Buntis buntis kaba at nasa unang trimester ng iyong pagbubuntis o meron ka mang mga kakilala o kamag anak na buntis ngayon at meron kang mga katanungan sa iyong isip na kung ang mga nararamdaman ba nila o ang nararamdaman mo ngayon is normal o hindi or ano ba yung mga dapat mong gawin para ma lessen o ma relieve yung mga masasamang pakiramdam na nararamdaman mo ngayon. Nangangamba ka ba o natatakot ka ba sa mga nararamdaman mo ngayon?
Tandaan po natin na hindi lahat ng buntis ay nakakaramdam ng masama o nakakaramdam sila ng kakaiba kasi meron ding mga buntis na okay lang yung pakiramdam nila pero buntis sila. Meron din naman karamihan sa mga buntis is meron silang mga kakaibang nararamdaman dahil sila nga ay nagdadalang tao.
Ano ang mga sintomas ng pagbubuntis sa unang buwan?
Ang una is dizziness or pagkahilo at ang sakit ng ulo. Sa iba hindi sila nakakaramdam ng ganto, pero may iba na normal nakakaramdam ng hilo at tsaka pananakit ng ulo. Bakit nga ba? Kasi nga pag ikaw buntis, magkakaroon ng mga hormonal changes kasi nga ikaw yung nagdadalang tao, so nag-aadjust ang ating katawan sa pagbabagong nagaganap, kaya ang mga hormones is minsan nagtataas, meron namang bumababa.
So ano bang dapat nating gawin kapag ganito?
So importante sa buntis, lalo na kapag ikaw masama ang pakiramdam, kaya lalot higit kapag ikaw nasa unang trimester na yung pagbubuntis, napaka importante na ikaw ay magpahinga, matulog ng maaga, uminom ng maraming tubig, at ang importante na laging masustansya ang inyong kinakain.
Pangalawa sa ilong, kapag po tayo buntis, mas tumataas yung sensitivities, malakas yung ating pang-amoy, so kapag tayo nakaamoy, lalot ng mga buntis, pag nakaamoy yan minsan ng mga ginisang bawang, na masyadong matatapang na mga amoy, ang mga pabango, anong nangyayari? Minsan sumasama ang pakiramdam, yung gaya ng paghilo, nahihilo sila o nasakit ang ulo.
Yung sensitivity sa dito na sa part sa bibig, nangyayari dahil naka-amoy sila ng mabango o masyadong matapang na amoy, or baho. Sa kanilang pang-amoy, ang nangyayari is naduduwal sila or nasusuka kasi nga ang buntis is more sensitive yan, more sensitive ang pang-amoy, sensitive ang panglasa, sensitive ang kanilang pandinig, so lahat ay tumataas kapag tayoy nakakaranas na ng pagduduwal at pagsusuka, umiwas na tayo sa mga pagkain na masyadong malalangis na pagkain kasi itong malalangis na pagkain na ito is makakatrigger pa lalo ng ating pagduduwal at ang ating pagsusuka.
Kapag tayoy nagduduwal o nagsusuka, pwede tayong kumain ng mga prutas na makakatas at ganun din yung mga prutas na maaasim, pero wag din nating karamihan, wag nating kasobrahan kasi baka naman sumakit din ang ating sikmura para lang ma relieve or mabawasan yung paglalaway, yung pagduduwal at pagsusuka, pwede tayong kumain ng mga ganung pagkain.
Ganun din pwede rin tayong magsipsip ng candy na medyo maasim para mawala yung sobrang paglalaway o sobrang pagduduwal. Ganun din pwede rin tayong kumain ng mga crackers, hindi crackers na chichirya ha, ganun din pwede rin tayong magsipsip nung ice cubes, pero wag din nating kakasobrahan. Tandaan, ang sobra is bawal para lang ma relieve or mabawasan yung mga nararamdaman.
So isama na natin dun sa pangatlo yung food cravings. Ano ba may food cravings? Ang food cravings is yung magana yung pagkain nila, kain sila ng kain. Meron naman din na mga buntis na walang ganang kumain, lalot dun sa unang trimester sila ng pagbubuntis. Dun sa iba, is normal yan, pero kung mas sumobra naman, is hindi na normal yan. So pag hindi nagtitrig lang ng isang isang pagkain na gustong gusto mong kainin, normal yan sa nagbubuntis or kung wala ka namang ganang kumain kasi nga masama ang pakiramdam, so wala silang ganang kumain.
Punta tayo sa pang-apat, dito tayo sa may parteng dibdib or sa sa breast. So kapag ikaw buntis, nakakaramdam ka na sumasakit o kumikirot yung iyong dede or minsan minsan may iba na namamaga, pero wag naman yung sobrang pamamaga kasi di na minsan may nakakaramdam ng mga buntis na sumasakit yung kanilang dede kasi nga tumataas ang progesterone level ng isang buntis or may mga hormones na tumataas sa isang buntis kaya ang nangyayari ay sumasakit ang kanilang dibdib, which is preparation na rin yan dahil nga ikaw buntis, ano bang magiging outcome, manganganak ka, magkakaroon ka ng baby, so ikaw ay magpapasuso or magpapadede. Ang dede natin is meron yang mamarigla, so nagpreprepare sa production ng milk para may maipadede ka.
Ang sunod is pagkahina or para kang nanghihina yung pakiramdam mo. Pag sa buntis normal yang nangyayari sa ating katawan, is mahina yung pakiramdam, so ang dapat mong gawin is magrest. Kaya nga sa unang trimester, hindi tayo laging dapat gumagalaw kasi nga nanghihina yung ating katawan, so dapat nating pagbigyan yung pakiramdam na yun. So anong gagawin natin? Magpahinga at matulog ng maaga, kumain ng masustansyang pagkain at mag-exercise. Meron naman tayong mga exercise na pwedeng gawin, yung mga life exercises.
Ang sunod po is yung pagka-asim ng sikmura o pagdidighay ng maasim. So pag ikaw buntis, ikaw ay nagduduwal at nagsusuka, so di ba napapansin niyo kapag nagsuka ka eh maasim na parang nalalasahan mo? Kasi ngayon yung acid na tumataas kapag sumasakit ang o nangangasim na sikmura. Ano bang dapat mong gawin? Pwede kang uminom ng tubig. Kapag ikaw umiinom ng gatas, wag kang iinom ng gatas na sobrang init, yun lang maligamgam at kayang kainin. Sa pagkain, pag ikaw kumakain, gawin mong small frequent meals, yung paunti-unti pero maya-maya, kahit na isuka mo yan, at least meron kang ipinasok o meron kang kinain para hindi ka naman manghina. Lalot ikaw nagbubuntis, kailangang-kailangan ng baby mo ang mga sustansya at mga nutrients para sa kanyang magandang development.
Isa sa mga nararamdaman ng buntis na minsan yung iba yung nararamdaman minsan yung pagiging bloated. Ano ba yung bloated? Yung pakiramdam mo parang lagi kang busog o parang laging puno ang tiyan mo na hindi ka na tutunawan. Gaya nga ng sabi ko kanina, may mga hormones na narerelease ang ating katawan kapag ikaw buntis na nagpaparelax sa mga internal organs nito, lalot higit pag ikaw bloated, yung digestive organ natin kapag buntis ka is nagbabagal po yung pagdidigest ng pagkain kasi nga nagrerelax yan para preparation doon sa fetus or bahay bata na nabuo at preparation sa paglaki ng iyong bahay bata. So ang nangyayari is nagrerelax ang mga digestive organ para mag give way sila dun sa paglaki ng iyong baby o paglaki ng iyong tiyan.
So ano ba dapat nating gawin kapag bloated tayo?
Dapat kapag ikaw ay bagong kain, wag ka basta-basta uupo lang o hihiga, lalo wag tayong hihiga kapag tayoy bagong kain. Pag bagong kain ka, ang gagawin mo is pwede ka namang maglakad-lakad. Lakad-lakad, lalot ikaw buntis kasi nga mabagal ang digestion, lakad-lakad. Wag naman yung lagi kang pagkakain mo, sa upo ka na o higa ka na. So lakad-lakad, uminom ng maligamgam na tubig para yung pagiging bloated natin is mabawasan.
Ano po ang sunod? Baba naman tayo dito sa may parteng baba uli o dito sa ating pusod. So kapag buntis ka, meron diyan nabubuong sanggol, yung mild pain na nararamdaman natin sa ating puson. Hindi naman siya yung lagi nating mararamdaman, meron tayong mararamdaman parang konting kirot dito sa may puson, which is normal kasi yung nabuong baby is nag-implant siya doon sa bahay bata natin o sa bahay bata ng isang nanay. So normal na makaramdam kayo ng konting kirot dito sa may puson at lalong higit na dati naman ay hindi ka buntis, so makakaramdam ka ng konting pagbabago kasi nga lumalaki na ang iyong bahay bata, so may mga konting kirot-kirot na nararamdaman, normal lang yan.
Pero kapag ang kirot is sobrang sakit at halos hindi mo kaya, may lumalabas sayong discharge which is dugo, yan ang hindi normal. Dapat magpakonsulta kayo sa doktor.
Ang sunod is yung increase urination o yung ihi ka ng ihi halos maya-maya, yung ihi ng ihi naninibago ka kasi nung hindi ka buntis, okay lang iihi mo halos dalawang beses o tatlong beses sa isang araw, pero nung nagbuntis ka, is maya-maya yung ihi mo, normal lang yan sa isang buntis o maya-maya ka ihi ng ihi. Punta sa CR, yan nararamdaman niyo yan kapag ikaw buntis is magsusubside din naman lalot higit pagdating na ng ikaw ay nasa second trimester na, yan ay makakaadjust na ang iyong katawan at mawawala na yung ihi ng ihi. At syempre babalik pa rin yan, babalik pa yan sa third trimester.
Sa first trimester o sa one to three months na yung pagbubuntis, normal lang na ikaw ay ihi ng ihi, wag tayo magpipigil ng ihi. Kapag ikaw nakaramdam ng ihiin, umihi ka, hindi yung tinatamad ka ng pumunta sa CR, which is pag ikaw nagpigil ng pag-ihi, ang mangyayari magkakaroon ka ng urinary tract infection or UTI. Ang gagamot diyan is antibiotic pag sobra na lala ng iyong UTI. So sa mga buntis, tandaan ninyo na kapag kayo nakakaramdam ng ihiin, umihi na kayo, wag kayo magpipigil ng ihi kasi napakabilis pong magdevelop ang UTI sa isang buntis.
Ang sunod is baba naman tayo dito sa may parteng legs o sa may parteng paa. So yung iba hindi naman nakakaramdam nito, may iba naman na nakakaramdam yung nagleleg cramps. Normally ang leg cramps ko is mararamdaman natin yan tayo buntis kapag second trimester o third trimester ng ating pagbubuntis o yung bakit nga ba siguro dahil kapag buntis ka, syempre lumalaki ang bahay bata mo, so nagkakaroon ng weight kahit papano, hindi pa naman kalakihan pero pag lagi ka nakatayo nang matagal, nagkakaroon tayo ng light cramps kahit hindi tayo buntis or dahil nagtakong ka. So ano bang dapat nating gawin?
So ang dapat nating gawin natin iwasan ang pagsusuot ng matataas na sapatos, ang ating mga tsinelas or ating mga sandals para maiwasan natin ang magkaroon ng leg cramps or pangingiting. Stretch natin yung ating paa, yung ating binti na mas mataas dito sa ating baywang, pwede nating istretch ang ating paa at iunat, ibend natin yung ating paa papunta dito sa atin para magstretch yung mga muscle at yung mga tendon dun sa nandiyan at mawala yung ating leg cramps.
Atin pong tandaan na sa oras na malaman niyo na kayo nagbubuntis na, nagpregnancy kayo or nagpa-ultrasound kayo at nalaman niyong kayo ay positive or nagbubuntis, wag nyo kalilimutan na pumunta agad sa malalapit na mga clinics, mga hospitals at magpakonsulta kayo sa inyong mga midwife at sa inyong mga doktor para mas maassist nila ang inyong pagbubuntis at mabigyan kayo ng mga karampatang mga gamot at mga test upang mas maging maayos ang inyong pagbubuntis at maging maayos ang development ng inyong baby.
Iba pang mga babasahin
Anong edad ang pinakamagandang pagbubuntis
Pagpapatali matapos manganak: Tubal Ligation
2 thoughts on “Ano ang nararamdaman ng buntis sa unang buwan”