Ang pag-alam sa mga dahilan ng pagkaantala ng regla kahit na hindi buntis ay mahalaga para sa kalusugan at kagalingan ng isang babae. Ang regular na menstrual cycle ay isang indikasyon ng normal na hormonal balance at kalusugan ng reproductive system. Kapag ang regla ay nadedelay, ito ay maaaring magpahiwatig ng iba’t ibang isyu sa kalusugan na kailangan ng agarang pansin. Halimbawa, ang stress, pagbabago sa timbang, at mga kondisyon tulad ng polycystic ovary syndrome (PCOS) o thyroid disorders ay maaaring makaapekto sa menstrual cycle. Ang stress ay maaaring magdulot ng hormonal imbalances na nagreresulta sa delayed menstruation, habang ang mabilis na pagtaas o pagbaba ng timbang ay maaaring makagambala sa normal na ovulation.
Bukod dito, ang mga karamdaman tulad ng PCOS ay nagdudulot ng irregular periods dahil sa hormonal imbalances, at ang thyroid disorders, tulad ng hypothyroidism o hyperthyroidism, ay maaaring makaapekto sa produksiyon ng hormones na kinakailangan para sa regular na menstrual cycle. Ang pagkilala sa mga kondisyong ito ay mahalaga upang matukoy ang tamang paggamot at maiwasan ang mga posibleng komplikasyon sa kalusugan sa hinaharap. Ang pagkaantala ng regla ay maaari ring senyales ng premature menopause o iba pang reproductive health issues na maaaring makaapekto sa fertility.
Mga dahilan kung bakit may delay o missed ang iyong menstruation
Baka iregular lang talaga ang iyong cycle, lalo na sa mga unang taon pagkatapos ng pagkakaroon ng regla. Ito ay normal na iregular na menstruation.
Mayroon ka bang sakit na nakakaapekto sa iyong katawan, lalo na sa produksyon ng hormones?
Sobrang baba o sobrang taas ba ang iyong timbang? Parehong maaaring makaapekto ito sa iyong katawan at hormones.
Stress at anxiety – Isa ito sa mga pangunahing dahilan ng problema sa pagreregla.
Sobrang pag-eexercise – Hindi maganda ang labis na pag-eexercise na maaaring makaapekto sa iyong katawan at magdulot ng irregular na menstruation.
Pagiging bata – Sa mga unang taon pagkatapos ng pagkakaroon ng regla, inaasahan na hindi normal o regular ang pagreregla.
Mga nanay na bagong panganak – Partikular na sa mga nag-eexclusive breastfeeding, hindi kaagad sila dinadatnan ng pagreregla.
Gamot – May mga gamot na nakakaapekto sa pagreregla, tulad ng birth control pills, hormone therapy, at iba pa.
Menopausal stage – Dito, magulo na talaga ang pagreregla, minsan meron, minsan wala, at minsan ay biglang diretso.
Pesticides – Ayon sa mga research, ang pagkakalantad sa mga pesticides ay maaaring makaapekto sa endukrin, na may kaugnayan sa kontrol ng hormone.
Ito lang ang mga nakalap nating impormasyon. Sa summary, marami pang sakit na maaaring idiscuss. Ngayon, alam mo na ang mga posibleng rason kung bakit may delay o miss ang iyong menstruation at hindi ka naman buntis. Alamin kung alin sa mga rason na ito ang mayroon ka para maging maayos ang iyong pag-aasikaso sa iyong kalusugan.
Iba pang mga babasahin
Paano uminom ng pills ng tama para hindi mabuntis
Safe ba ang pills kahit iputok sa loob?