Para sa article na ito, pag-usapan naman natin kung ano ang inyong dapat ma-expect na maranasan pagkatapos manganak at kung ano ang mga dapat gawin. Mahalaga ito para mapaghandaan ang usual na nararanasan ng mga kababaihan pagkatapos manganak or yung mga post partum care.
Sa pagtalakay natin sa topic na ito, hinati natin ito into three segments: una, yung facts; ikalawa, yung fears; at ikatlo, yung function.
Ano ang mga pwedeng mangyari pagkatapos manganak (Facts)
Pagkatapos mong manganak, it will take about six weeks para bumalik ang iyong katawan sa normal na non-pregnant state. Ang tawag sa panahon na ito ay yung puerperium. So ang mga una ninyong mararanasan ay ang pagpapatuloy ng pagdurugo or vaginal bleeding. Mas marami ang pagdurugo during the first one to two weeks after delivery. This is still normal, hindi ito dapat ikabahala. Normal na parte ito ng inyong panganganak. Ang dugo na ito ay maaaring medyo kaunti na, hindi na nakakasok ng napkin. Minsan naman, nakakasok pa din ang napkin pero hindi siya profuse, hindi yung sobrang tindi na magle-lead sa greater blood loss o pagkahilo.
Sa una, mapulang-mapula ang dugo, at sa mga susunod na araw, paunti-unti na lang siya na naglalighten and later on, mawawala na. Karaniwan ang pagdurugo ay up to one to two weeks, pero huwag magtataka kung minsan tumigil na pero maaaring magkaroon ng spotting hanggang sa six weeks after ka manganak.
Isa pang mararanasan ay ang sakit at pamamaga doon sa incision site. Kung ikaw ay nanganak ng normal delivery, usually magkakaroon ng gupit or episiotomy para mas magaan ang paglabas ni baby. Ang episiotomy na ito ay may iba’t ibang degrees, depende sa lalim ng sugat, at magiging proportional ang iyong mararamdaman na sakit. Pag third or fourth degree, which may involve the muscles sa perineal body, mas masakit ito at medyo mas matagal maghilom.
Sa mga nanganak ng normal delivery, walang gumagamit ng non-absorbable sutures, lahat ay natutunaw na, kaya wala nang iisipin na may tatanggalin pang tahi. Sa mga nanganak ng cesarean section, meron pa ring pain na mararamdaman sa tiyan, depende kung gaano katindi ang hiwa. Minsan, ang bikini cut o bikini incision ay mas painful kapag naglalakad, habang ang patayo na cut ay minsan less painful. Usually, mas maraming pumipili ng bikini incision kasi mas maganda tignan at mas maganda ang healing.
Ano ba ang mga usual fears ng isang babaeng nanganak? (Fears)
Una, ang fear ng suture removal. Kailangan linawin ninyo sa doktor kung ano ba talaga ang ginawa sa inyo at ano ang mga sutures na ginamit.
Ang takot na baka mataspas ang tahi ay common din. Kailangan lamang ng sapat na assurance na matibay ang tahi at turuan kayo ng tamang pagmove ng inyong bowels para hindi magkaroon ng komplikasyon.
Isa pang fear ay ang sexual activity. Minsan nagkakaroon ng anxiety kung paano ang mararamdaman kapag nagkaroon ng contact ulit, lalo na kung ang panganganak ay masakit at traumatic.
Paano mahilom ang sugat sa panganganak (Function)
Para maging maayos ang paghilom ng sugat, napakaimportante ng hygiene o paglilinis sa katawan. Hindi bawal maligo ang bagong panganak. Simulan natin sa cesarean section. Meron nang mga waterproof dressing ngayon, kaya hindi dapat matakot maligo.
Sa paglilinis ng sugat, maaari ninyong gamitin ang regular feminine wash with antiseptic effect. Pwede din gumamit ng povidone iodine na 7.5% at ihahalo sa tubig.
Para ma-avoid ang constipation, mag high-fiber diet, kumain ng gulay at prutas, at uminom ng maraming tubig. Kung hindi umubra, maaari na rin kayong magtake ng herbal-based stool softeners or laxatives.
Para sa mga nanganak ng normal delivery, mas mabuti na palipasin ang six weeks bago magresume ng sexual activity. Sundin ang mga gamot na ipinabaon sa inyo at ensure proper nutrition. Magkaroon ng sapat na pahinga at kaunting exercise.
Danger Signs
Kapag bumuka ang tahi, kailangan niyong bumalik agad sa doktor. Kung may severe pain sa perineal area, bumalik sa doktor. Watch out for foul-smelling discharges.
Iba pang mga babasahin
Mga senyales na malapit na manganak ang buntis
One thought on “Ano ang mga epekto ng pagkatapos manganak”