Ang ating pag-uusapan tungkol sa contraceptive pills, paano ang tamang pag-inom nito. Alam niyo ba na ang contraceptive pills ay ang most researched product in the history of modern medicine? Kaya nakasisiguro ka sa epekto nito kapag nasusunod lang ang tamang paraan ng pag-inom. Meron itong paano ang tamang pag-inom ng contraceptive pills.
Dalawang klase ng contraceptive pills
May dalawang karaniwang contraceptive pill na available sa market, ang Trust Pill at Lady Pill. Magkapareho sila ng active ingredient na ethinyl estradiol at levonorgestrel na siyang laman ng one hanggang twenty-one tablet. Ngunit magkaiba naman sila ng twenty-two hanggang twenty-eight na tablet. Sa Trust, ang laman niya ay ferrous fumarate o isang iron, samantalang sa Lady, ay lactose lamang na isang sugar.
Tandaan na magkaparehas lang ng laman ang one hanggang twenty-one, kaya kung mas nauna mong nabuksan si twenty-one kesa kay Juan, wag kang magpanic dahil parehas lang ang kanilang laman. Ang paglalagay ng numbers sa pakete ng pills ay isang adherence tool lamang upang mas lalo mong matandaan kung anong number na ang dapat mong inumin.
Merong apat na mahalagang dapat tandaan sa pag-inom ng contraceptive pills
Una, magsimulang uminom ng pills sa unang araw ng inyong regla. Pwede din namang uminom ng pills kahit hindi unang araw ng regla o kahit hindi pa regla, basta tandaan, mag abstain muna sa sex o mag back-up contraceptive sa loob ng pitong araw. Ang mga example ng backup contraceptive na pwede niyong magamit ay condom or withdrawal.
Pangalawang dapat tandaan, ang interval o ang gap sa pag-inom ng first pill at second pill ay twenty-four hours o bente kwatro oras. Pag sinabing bente kwatro oras, meaning kung ininom ko siya ngayong araw ng six pm, iinumin ko siya bukas ng six pm din. Pwede niyo itong i-incorporate sa inyong mga daily routine, tulad ng inumin mo siya after breakfast or inumin mo siya before matulog para mas lalo niyong matandaan. Magpa-alarm kayo sa inyong cellphone kung oras na ng pag-inom ng inyong pills.
Pangatlong dapat tandaan ay ubusin muna ang brown pills bago magstart ng bagong pak, regardless na hindi pa natapos ang mens mo sa araw na iyon. Kapag naubos na ang brown pills, pwede ka na kaagad magstart ng new pack dahil karaniwan, after two days na naubos mo na ang yellow pills, ay darating din naman ang iyong mens.
Pang-apat na dapat tandaan ay pwede kang uminom ng contraceptive pills hanggang kailangan mong pigilan ang pagkakaroon ng anak. Ngunit kapag nagpaplano kang magstop, magstop lang kapag natapos mo ang isang pack, meaning dapat ubusin mo hanggang sa brown pills bago ka magstop ng pag-inom ng contraceptive pills.
Ano ang dapat gawin kapag nagmiss dose? Ano-ano naman ang dapat tandaan kapag nagkaroon ng business o may nakalimutan kang inumin na pills?
Kapag isa lang ang pill na nakalimutan mo, una mong gawin ay inumin mo siya as soon as you remember, meaning once naalala mo sa oras na iyon, inumin mo kaagad ang nakalimutan mo o ang namiss mo na pill. Pangalawa, inumin mo kung anong pill man ang due for that day.
For example, nakalimutan mo ang pill kahapon, dapat six pm ka iinom, ngunit naalala mo today na ng nine am. So ano ang iyong gagawin? Iinumin ko siya ng nine am as soon as I remember at iinumin ko ang regular na pill sa araw na iyon mamayang six pm. So ang mangyayari, uminom ka ng dalawang pills sa isang araw, ngunit hindi magkasabay.
Pangatlong dapat tandaan ay uminom ka na at alalahanin mong lagi na usual time ka pa din iinom. So kahit nagmiss dose ka ng isang pill kahapon, iinom ka ngayon ng nine at iinom ka pa din ng six. Kinabukasan, iinom ka ng usual na six pm pa din. At dahil isang pill lang ang nakalimutan mo at ininom mo siya ng usual time, hindi mo kailangang gumamit ng mga back-up contraceptive.
Ano-ano naman ang kailangan tandaan kapag nakalimutan mong uminom ng dalawa pataas na pills?
Una is inumin mo ang latest at idisregard mo ang others. For example, tatlo ang iyong nakalimutan, so ang dalawa, idisregard mo na ito, ang iinumin mo ay ang latest lang nafeel. Kailangan mong gumamit ng back-up contraceptive sa loob ng pitong araw dahil dalawa pataas ang iyong namiss, so gumamit ka ng condom or pwede kang mag withdrawal sa mga araw na iyon.
Kapag nagmiss dose ka ng dalawa pataas na pills, kailangan mong i-check kung ilan pa ang remaining ng yellow pills. Kapag ang naiwan na yellow pills ay six pababa, inumin mo ang remaining na yellow pills na six pieces at hindi mo na kailangang inumin ang brown pills. Kailangan mong magstart agad ng new pack kahit hindi pa dumating ang iyong menstruation. Kapag ang naiwan naman ay pito pataas na yellow pills, tandaan na inumin mo ang naiwang pito pataas na yellow, tapusin mo hanggang sa brown pills, tsaka ka magstart ng new pack.
Ano-ano ang mga contraindication or ang mga hindi dapat na ipagsabay or mga circumstances sa pag-inom ng pills?
Una, kapag nakaranas ka ng diarrhea or pagsusuka, kung within two hours after mong uminom ng pills, kailangan mong sundin ang rules sa miss pills. Mga gamot na bawal ipagsabay sa pills, una is antacid, dahil ang pills ay naaabsorb sa acidic na environment. Kapag isinabay mo siya sa antacid, bababa ang absorption ng pills, kaya bababa din ang epekto niya. Kaya for example ng mga antacid ay Primal S, sodium bicarbonate, Tums, mga ganung mga gamot, hindi mo siya dapat ipagsabay sa pills dahil ang mangyayari, bababa ang absorption, bababa ang effect.
Nagulat ka, tama naman yung pag-inom mo ng pills, ngunit nabuntis ka pa din. Bawal din ipagsabay sa pills ang rifampin na antibiotic dahil ang rifampin ay pinapaspeed up niya or pinapabilis niya ang metabolism. Kapag bumilis ang metabolism, meaning mas tataas ang excretion or mas mabilis lalabas ang gamot sa ating katawan, kaya hindi siya naaabsorb. Ang rifampin ay isang antibiotic na binibigay or pinapainom sa mga may sakit na TB or tuberculosis. Kapag ikaw ay may TB at kailangan mong uminom ng contraceptive para maiwasan ang pagbubuntis, kailangan mong magtanong sa iyong doktor dahil mawawala din naman o bababa lang din ang epekto ng contraceptive pills. Kaya bawal din ipagsabay ang mga ganitong sitwasyon.
Iba pang mga babasahin
Safe ba ang pills kahit iputok sa loob?
Kailan pwede makipagtalik ang umiinom ng pills?