“Suhi po ang aking baby, paano po ang gagawin ko? Mababago ko pa ba ang pwesto niya?” First, ano ba ang breech presentation? O sa Tagalog, ang tawag natin ay suhi. Ang breech presentation ay ang presentation ng baby kung saan ang nauuna ay ang kanyang pwet o batok, sa halip na ang ulo, na karaniwang nauuna sa vertex presentation. Sa breech presentation, ang ulo ng bata ang nasa taas.
Gaano kadalas mangyari na suhi ang pinagbubuntis?
Ang breech presentation ay kumakatawan ng tatlo hanggang apat na porsyento ng lahat ng pagbubuntis, kaya hindi naman ito masyadong karaniwan. Gayunpaman, kapag nagpa-ultrasound ang mga mommy, nakikita nila sa resulta ng ultrasound na sinasabi na breech presentation ang bata. Kaya minsan, sila ay nababahala.
Subalit, hindi talaga kayo dapat mag-alala kapag may mga maagang ultrasound na nagpapakita na breech ang baby niyo. Ang magandang balita ay maaari pang magbago ang pwesto nito. Oo, totoo na maaaring ikot pa siya. Mas nagiging significant lang ang pwesto ng baby kapag siya ay nasa thirty-five to thirty-six weeks na. Maaaring ikot ang baby at or near term upang maging syphalic o vertex, kung saan ang ulo ang nauuna, sa ninety-seven percent ng mga kaso.
Bakit suhi ang pinagbubuntis ng ibang babae
Bakit ganito? Dahil sa hugis ng matris. Ang matris ay mas maluwag sa taas, sa fundal portion, at mas masikip sa baba, sa may cervix. Kung ihahambing sa hugis ng bata, nag-a-adopt siya sa hugis ng matris. Kapag walang external factors, ang upper portion ay rumir, kaya mas komportable siya sa posisyon na nandoon din ang bulkier na pwet niya.
Kaya, kung sa unang, pangalawang, o maagang pangatlong trimester nagpa-ultrasound kayo at nakita niyo na breech ang bata, huwag nang itanong sa akin kung ano ang pwede niyong gawin para siya ay magbago ng pwesto. Una, maaari bang isipin na mababago niyo ang pwesto ng baby? Siyempre, ang baby ay buhay, nagmo-move around sa loob ng tyan ng mommy. Siya ay nagsi-swim sa loob ng uterus. May mga nagsasabi na magpa-masahe ang mommy, magpa-hilot, o gumawa ng mga parang gymnastics. Walang magagawa para baguhin ang pwesto ng bata.
Kung sakaling hindi siya umikot at suhi ang sanggol, bakit kaya?
Nangyayari ito kung may congenital abnormality sa hugis ng uterus mo, halimbawa heart-shaped siya o may septum sa loob, kaya nag-iiba ang contour o configuration niya. Sa multi-fetal pregnancy, dalawa kasi ang bata doon sa loob, mas maliit sila, kaya medyo nag-iiba ang pwesto nila. Minsan, isa ay vertex, ang isa ay maaaring mag-assume ng ibang pwesto, tulad ng breech. Sa ilang kaso, may placenta previa, kung saan may nag-oocclude na placenta sa baba, sa lower portion ng uterus, na maaaring dahilan din ng breech presentation.
Gayundin sa mga kaso na may multiparity, ang tiyan ni mommy ay napakaluwag na, mas soft na ang uterus, kaya mas madaling gumalaw-galaw ang bata sa loob. Sa katunayan, may isang pasyente ako na sa kanyang panlimang pagbubuntis, iba’t-ibang pwesto ang kinuha ng bata niya. At nagiging breech, pagkatapos ay ulo, at sa huli, umikot ulit at naging transverse.
Kung may labis na amniotic fluid, na nadidistansiyahan ng sobra ang uterus, maaaring mag-iba ang pwesto ng bata. Minsan naman, walang maidentify na dahilan, sa pamamagitan ng pagkakataon lang talaga na breech ang bata.
Maari bang ipahilot ang suhi?
Ngayon, sa mga malalaking pagbubuntis o yung mga medyo malapit na sa term, o halos term na, at hindi nga umikot ang bata, ang tanong na naman diyan, maaari ba siyang ipahilot? At ang sagot ko ay isang malaking hindi. Dahil ang pagpapahilot ay delikado at, sa totoo lang, para sa akin, ang pagpapahilot sa matris o sa buntis man o hindi, ay maaaring magdulot ng maraming pinsala, hindi lang mabuti. Kaya, huwag tayong magpapahilot.
At kung ang bata ay term na at handa na siyang madeliver, ito na ang itatry, ikutin ang bata. Subalit, mangyaring unawain na ang pamamaraang ito ay hindi ginagawa ng lahat. Kailangan ito ng maraming kasanayan at dapat gawin sa loob ng delivery room complex kung saan handa ang operating room kung sakaling magkaroon ng disgrasya. Ang disgrasyang sinasabi ko ay kung halimbawa na magkaroon ng fetal distress ang bata dahil tinatry siyang ikot o manipulate sa loob. Sa ilang kaso, maaaring magkaroon ng rapture ng uterus dahil sa sobrang sigasig ng pagtatangkang manipulate. O sa ibang kaso, maaaring mailagay sa panganib ang nanay at kailangan na siyang madeliver agad sa pamamagitan ng cesarean delivery kung sakaling mangyari ito.
Marami ring hindi nag-a-advocate ng external cephalic version dahil sa mga pag-aaral, sinasabi nila na ang success rate nito ay mga fifty-eight hanggang sixty percent, kaya hindi ito gaanong mataas. Kaya kahit na basahin niyo sa internet na may breech talaga ang baby natin at term na, maaaring madeliver sa pamamagitan ng cesarean section o sa ilang kaso, sa pamamagitan ng breech extraction.
Sa breech presentation na panganay, bakit po? Dahil sa science section, pinipili natin ang mode of delivery dahil sa breech presentation na panganay, ang pelvis ay hindi pa tested, hindi pa natin alam ang kakayanan ng pelvis na magpadaan ng bata. Minsan, lulusot na ang katawan ng bata, pero masikip pala ang pelvic bone at hindi makakalusot ang ulo, kaya kailangan itong mailabas agad pagkatapos lumabas ang katawan ng bata.
Bakit naman may mga hindi na panganay ang anak, breech ang bata, pero nasa cesarean pa rin? Dahil maraming klase ng breech presentation. Mayroong breech presentation na ang pwet ang nauuna, ito ang madaling lumabas. Mayroon ding breech presentation na footling breech, kung saan ang mga paa lang ang nauuna at maaaring maging prone sa cord prolapse, kaya minsan, pipiliin ng ob-gyne na madeliver sa pamamagitan ng cesarean section.
Mayroon ding mga breech na makikita sa ultrasound na hyper-extended ang ulo, at kapag hyper-extended ang ulo, hindi ito lulusot at hindi maidedeliver ang “after-coming head,” kung saan ang katawan lang ang lalabas pero maipit ito. At may mga breech na sobrang laki, minsan nasa four kilos na ang estimated fetal weight ng bata, o kaya mas malaki ang baby na ito kaysa sa mga nakaraang pagbubuntis, kaya pinipili na lamang na siya ay madeliver sa pamamagitan ng cesarean section, sa halip na magkaroon ng normal delivery kung saan maaaring mailagay sa panganib ang buhay ng bata.
Sa anumang pagbubuntis, minsan kailangan nating tanggapin na may mga bagay tayo na hindi makokontrol. Hindi lahat ng bagay ay may gamot o solusyon. Dapat nating alalahanin na ang pagpapanganak ng breech ay nangangailangan ng espesyal na kasanayan. Kaya muli, napakahalaga na humingi tayo ng tulong mula sa mga propesyonal sa kalusugan.
Iba pang mga babasahin
Ano ang mga epekto ng pagkatapos manganak
Mga senyales na malapit na manganak ang buntis