Pag ika’y thirty seven to forty weeks pregnant na, pwede ka nang manganak anytime dahil mature na si baby. Pwede ka nang maglabor anytime. Kadalasan, hindi mo masasabi kung kailan magsisimula ito. Ihanda na ang lahat ng gamit na kakailanganin sa ospital o sa lying-in clinic. Kasama na diyan ang gamit ninyo at ang gamit ni baby. Ilagay lang sa isang bag para nakaready na lahat para manganak ka.
Tatlong kondisyon bago masabi na manganganak na ang buntis
May tatlong bagay na dapat mangyari para makalabas si baby: Una, kailangang bumuka ang cervix, kasi kung nakasara ang cervix, hindi makakalabas si baby. Ang cervix ang pinakapinto ng matris. Pangalawa, kailangan pumutok ang bag na naglalaman ng amniotic fluid, may nakapaligid na membrane kay baby kung saan naiipon ang amniotic fluid o tubig. Para makalabas si baby, kailangang wala na itong membrane na ito. Pangatlo, kailangan may magtulak kay baby palabas ng matris. Ang tutulong para lumabas ang baby ay ang contraction ng muscle ng matris. Kailangang manigas ang matris, mag-contract ang muscle nito para maitulak si baby palabas.
Ngayong alam niyo na kung ano ang tatlong dapat na mangyari para makalabas si baby.
Ano na ang mga senyales na nagle-labor na nga kayo at malapit na kayong manganak?
Una, magkakaroon kayo ng pagdurugo. Pwedeng konti lang ito, pwedeng marami. Pwedeng maitim, pwedeng mapula. At nangyayari ito dahil bumubuka ang cervix. Pag bumubuka ang cervix, may napupunit na maliliit na ugat kaya kayo dinudugo. Pwedeng may konting sipon ang pagdurugo na ito dahil lumalabas na rin ang mucus plug o ang sipon na nakabara sa cervix.
Pangalawa, pag pumutok ang bag of water, magkakaroon kayo ng watery vaginal discharge. Mababasa hindi lang ang underwear ninyo, pwedeng lumusot ang tubig pati sa damit ninyo. May kakaiba itong amoy, parang amoy ng Clorox. Pwedeng clear white ito, pero kung nakadumi na si baby, pwedeng maging yellow, whitish, o greenish ang kulay ng discharge na ito.
Pangatlong sign na manganganak na kayo, maninigas ng madalas ang matris ninyo. Nangyayari itong paninigas every two to three minutes, sunod-sunod na at walang tigil. Pwedeng masakit, pwede ring konti lang ang sakit, depende sa pain threshold ninyo.
Pwedeng lahat ng senyales na ito ay nandiyan, at pwede ring isa o dalawa lang ang meron. Ang importante, magpacheck-up na kayo kahit isa man sa mga senyales na ito.
Listahan ng prenatal clinic sa Cabuyao
JNRM Maternity and Lying-In Clinic
- Address: 546 Rizal Avenue, Poblacion, Cabuyao, Laguna
- Phone: +63 49 531 6899
HealthServ Cabuyao Medical Center
- Address: KM 46, National Highway, Brgy. Banay-Banay, Cabuyao, Laguna
- Phone: +63 49 531 1030
Holy Rosary Hospital
- Address: J.P. Rizal St., Barangay II, Cabuyao, Laguna
- Phone: +63 49 520 4563
Iba pang mga babasahin
Paano malaman kung ilang weeks na ang pinagbubuntis? -Manual computation
Sintomas ng Hormonal imbalance na may epekto sa pagbubuntis
2 thoughts on “3 Signs na malapit nang manganak ang buntis”