Kailan ba ang edad na pinakamagandang magbuntis ang isang babae? Sa totoo lang, kung sa quality ng eggs ang pag-uusapan, ang peak reproductive years would be from the late teens to age thirty. However, syempre hindi naman natin ini-encourage ang pagbubuntis ng isang teenager kasi marami pa ring mga nagiging problema sa teenage pregnancy.
So by the age of thirty years old, yung fertility o yung capability to be fertile declines, medyo bumababa na. Pagdating ng thirty-five, mas mabilis ang pagbaba ng capability para mabuntis, at syempre pagdating ng age forty-five, halos mahirap na talagang magbuntis. Although may mga ibang nabubuntis pa rin, dapat din nating tandaan na habang tumatanda ang isang babae, mas dumarami ang tsansa na magkaroon ng abnormality sa chromosomes.
As a woman ages, mas mataas yung risk ng mga disorders of infertility, at mataas din naman yung magiging risk sa pregnancy. Talagang merong optimal time lamang para magbuntis, for healthy couples between the age of twenty to thirty, one in four women will get pregnant in a single menstrual cycle, so mataas pa yung chance. Pero pagdating ng past forty, one in ten na lang yung nabubuntis for menstrual cycle.
Gaano kadami ang egg cell ng isang babae
Pag-usapan naman natin yung eggs o egg follicles ng isang babae. During her life, there are about six to seven million eggs, pero by the time na maipanganak ang isang babae, meron na lang mga one million eggs. By the time dumating sa age of puberty, there will be about three hundred siguro four hundred, approximately yun na siguro yung pinakamarami na eggs doon sa ovary. So yun yung mga potensyal na maging baby, mga potential eggs na maaaring marelease.
Makikita niyo yung eggs natin, mga babae, they are as old as we are. So of course, as we age, nagdedecrease din yung quality ng mga itlog na ito. Karamihan nung mga eggs, ay naaabsorb na lamang, nawawala, minsan naaapektuhan ang mga sakit. By the time that you reach the age of thirty, more or less malaki na yung nabawas, more than fifty percent na yung nabawas dun sa eggs. Then by the time you reach the age of forty, less than five percent na lang ang naiiwan na eggs.
That’s why whenever a woman wants to get pregnant, lalo na kung thirty-five years old or forty years old na, kailangan natin munang itest yung ovarian reserve, meaning dapat nating malaman kung may capacity pa ba siya, may mga itlog o egg follicles pa bang naiiwan na potentially ay marerevive.
So if nag-thirty years old ka na, approaching hanggang thirty-five years old, dahil sa nagdedecrease na amount ng eggs at nagdedecrease din yung quality niya, nagkakaroon ka lamang ng twenty-five to thirty percent chance of getting pregnant per month. Per cycle by the age of forty-three, destined two percent na lang yung tsansa na makabuo.
So yung mga iba, by this time, humihingi na talaga sila ng tulong through artificial means kung medyo late yung attempt na magbuntis. Late nag-asawa, late naisipan mag-conceive, then medyo mahirap na, kailangan may tulong na talaga. Kaya tayo nagkakaroon din kung minsan ng mga pregnancy na hindi successful, yung mga sabihin natin blighted o boom, o kaya early embryonectomy, hindi lamang yung bilang ng itlog ang nawawala, hindi lang yung bilang ng itlog ang kumukonti, pati yung quality ng bawat isang itlog sa loob ng ovaries ay nagkakaedad na din, nagbabago din. So mas the older we are, mas malaking chances to have pregnancy which is not successful. Maaari kasing ma-alter na yung quality nung egg, so maaaring hindi na lang mabuo ng maganda yung mga follicles na nandodoon.
Ano ang ginagawa para mabuntis ang mga may edad na?
Kaya minsan din, binibigyan natin ng pansin yung mga gustong mabuntis pero hindi na early in their life nagtatry magbuntis. They get supplements to help maintain the good health and quality of the eggs. So ang moral of the story is that halimbawa stable naman na kayo, and you feel that you are ready to start a family, you want to get pregnant na, gawin niyo na ng maaga. The younger you are, the younger the female is, mas mabuti na magbuntis.
And then halimbawa naman na medyo mas late na sa buhay, like mga thirty plus ka na, and you want to get pregnant, dun pa lang kayo nagsettle down, dun pa lang nakaisip, hindi naman ibig sabihin wala ng pag-asa, pero kailangan nagpapaalaga na talaga kayo, yung pagbubuntis wag ng idedelay. Kasi the longer na idedelay mo siya, ay maaaring mas magiging mahirap na sa inyo o mas maaaring magkaroon na rin ng complications yung pregnancy.
Halimbawa talagang napapansin niyo na sa isang taon ng pagsasama, hindi pa rin nakakabuo, gustong-gusto niyo namang makabuo, di magpaalaga na kayo at pumunta na kayo sa inyong mga OB-GYN para mabigyan kayo ng payo, mabigyan kayo ng advice kung ano ang dapat gawin.
Iba pang mga babasahin
Pagpapatali matapos manganak: Tubal Ligation
Bakit may pagdurugo sa buntis ng first trimester
3 thoughts on “Anong edad ang pinakamagandang pagbubuntis”