galaw
-Gumamit ng komportableng kasuotan (shorts, panty)
-Frequent changing ng sanitary pads
-Tumuwad sa pag-ihi
-Lukewarm water bath
-Sideline position sa pagtulog
-Iwasang maging constipated
-Magpa check up sa obgyne kapag may di magandang nararamdaman
-Tapusin ang mga gamot na reseta ng doktor
Unang una diyan, mga mommy, is maglalagay kayo ng ice pack sa inyong pwerta. So, for example, yung yelo babalutin niyo siya ng towel tapos yun yung ilalagay niyo sa inyong pwerta. Gawin niyo ito ng ten to twenty minutes o kung hanggang kailan niyo kayanin yung lamig. Ang effectkasi nito is nababawasan yung pamamaga ng inyong pwerta. Gawin niyo ito as soon as possible habang kayo ay nasa hospital para mas mabilis mareduce yung swelling ng inyong tahi.
Pangalawa is wag kayong basta basta gagalaw. Dahan-dahan langyung galaw. Syempre, isipin niyo may tahi kayo, may sugat kayo, so dahan-dahan lang yung kilos. Yan ang pinakaimportante. Wag na wag kayo munang magbubuhat ng mabigat. So, ipaubaya niyo muna sa mga kasama niyo o sa asawa niyo yung pagbubuhat ng mga gamit niyo. Kung kayo ay magbubuhat, possible na umiri kayo dahil sa sobrang bigat ng binubuhat niyo. So, masama yun dahil nga sariwa pa yung sugat. Posible pang bumuka ang tahi.
Pangatlo , mommy, is gumamit kayo ng comfortable underwear o kaya panty. On the first few days ng inyong pagpapagaling para mas mabilis matuyo ang inyong sugat. Dahil mommy, kung napapansin niyo, pag kayo ay may sugat tapos lalagyan niyo ng gauze, ang nangyayari sa sugat nagmo moist, nababasa. Hindi siya agad-agad natutuyo. Unlike kung ang sugat niyo is ini-air dry niyo lang siya, pinapabayaan niyo lang siyang nakabukas. Mapapansin niyo mabilis matuyo ang sugat kapag ganun. So, ganun din sa ilalim. Kaya importante na ang gagamitin niyo is breathable and comfortable underwear para mas mabilis matuyo ang sugat.
Pang-apat mommy, is magpalit kayo ng napkin or sanitary pad every two to four hours o kung kinakailangan na. For example, puno nayung napkin niyo, palitan niyo na rin, wag niyo nang hintayin yung four hours. Magpalit kayo ng madalas para maiwasan niyo rin yung infection. Mas matagal kasi gumaling ang sugat kapag moist and wet yung environment.
Pang lima try niyo mga mommy, kapag kayo ay iihi, try niyo tumuwad para yung ihi diretso na siya doon sa bowl parahindi nadadaan yung ihi niyo sa inyong pwerta at sa inyong tahi para hindi na rin siya mahapdi at hindi na rin siya malagyan ng ihi. Kasi syempre madumi din ang ihi. Additional try niyo uminom ng maraming maraming tubig para hindi maging concentrated yung ihi niyo. Kasi the more concentrated yung ihi, mas mahapdi. Pag kayoay iihi, gumamitkayo ng wet wipes, wagyung mga toilet paperyung gamitin niyo. Kahit na malambotyung toilet paper na ginagamit, masakit pa din siya. Iba pa rin yung lambot ng wet wipes. Kahit na wet siya, nakakatuyo naman. So, yun muna yung gamitin niyo habang sariwa pa yung sugat.
Pang-anim eto very effective yung sitz bath. If you are not familiar with this, ito yung ilulubog niyo yung mismong puwet niyo at pwerta niyo sa isang maligamgam na tubig. Kapag ginagawa mo to, pwede kang gumamit ng pinakuluang dahon ng bayabas. Kasi ang bayabas ay merong antibacterial effect kaya yun na lang yung ginagamit ng mga mommy. Pwede rin namang maligamgam na tubig nadin lang para sa hindi sanay sa bayabas.
So, gawin niyosiya, mga mommy, ten to fifteen minutes everyday bago kayo maligo o kung hanggang kailan niyo gustong ibabad. Pero safe na yung fifteen minutes.
Tapos ito pa, mommy, wag niyo siyang gagawin twenty-four hours after mong manganak. Kasi nga sariwa pa yung tahi mo, meron ka pang sinulid. Kung baga, meron ka pang tahi. Kapag ganun, mommy, pag sobrang init nung tubig na pagbababaran mo, pwede kasing malusaw yung tahi. So, it is not advisable na gawin twenty-four hours after birth.
Pang-pito naman mommy, is kung matutulog kayo o hihiga, try niyo ang sideline position lang para maiwasan po yung pressure doon sa sugat. And kapag kayo naman ay uupo, wag kayong umupo sa mga hard surface. Mas mainam na gumamit kayo ng unan para mas komportable and hindi masakit.
Yung ibang mommies na napagtanungan ko, ang ginagamit nila is yung neck pillow. Kasiyung neck pillow, di ba meron siyang butas sa gitna. So, yun yung nilalagay nila sa puwet nila tapos yung butas sa gitna, tinatapat nila sa pwerta nila parahindi direct yung pressure doon sa pag uupuan nila or doon sa sofa.
Pang-walo iwasan niyo yung maconstipated kayo. Kasi syempre, kapag constipated, matigas yung tae. And kapag matigas ang tae, syempre hindi niyo maiiwasan na umiri kayo, lalo na kapag nasa trono na kayo, mga mommy. Ang pag-iri ang iiwasan niyo. Dahil posible bumuka ang sugat and very dangerous iyon. So, para maiwasan yun, uminom kayo ng maraming maraming tubig para mapalambot yung tae and iwasan niyo yung mga pagkain na nakakapagpatigas ng tae, especially yung mga meat. Kumain kayo ng mga pagkain na nakakapagpalambot ng tae tulad ng papaya.
Pang siyam kung sakaling matigas na talaga, nahihirapan na kayong magpupu, pwede naman kayong magpareseta sa inyong OB ng mga laxative o pampalambot ng tae. Sa totoo lang, mga mommy, mahirap sa feeling yung constipated ka, yung ang tigas-tigas ng taeng lalabas sa iyo tapos may sugat ka pa sa pwerta.
Pang sampu , mommy, is yung mga doktor advice or doctor’s order sa inyo, like pag inom ng pain reliever at saka pag inom ng antibiotic. Yan, importante tapusin niyo yung antibiotic niyo. Uminom kayo ng pain reliever. Yung mga pain reliever na nirereseta satin ng doktor is anti inflammatory din ibig sabihin para mabawasan yung pamamaga.
Iba pang mga Babasahin
Tamang pag-ire kapag manganganak na
Bakit sumasakit ang tiyan ng Buntis?
One thought on “10 Tips paano mabilis na gumaling ang tahi ng pwerta pagkapanganak”