Mga two-thirds na mga kababaihan sa ibat-ibang bansa ay nanganganak through normal delivery, at mga one-third ay nanganganak through cesarean section. Hanggat maaari, hanggat kaya, pinakamaganda pa ring manganak ng normal delivery.
Ano ang advantage ng normal delivery sa panganganak?
Pag normal delivery, mas konti pa rin ang nawawalang dugo sa inyo, ang average ng blood loss ay five hundred ml lang. Pag cesarean section, pwede itong umabot ng mga one thousand ml, at pwedeng mas madami pa.
Kung normal delivery, kadalasan one to two days lang kayo sa ospital, pero kung cesarean section, pwede kayong tumagal ng mga three to five days.
Kung normal delivery, pwedeng walang sugat sa pwerta, o pwedeng may sugat, pero mas superficial lang o mas mababaw lang ito. Pag mas mababaw ang sugat, mas madali itong gumaling.
Ano ang gagawin sa CS na panganganak?
Kung cesarean section, hihiwaan sa tiyan, at hihiwaan din sa matris, kaya ang paggaling o recovery ay mas matagal. Sa normal delivery, ang sugat sa pwerta ay pwedeng gumaling in one to two weeks time. Sa cesarean section, ang hiwa o sugat sa tiyan ay pwedeng gumaling in one to two weeks time, pero ang full recovery ay pwedeng umabot ng six to eight weeks.
Sa normal delivery, dahil mababaw lang ang sugat, kung nagkaroon man ng infection, ito ay less severe, mas madali itong gamutin at less ang complications. Sa cesarean section, dahil mas malalim ang sugat, pwedeng magkaroon ng mas grabeng infection, mas kinakailangan na mas malakas ang mga antibiotics.
Ano pa ang ibang komplikasyon ng cesarean section sa panganganak?
Sa cesarean section, habang ginagawa ang operasyon, pwedeng ma-injure ang bladder o pantog, pati na rin ang bituka. Sa cesarean section, pwedeng magkaroon ng kabag o pagkakaroon ng hangin sa bituka after maoperahan. Kung ikaw ay na-cesarean section dahil sa matagal na pagkakahiga, pwedeng magkaroon ng mga blood clot sa inyong ugat. Pwedeng magkaroon din ng komplikasyon sa anesthesia.
Kung kayo ay nanganak ng cesarean section, mas malaki ang chance na cesarean section din ang mga susunod ninyong pagbubuntis. Malilimit din ang number ng inyong pregnancies. Kung dati kayong cesarean section, kadalasan hanggang four pregnancies lang, depende sa kapal ng inyong matris.
Kung dati kayong cesarean section, pwedeng magkaroon ng complication sa attachment ng placenta. Pwedeng dumikit ang inunan sa uterine scar at magkaroon ng placenta previa o mababang location ng placenta, o invasion ng muscle ng uterus, o placenta accreta or percreta. Pwede itong maging dahilan ng malakas na pagdurugo na delikado para sa isang buntis.
Kung hindi maganda ang paggaling o healing ng uterine scar, pwedeng magkaroon ng problema sa susunod na pagbubuntis. Pwedeng magkaroon ng uterine rupture o pagbuka ng sugat.
Ngayon, alam niyo na na mas maganda pa rin talaga ang natural o normal delivery. Mas maraming complications ang cesarean section. Hindi man natin gusto na kayo ay mas cesarean section, maraming dahilan para kailangang gawin ito.
Ano nga ba ang mga dahilan bakit kailangang manganak kayo ng cesarean section?
Ang una at pinaka-common na dahilan ay hindi makadaan ang inyong baby sa inyong sipit-sipitan, ang tawag dito ay cephalopelvic disproportion o CPD. Hindi kasya si baby dahil pwedeng sobrang laki ni baby para sa pelvic bones ng nanay, o natural na masikip lang talaga ang pelvic bones o maternal pelvis.
Sa ganitong pagkakataon hindi na hinihingi ng doktor ang X-ray telviewmetry. Ang ginagawa nila madalas ay trial of labor. Pag nasa active phase na kayo ng labor, ibig sabihin, ang cervix ninyo ay nakabuka na ng six centimeters pataas, at hindi tumutuloy ang pagbubuka nito ng more than two hours, at ang baby ay hindi rin bumababa, ang tawag dito ay failure to progress. Ang kadalasang dahilan nito ay CPD o cephalopelvic disproportion.
Pwede ring ma-cesarean section kung nagkaroon ng abnormality sa fetal heart rate ng baby. Pwedeng mangyari ito kung naiipit ang umbilical cord habang nagco-contract ang matris. Pag naiipit ang pusod ni baby, nababawasan ang blood flow papunta dito, nababawasan ang oxygen na pumupunta sa baby, at delikado ito. Mas safe ang cesarean section.
Kung ang baby ninyo ay suhi at kayo ay nangangalay pa lang, hindi pa tested ang inyong pelvic bones, may chance na mailabas ang katawan ni baby, pero maipit ang kanyang ulo. Mas delikado pa kung premature at suhi dahil mas malaki pa ang ulo kaysa sa ibang parte ng katawan.
Kung premature si baby, may tinatawag din na footling breech, ang nakalabas o nasa pinakababa ay ang dalawang paa o isang paa lang ni baby. Hindi kayang pabukahin ng paa ang cervix, kaya ang baby ay nilalabas din through cesarean section.
Ang cesarean section din ay ginagawa kung ang baby ay nakatransverse o pahalang na posisyon. Hindi makakalabas si baby kung pahalang ito, at delikado na pag pumutok ang panubigan. Ang unang lalabas ay ang pusod o ang umbilical cord na delikado dahil maiipit ang blood flow papunta sa baby. Kailangan gawin ang cesarean section.
Kung almost twenty-four hours na na pumutok ang panubigan at hindi pa rin tumutuloy ang labor, mataas ang chance na magkaroon ng infection ng baby. Kung pumutok na ang panubigan, mas kailangan pang gawin agad ang cesarean section kung may infection na.
Kailangan din mas cesarean section kung sobrang laki ng ulo ni baby, kung siya ay may hydrocephalus, kung may placenta previa, ang inunan ay nasa pinakababang parte ng matris, nakaharang sa dadaanan ni baby. Kailangan ding masesarian section kung may abruptio placenta, na unang humiwalay ang inunan bago pa lumabas si baby.
Kailangan din ng emergency cesarean section kung kambal at ang isang baby ay abnormal ang posisyon o suhi. Kailangang masesarian section kung may twin pregnancy at more than two babies ang laman ng matris.
Mas maganda pa rin ang cesarean section kung tumataas ang blood pressure ng isang buntis o siya ay may preeclampsia. Kailangang mas cesarean section kung hindi controlled ang blood pressure at ang cervix ay hindi pa nakabuka at hindi kayang i-induce ang labor.
Ginagawa din ng cesarean section kung may singaw o herpes simplex virus infection ng isang buntis at siya ay may active infection sa time ng kanyang panganganak.
Marami ring mga ibat-ibang mga medical conditions ang kinakailangan ng cesarean section para mas safe ang isang buntis, kasama dito ang ibat-ibang heart conditions at mga brain problems, kamukha ng brain aneurysm, kung saan bawal umiri ang isang buntis.
Kadalasan, malalaman niyo lang kung kayo ay manganganak ng normal delivery o cesarean section pag kayo ay naglelabor na
Iba pang mga babasahin
3 Signs na malapit nang manganak ang buntis
Paano malaman kung ilang weeks na ang pinagbubuntis? -Manual computation
One thought on “Ano ang pipiliin ng buntis CS or normal Delivery?”