Posted inBuntis

Kailan pwede makipagtalik ang umiinom ng pills?

Ang contraceptive pills ay isa sa mga pinaka-epektibong paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis kapag ginamit nang tama at regular. Ang bisa nito ay umaabot sa 99% kung sinusunod ang tamang paggamit, ibig sabihin, iniinom ang pill sa parehong oras araw-araw at hindi lumalampas ng kahit isang araw. Sa ganitong paraan, bihira ang pagkakataon ng pagbubuntis, na halos 1 sa 100 kababaihan lamang ang maaaring mabuntis kada taon.

Subalit, sa karaniwang paggamit, na kung saan ang ilang doses ay maaaring makaligtaan o hindi tama ang oras ng pag-inom, ang bisa ng contraceptive pills ay bumababa sa 91%. Ito ay nangangahulugan na humigit-kumulang 9 sa 100 kababaihan ang maaaring mabuntis kada taon dahil sa hindi perpektong paggamit.

Kailan nga ba pwede makipagtalik ang uminom ng contraceptive pills?

Unang Araw ng Menstruation

Kung sinimulan ang pag-inom ng COCs sa unang araw ng regla, agad itong epektibo, at maaari nang makipagtalik nang walang karagdagang proteksyon.

Iba Pang Araw

Kung sinimulan sa ibang araw ng cycle, kailangan uminom ng pills sa loob ng 7 araw nang tuloy-tuloy bago ito maging epektibo. Sa panahong ito, kailangan gumamit ng karagdagang proteksyon tulad ng condom.

Kailan mas epektibo ang pills pagkainom nito?

Kailan mag-uumpisang gumana ang pagtake ko ng contraceptive pills? Actually, it will take around seven days para talaga gumana ang contraceptive pills na tinake ninyo. Kailangan within that first seven days, magtake muna kayo or gumamit ng ibang contraceptive method like condom, kasi kapag hindi, mataas ang risk na kayo ay mabubuntis.

After seven days na yon, magtaas na ang effectivity ng inyong contraceptive pill. Kaya mali ang sinasabi ng iba na nagtatanong minsan, na nagtake daw siya ng pills a day bago sila magtalik or nagtake siya ng pills two hours before bago sila magtalik. Hindi yun ganun kadali. Ang system ng inyong katawan kailangan mag-adjust at iaabsorb yun after ng ilang araw bago siya talagang maging fully effective.

At tandaan, hindi dahil hindi nga one hundred percent ang contraceptive pill. Kaya kung tatanungin niyo ang doktor kung mabubuntis ba kahit gumagamit kayo ng contraceptive, yes, dahil may percentage pa rin na pupwedeng mabuntis ang isang babae kahit na gumagamit na kayo ng partner mo ng contraceptive pills.

Iba pang mga babasahin

Bakit nabubuntis kahit gumamit ng pills?

Ano ang nararamdaman ng buntis sa unang buwan

Anong edad ang pinakamagandang pagbubuntis

Pagpapatali matapos manganak: Tubal Ligation

One thought on “Kailan pwede makipagtalik ang umiinom ng pills?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *