Posted inHome remedy

Home remedy na pwede sa masakit na Ngipin ng Buntis

Ang pag-uusapan natin ngayong araw na ito ay isang problema na alam kong nararanasan ng karamihan sa ating mga buntis—ang pagsakit ng kanilang ngipin. Dahil nga sila ay buntis, kahit masakit pa ang kanilang ngipin, hindi po sila pwedeng basta-basta na lang uminom ng mga gamot. Kailangan po talaga ng prescription ng inyong doktor kapag iinom po kayo ng kahit anong gamot. Kaya ngayong araw na ito ay pag-uusapan natin ang mga safe na home remedy na pwedeng gamitin ng isang buntis kapag masakit po ang kanyang ngipin.