Talakayin natin ang mga dahilan bakit nagdurugo sa first three months ng pagbubuntis. Fifteen to twenty-five percent ng mga buntis ay nagdudugo sa first three months. Alamin natin ang mga dahilan nito.
Dahilan ng pagdurugo sa buntis sa first trimester
Isa sa mga dahilan ay ang tinatawag na implantation bleeding. Pag ang pagdurugo ay nangyayari bago ang expected mens o during expected menstrual period at ito ay konti lang at hindi naman sinasamahan ng pananakit ng puson, ito ay maaaring implantation bleeding. Kadalasang ito ay humihinto lang ng kusa. Pwede mapagkamalang regla ang kaibahan lang, ito ay nagtatagal lang ng one to two days at pwedeng very light lang.
Pwede ring magdugo kung may subchorionic hemorrhage. Ito ay konting pagdurugo sa likod ng inunan na kadalasang nangyayari pag less than eight weeks pregnant pa lang. Pag may pagdurugo, kadalasang ito ay light lang at hindi rin sinasamahan ng pananakit ng puson. Pwede rin makita lang ito sa ultrasound pero wala namang nararamdaman o walang pagdurugo.
Pwede magdugo kung meron kayong threatened miscarriage or abortion. Dumudugo ng pakonti-konti na may pananakit ng puson. Pwedeng ang dahilan nito ay infection, stress, o injury sa first three months ng pagbubuntis.
Pwede magdugo kung may early pregnancy loss. Ibig sabihin hindi na nagtuloy ang pagdevelop ni baby. Pag five weeks pa lang at huminto ng development, ang tawag dito ay blighted ovum. Pag umabot na sa six weeks pataas at wala ng nakitang heartbeat, ang tawag dito ay embryonic demise. Ang kadalasang dahilan ng early pregnancy loss ay chromosomal abnormality.
Pag ang pagdurugo ay malakas at may kasamang pananakit ng puson, pwedeng ito ay miscarriage or kuhanan. Pag lumabas na ng buo ang baby at inunan, ang tawag dito ay complete abortion. Pag may natira pang inunan o parte ng inunan, ang tawag dito ay incomplete abortion.
Pwede magdugo kung abnormal ang location ng pagbubuntis. Ang tawag dito ay ectopic pregnancy. Ang pagdurugo ay pwedeng konti o marami. Ito ay sinasabayan ng pananakit sa kanan o kaliwang parte ng puson. Pwede magkaroon ng feeling na parang kayo ay nadudumi at kung kayo ay tumatayo, pwedeng magdilim ang inyong paningin. Masakit din pag dinidiinan ang inyong puson o ang inyong tiyan.
Pwede rin magdugo kung abnormal ang tubo ng inyong inunan. Pwede magkaroon ng ubos-ubos o hydatidiform mole. Ang pagdurugo ay pwedeng mahina o malakas at pwedeng tuloy-tuloy.
Pwede rin kayong magdugo kung may infection kayo sa cervix. Ang pagdurugo ay pwedeng sabayan ng abnormal discharge at may kakaibang amoy.
Pwede magdugo kung may abnormality sa cervix, kamukha ng cervical polyp o cervical cancer.
Para malaman kung ano ang dahilan ng pagdurugo, napakaimportante ng check-up sa inyong mga doktor. Kukuhanan kayo ng history, gagawin ang physical examination, speculum examination. Makakatulong ng malaki ang transvaginal ultrasound. Malalaman kung may abnormality ang baby, ang inunan, ang location ng pagbubuntis, kung nakunan na, makikita din kung may natira pa sa loob ng matris.
Paano maiwasan ang pagdurugo sa first trimester ng buntis
Ang management ng pagdurugo sa first three months ng pagbubuntis ay depende sa dahilan nito. Kung implantation bleeding lang, inoobserbahan lang ito. Kung may subchorionic hemorrhage, pwede mag-advice ng pahinga at pampakapit. Pag may threatened abortion, inaadvise ang pahinga, pampakapit, at gamutin ang dahilan nito. Kung may infection, kailangang gamutin ito.
Kung may early pregnancy loss, kailangang palabasin ang pinagbubuntis. Kung nakunan at may natirang inunan o parte ng inunan, kailangang marahas pa. Kung nakunan at malinis naman ang matris, pwedeng obserbahan lang ito. Kung ectopic pregnancy at maliit lang ito at hindi pa pumutok, pwedeng makuha pa sa gamot. Kung ectopic pregnancy at pumutok na, kailangang operahan agad. Kung may abnormality sa growth ng placenta, kamukha ng ubos-ubos o hydatidiform mole, kailangan ng vacuum aspiration oras pa.
Iba pang mga babasahin
Pwede pa ba mabuntis ang 40 years old pataas?
Paano malaman kung ilang weeks na ang pinagbubuntis? -Manual computation
One thought on “Bakit may pagdurugo sa buntis ng first trimester”