Posted inPanganganak

Bakit nagiging suhi ang baby na pinagbubuntis

“Suhi po ang aking baby, paano po ang gagawin ko? Mababago ko pa ba ang pwesto niya?” First, ano ba ang breech presentation? O sa Tagalog, ang tawag natin ay suhi. Ang breech presentation ay ang presentation ng baby kung saan ang nauuna ay ang kanyang pwet o batok, sa halip na ang ulo, na karaniwang nauuna sa vertex presentation. Sa breech presentation, ang ulo ng bata ang nasa taas.

Posted inBuntis

Tips para sa hirap mabuntis

Masasabi nating may infertility na problema kung more than twelve months na na may unprotected intercourse at hindi pa rin nabubuntis ang isang babae na more than thirty-five years old na, o kung more than six months na na hindi pa nabubuntis ang babae sa mas bata pang edad.

Posted inPanganganak

3 Signs na malapit nang manganak ang buntis

Pag ika’y thirty seven to forty weeks pregnant na, pwede ka nang manganak anytime dahil mature na si baby. Pwede ka nang maglabor anytime. Kadalasan, hindi mo masasabi kung kailan magsisimula ito. Ihanda na ang lahat ng gamit na kakailanganin sa ospital o sa lying-in clinic. Kasama na diyan ang gamit ninyo at ang gamit ni baby. Ilagay lang sa isang bag para nakaready na lahat para manganak ka.

Posted inBuntis

Paano malaman kung ilang weeks na ang pinagbubuntis? -Manual computation

 Paano ba malalaman kung ilang buwan na kayong buntis para mas accurate, ilang weeks na ba kayong buntis?Ang average na haba ng pagbubuntis ay two hundred eighty days or forty weeks. Ang tawag naman diyan ay “age of gestation” or “age of pregnancy,” ang shortcut nito ay AOG. Sa mga clinicians o doktor, nagbabase kasi sa menstrual age, ang bilang ay mula sa first day ng regla. Sa mga embryologists o biologists, nagbabase sila sa ovulation age, kung kailan lumabas ang itlog at kung kailan ito nafertilize ng sperm.

Posted inMenstruation

Sintomas ng Hormonal imbalance na may epekto sa pagbubuntis

Ano ba ang hormonal imbalance? Paano ba malalaman kung kayo ay may hormonal imbalance? Ano ba ang mga dahilan nito? At paano ba ito gagamutin?Ang hormones ay mga chemicals na pinoproduce ng ating endocrine glands. Nandiyan ang pituitary gland at ang pineal gland na nasa brain natin, nandiyan ang thyroid gland sa may leeg natin, nandiyan din ang mga adrenal glands na nasa taas ng kidneys, ang pancreas na malapit sa stomach, at ang ovaries na nasa puson natin, at sa mga lalaki naman ang testes.