Ang pag-uusapan natin ngayon ay isa sa pinaka-common na ginagamit ng mga kababaihan para macheck kung sila po ay buntis—ang pregnancy test kit. Kadalasan, excited agad ang mga kababaihan na malaman kung sila ay buntis, kaya pagkatapos makipagtalik, chine-check na agad nila kung buntis sila gamit ang pregnancy test. Ang iba naman, naghihintay muna na madelayed ang kanilang period bago mag-check.
Ano nga ba ang pregnancy test kit?
Ito ay isang madaling paraan upang malaman kung ang isang babae ay buntis. Malalaman ito sa pamamagitan ng hormone na tinatawag na HCG (human chorionic gonadotropin) na makukuha sa ihi ng isang buntis. Ang pregnancy test kit ay mabibili sa pharmacy kahit walang reseta mula sa doktor. Ang kit na ito ay may kasamang strip na pinapatakan ng ihi, at mahalagang hindi mahaluan ng tubig ang ihing gagamitin.
Mga tips bago gumamit ng pregnancy test kit:
- Gawin ang test sa umaga dahil mataas ang level ng HCG sa umaga.
- Iwasan ang pag-inom ng alak sa gabi kung magtetest sa umaga.
- Tingnan ang expiration date ng kit bago gamitin.
Ilang araw nga ba dapat hintayin bago gumamit ng pregnancy test kit?
Pagkatapos makipagtalik, maghintay ng around two to three weeks bago mag-test. Ito ay dahil tumatagal ng ilang araw bago mag-meet at mag-fertilize ang egg cell at sperm cell, at karagdagang araw bago dumikit ang fertilized egg sa matris.
Epektibo nga ba o accurate ang pregnancy test kit?
Oo, napatunayan na epektibong instrumento ito sa pagsusuri kung ang isang babae ay buntis. Mahigit 90% ang chance na buntis ka kapag nagpositive sa pregnancy test, lalo na kung may nararamdaman kang sintomas ng pagbubuntis.
May mga pagkakataon ba na hindi accurate ang pregnancy test? Oo, maaaring magkaroon ng false positive result dahil sa menopause, hindi tamang paggamit ng kit, masyadong matagal na pagbasa ng result, expired na kit, mataas na level ng LH hormone, o gamot sa pagkabaog.
Paano maiiwasan ang false positive result sa PT?
- Huwag mag-test ng mas maaga sa 12-14 days bago ang ovulation. Mas mainam na maghintay ng two to three weeks pagkatapos makipagtalik.
- Ulitin ang pregnancy test dalawang araw pagkatapos ng unang test.
- Siguraduhing maganda ang quality ng pregnancy kit na gagamitin.
Iba pang mga Babasahin
10 Tanong tungkol sa mababa ang Matres
8 Signs ng early pregnancy: Paano malaman kung Buntis na
One thought on “Kailan dapat gumamit ng Pregnancy Test (PT)”