Posted inBuntis

Bakit nabubuntis kahit gumamit ng pills?

Nag pills, nagtalik, nabuntis, posible ba itong mangyari? Tara alamin natin.

Actually, ang pills ay isa sa pinakamabisang paraan para maiwasan ang pagbubuntis. Gayunpaman, merong mga kadahilanan na maaaring magresulta sa hindi inaasahang pagbubuntis. Ayon sa sanggol.info, ang pills ay ninety nine percent effective kapag ito ay ginamit ng tama. Ang pills ay naglalaman ng hormona na pumipigil sa ovulation, na kung saan pinipigilan nito ang paglabas ng itlog mula sa ovaryo o kaya naman pinapalapot ang cervical mucus. Dahil sa pagkalapot na ito, nahihirapang lumangoy ang semilya papunta sa loob kaya hindi nito mamimeet ang itlog o kaya naman ay pinapanipis ang lining ng uterus kaya mahihirapan din na magkaroon ng pagbubuntis.

Sabi ko nga kanina, kung perfectly use, ito ay ninety nine percent effective. Pero kung karaniwan, ito ay bumababa sa ninety one percent. So meron pa ring nine percent na posibilidad na magkaroon ng pagbubuntis. At bibigyan ko kayo ng mga kadahilanan kung bakit pumapalya ang pills, kung saan humahantong sa pagbubuntis.

Mga dahilan bakit nabubuntis kahit nag pills na

Una, kung ito ay hindi mo ininom ng tama, kung saan na mismo nakalimutan, hindi nainom sa tamang panahon, nakalimutan kung kaya hindi gagana ng maayos ang pills.

Pangalawa, pagsusuka. So nung ininom mo yung gamot, nagsuka ka, hindi pa yun naabsorb ng katawan mo, tapos isinuka mo. So ang tendency, hindi gagana ang pills kasi naging kasama yun ng pagsuka mo. So yung effectivity ng pills, hindi gagana para sayo.

Pangatlo, kung hindi mo iniinom ng tama ang iyong pills. Dapat ito ay araw-araw sa parehong panahon. Kung umaga mo ininom yung kahapon, ngayon inumin mo rin siya ng umaga at araw-araw mo siyang iinumin ng umaga. So mag-alarm ka kung kailangan para iwas buntis.

Pang-apat, kung nakatapos ka na ng isang pack, tapos hindi mo agad naumpisahan ang kasunod na pack. So dapat umpisahan ito according sa kung kailan dapat umpisahan. Alamin mong mabuti kung kailan ka dapat mag-umpisa ng susunod na pakete.

Panglimang dahilan, kung ikaw ay umiinom ng gamot na nakakapagpababa ng effectivity ng pills. Kasi merong ibang mga gamot na kapag tinake mo siya kasabay ng pills, pabababain ang effectivity ng pills, katulad ng rifampicin, pising at anti-fungal na gamot.

Kaya kung kayo ay nakaranas ng ganitong mga kadahilanan, kumunsulta sa inyong doktor, ob-gyne at humingi kayo ng advice o gumamit ng condom bilang back up just in case.

Iyan ang mga impormasyon tungkol sa paggamit ng pills at ang mga posibleng dahilan kung bakit maaari itong pumalya. Ingat palagi at maging maingat sa paggamit ng anumang paraan ng pagkontrol ng pagbubuntis.

Tamang pag gamit ng birth control pills para hindi mabuntis

Para maging epektibo ang pag-inom ng pills bilang kontraseptibo, mahalaga na sundin ang tamang paraan ng paggamit nito. Una, siguraduhin na iniinom ang pill sa parehong oras araw-araw. Ang pagiging consistent sa oras ng pag-inom ay nakatutulong upang mapanatili ang tamang antas ng hormones sa katawan, na pumipigil sa obulasyon.

Ikalawa, huwag palampasin ang kahit isang araw ng pag-inom. Kung makalimutan, inumin ang nakaligtaang pill sa lalong madaling panahon at ituloy ang regular na iskedyul. Kung dalawang araw o higit pa ang nakalampas, sundan ang mga instruksyon sa leaflet ng pill o kumonsulta sa doktor para sa tamang hakbang.

Ikatlo, unawain na ang ilang mga gamot o suplemento, tulad ng antibiotics o St. John’s Wort, ay maaaring makabawas sa bisa ng pills. Mahalagang ipaalam sa inyong doktor ang lahat ng gamot na iniinom upang matiyak na walang magiging epekto sa bisa ng kontraseptibo.

Panghuli, ituloy ang paggamit ng pills kahit sa panahon ng menstruation at maging handa sa mga unang side effects tulad ng pagduduwal o spotting, na karaniwang nawawala matapos ang ilang buwan ng tuloy-tuloy na paggamit. Ang tamang pag-inom at pag-alaga sa inyong kalusugan ay susi sa epektibong paggamit ng pills para maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis

Iba pang mga babasahin

Ano ang nararamdaman ng buntis sa unang buwan

Anong edad ang pinakamagandang pagbubuntis

Pagpapatali matapos manganak: Tubal Ligation

Bakit may pagdurugo sa buntis ng first trimester

One thought on “Bakit nabubuntis kahit gumamit ng pills?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *