Narito ang iyong gabay tungkol sa pagbabalik ng regular na regla matapos manganak.
Matapos manganak, inaasahan at binabantayan natin kung kailan bumabalik ang ating regular na regla. May mga bagong panganak na naiistress dahil hindi pa bumabalik ang kanilang regular na regla ilang buwan matapos manganak. May mga babaeng bumabalik agad ang kanilang regla matapos manganak, samantalang may mga bumabalik ito matagal na.
Kailan bumabalik ang regular na regla matapos manganak?
- Maaari nang bumalik ang iyong regular na regla sa pagitan ng anim hanggang walong linggo matapos manganak kung hindi ka nagpapa-exclusive breastfeeding sa iyong baby.
- Kung ikaw ay nagpapasuso, maaaring magiba ang panahon ng pagbalik ng iyong regla.
Paano nakakaapekto ang exclusive breastfeeding sa pagbalik ng regla?
- Ang exclusive breastfeeding ay nakakaapekto sa pagbalik ng regla dahil sa hormone na prolactin, na responsable sa paggawa ng gatas at din sa pagpigil ng regla.
- Karaniwang, ang epekto nito ay anim na buwan lamang, ngunit maaaring umabot hanggang isang taon.
Kailan babalik ang regla kung bottle feed o formula milk ang baby?
- Kapag bottle feed o formula milk ang baby, mas maaga ang pagbabalik ng iyong regular na regla matapos manganak. Karaniwang, magkakaregla ka na sa pagitan ng apat hanggang anim na linggo.
Maaaring bumalik ang regla kapag mixed feeding ang baby?
- Kapag mixed feeding ang baby, habang nababawasan ang pagsususo ni baby sa kanyang ina, mas lalong magiging maaga ang pagbalik ng regla ng isang bagong panganak. Maaaring bumalik ito sa pagitan ng anim hanggang walong linggo.
Maaaring mabuntis agad kahit naka exclusive breastfeeding ako kay baby?
- Ang sagot ay depende. Kung pasok ka sa criteria ng tinatawag na lactational amenorrhea method (LAM), maaaring hindi ka mabubuntis. Ang LAM ay may mataas na chance ng effectiveness kung natutugunan ang mga sumusunod na criteria:
- Wala pang anim na buwan ang baby.
- Hindi pa bumabalik ang regla ni mommy.
- Exclusive breastfeed si baby (breast milk lang ang iniinom).
- Nasusunod ang eight to twelve times na feeding o every two to three hours na pagpapasuso.
Ngunit kung isa man sa mga criteria ay hindi nasunod, halimbawa ay more than six months na si baby, mahalagang gumamit ng ibang contraceptive method.
Maaaring mabuntis agad kahit naka bottle feed o formula milk ang baby?
- Oo, maaaring mabuntis agad kung hindi gumagamit ng kahit anumang contraception matapos manganak. Maaaring bumalik ang ovulation bago pa man bumalik ang regla, kaya mahalagang gumamit ng contraceptive.
Maaaring mabuntis kahit hindi pa bumabalik ang regular na regla?
- Oo, possible pa din na mabuntis kahit hindi pa bumabalik ang regular na regla dahil mas nauuna ang ovulation bago pa man bumalik ang regla.
Iba pang mga babasahin
Safe ba ang pills kahit iputok sa loob?
Kailan pwede makipagtalik ang umiinom ng pills?