Posted inMenstruation

Sintomas ng Hormonal imbalance na may epekto sa pagbubuntis

Ano ba ang hormonal imbalance? Paano ba malalaman kung kayo ay may hormonal imbalance? Ano ba ang mga dahilan nito? At paano ba ito gagamutin?Ang hormones ay mga chemicals na pinoproduce ng ating endocrine glands. Nandiyan ang pituitary gland at ang pineal gland na nasa brain natin, nandiyan ang thyroid gland sa may leeg natin, nandiyan din ang mga adrenal glands na nasa taas ng kidneys, ang pancreas na malapit sa stomach, at ang ovaries na nasa puson natin, at sa mga lalaki naman ang testes.

Ang mga hormones na ito ang nagkocontrol ng iba’t-ibang functions ng mga organs natin. Maraming pwedeng maapektuhan sa katawan natin kung may imbalance ang mga hormones na ito.

Ano nga ba ang mga senyales na ikaw ay may hormonal imbalance?

Ang unang mapapansin ay iregular ang regla ninyo, pwede ngang ang regla ay kokonti at maiksi, pwede rin itong malakas at lumalampas ng seven days, pwedeng madalang ang regla, kadalasan delayed, o pwede namang mas madalas kaysa sa normal, nakakadalawang regla kayo sa loob ng isang buwan.

Pwedeng may hormonal imbalance kayo kung kayo ay hirap mabuntis. Kung may hormonal imbalance, pwedeng hindi ka naglalabas ng itlog buwan-buwan.

Ang iba ay may hindi maipaliwanag na biglang pagtaba o biglang pagpayat. Ang balat ay mapapansin dry, lalo na ang balat sa paligid ng mata. Pwede magkaroon ng maraming tagyawat sa mukha, sa dibdib, at sa likod. Pwedeng mapansin na nagiging manipis ang strands ng buhok at madali itong malagas.

Pwedeng mapansin din na parang wala kayong gana sa pakikipagtalik. Pwedeng may mood swings, kung minsan sobrang saya, kung minsan naman sobrang depress, madaling mainis, magalit, kabahan, madaling mapagod, masakit ang buong katawan, lalo na ang mga joints at muscles, napapadalas ang pagsakit ng ulo, hirap makatulog, madaling mainitan o madaling lamigin, madaling pagpawisan, lalo na sa gabi, at pwede rin magkaroon ng hot flashes, makakaramdam ng pag-init mula sa dibdib hanggang sa ulo at pagpapawisan ng malamig.

Feeling niyo kayo ay bloated, pwedeng constipated at pwede ring magtae, pwedeng mapansin na may ham kayo dito sa likod, pwedeng kayo ay may memory fog, makakalimutin kayo at short lang ang inyong attention span, hindi niyo maalala ang gusto niyong sabihin o gawin.

Ano ba ang mga dahilan bakit tayo nagkakaroon ng hormonal imbalance?

Ang most common na dahilan sa mga kababaihan ay yung PCOS o Polycystic Ovarian Syndrome. Pwedeng natural sa katawan na magkaroon ng hormonal imbalance, pwede mangyari ito kung bata pa, kung teenager at kakaumpisa lang magregla, pwedeng mapansin na iregular pa ang regla at madaling tagyawatin.

Kung teenager pa, bago magregla at habang nagreregla, pwedeng magkaroon ng hormonal imbalance, pwedeng kayo ay madalas sumakit ang ulo, may mood swings, madaling mairita, pag kayo ay magreregla pa lang, may feeling na kayo ay bloated, mas magana kayong kumain at mas mabilis tumaba.

Ang buntis ay may hormonal imbalance din, pwedeng madalas sumakit ang ulo, madaling mairita, tinatagyawat, hirap makatulog. Pag nagbe-breast feeding, may hormonal imbalance kaya hindi nagreregla.

Pinakamaraming mararamdaman pag perimenopause, menopause, o menopause na, sobrang mababa na rin kasi ang estrogen level sa katawan, may mood swings, depress, iritable, din sumakit ang ulo, hirap makatulog, maraming sakit na nararamdaman sa katawan, mas mabilis tumaba, may night sweats at hot flashes.

Maliban sa mga natural causes ng hormonal imbalance, marami pang pwedeng maging dahilan nito. Pwedeng kayo ay may sakit na diabetes, thyroid problem, hyperthyroid man o hypothyroid, pwedeng may brain tumor or infection, pwede may pituitary tumor kaya tumataas ang level ng prolactin na dahilan ng irregular na pagregla, pwede ring ma-damage ang pituitary gland, lalo na kung kulang ng oxygen supply na pumunta dito, nangyayari ito sa mga babaeng nahirapan manganak.

Ang chronic physical and mental stress ay pwede ring maging dahilan ng hormonal imbalance. Ang madalas na strenuous exercises ay pwedeng maging dahilan ng irregular na regla, kung biglang payat dahil sa isang sakit na tinatawag na anorexia nervosa, pwedeng maging irregular ang regla, ganun din ang obesity, ay pwedeng maging dahilan nito.

Ano ang gamot sa hormonal imbalance

May mga gamot, kamukha ng mga antihypertensive drugs at mga phenothiazines para sa psychotic disorders, ang pwedeng maging dahilan para magkaroon ng hormonal imbalance. May malaking epekto rin ang mga toxins, mga pollutants, at endocrine-disrupting chemicals, ito ay makikita sa plastics, household, cosmetic, at industrial products.

Ano ba ang mga test na pwedeng gawin kapag may hormonal imbalance?

May mga blood test para sa iba’t-ibang hormones, pwedeng gawan ng ultrasound, MRI, X-ray, CT scan para malaman kung may mga bukol.

Ano bang pwedeng gawin kung kayo ay may hormonal imbalance?

Kailangan mamaintain ang normal body weight, kung kayo ay mataba, kailangan maglose ng weight, importante ang ten percent na weight loss. Bantayan ang inyong mga kinakain, ilimit ang sugary foods, pati na rin ang refined carbohydrates, kamukha ng white rice at white bread.

Kumain ng mas maraming protein na galing sa meat, fish, and eggs, kumain ng iodine-rich foods, kamukha ng isda, seaweeds, iodized salt. Kung menopause na, makakatulong ang flaxseed at soya. Iwasan ang mga processed foods, kamukha ng bacon, sausage, salami, mga packaged noodles, at mga snacks.

Magkaroon ng regular exercise at aralin kung paano imamanage ang stress, makakatulong ang pagdarasal, yoga, at meditation. Iwasan ang mga chemicals na pwedeng makaapekto sa hormones ng katawan natin.

Pag nagluluto, gumamit ng mga ceramic imbis na yung mga nonstick pans, gumamit ng mga glass containers imbis na yung mga plastic, magsuot ng gloves pag gumagamit ng mga cleaning products, kamukha ng bleach. Hanggat maaari, kumain ng mga prutas at gulay na hindi ginamitan ng mga pesticides.

Iwasan mag-microwave ng mga pagkain at drinks na gamit ang plastic containers. Pag iregular ang regla, pwede magbigay ng mga oral contraceptive pills, kung hirap sa epekto ng menopause, pwede magbigay ng hormone replacement therapy, kung dry lang ang paligid, pwedeng vaginal estrogen o kaya mga moisturizers.

Kung may balak magbuntis, pwede magbigay ng mga fertility pills. Kung may diabetes, pwede magbigay ng metformin. Kung may thyroid problem, mga anti-thyroid drugs. Kung may mga sakit na dahilan ng hormonal imbalance, kailangang gamutin ang mga ito.

Conclusion

Ang hormonal imbalance ay ginagamot para maibsan ang mga nararamdaman at maiwasan din ang mga complications nito. Ginagamot para hindi magkaroon ng infertility, hindi magkaroon ng cancer sa matres, cancer sa suso, maiwasan ang heart disease, hypertension, diabetes, maprevent ang depression, ang stress, sexual dysfunction, o osteoporosis at goiter.

Iba pang mga babasahin

Tamang pag inom ng vitamins ng buntis

Mga dapat iwasan ng buntis para di makunan

Bakit kailangan ng Pap Smear test sa mga babae

Lunas sa hirap sa pagtae o constipated na buntis

One thought on “Sintomas ng Hormonal imbalance na may epekto sa pagbubuntis

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *