Maraming katanungan ang mga kabataan sa ngayon tungkol sa pagbubuntis. May mga pagkakataon ba na pwedeng mabuntis talaga sa pagswimming kasama ng mga lalaki, paliligo sa public na lugar at jacuzzi. Ginawa natin ang article na ito para sa kapanatagan ng loob lalo na ng mga teenager at masagot ang mga maling paniniwala tungkol dito.
Ang tanong nga, mabubuntis ba kapag ikaw ay nagswimming?
Hindi po kayo mabubuntis kung maglalangoy ka lamang, kasi naman meron kang damit at wala namang contact o talik na nangyari. Pero kung merong contact o talik na nangyari, ay posible kang mabuntis.
Kung nagtalik ba sa pool o sa jacuzzi, ay hindi na mabubuntis kasi meron namang tubig, ano?
Mali po ang paniniwalang iyon. Kung merong talik o contact sa pool o jacuzzi, ay pwede pa rin umakyat ang sperm at maaaring mabuntis ang isang babae.
Pwede ba mag condom sa pool para hindi mabuntis?
Maaari ho kasing matanggal ang condom na gamit kapag nalagyan ng tubig o baka mapunit, kaya delikado yun. Pwedeng pag nabutas ay aakyat pa rin ng sperm doon sa ovary, mag mi-meet na sila dun ng egg, so maaaring mabuntis pa din.
Pwede ba magtalik sa pool o jacuzzi?
Meron pong mga chemicals o bacteria dun sa tubig ng public pool o dun sa public jacuzzi na maaaring mag-cause ng iritasyon at impeksyon sa pwerta ng babae, kaya mahihirapan yung babae kapag nagkaroon ng impeksyon.
Ngayon, pwede bang magswimming kapag ikaw ay may regla? Ang isang babae, magsuot po ng tampon o menstrual cup para hindi humalo sa tubig yung menstruation ng isang babae, kasi kundi macocontaminate niya yung pool. Eh kapag umupo sa public toilet seat, ah makakabuntis, mabubuntis ba yun ang isang babae? Hindi ho pwede mangyari yun, kasi kailangan pa din ng contact o talik para umabot ang sperm cell sa egg cell, so kung naupuan mo lang, aba eh hindi naman dapat umakyat yun.
Isang talik lang ba ay hindi ka mabubuntis?
Mali po iyon. Kahit isang beses lang o unang beses lang ng pagtatalik o contact, ay pwede nang mabuntis, kasi baka matapat iyon sa ovulation ng isang babae.
Pag ba nagbe-breastfeeding, hindi mabubuntis?
Posible pa ring mabuntis ang isang bagong panganak at nagbe-breastfeeding, kaya kailangan sabayan ng condom para hindi magkaroon ng puwang para magkaroon ng puwang yung pagbubuntis, hindi sunod-sunod ang inyong mga anak. Although yun na nga, pag breastfeeding, nagbibigay ng hormone para hindi mag-ovulate, yun yung tinatawag na lactational amenorrhea, pero pwede pa rin mag-ovulate eh kung matiyempuhan yon in nine to ten weeks, ang nagbe-breastfeeding o ang bagong panganak ay pwedeng mag-ovulate at dapat ay magmencess in eleven weeks pagkatapos ng pagkapanganak.
Iba pang mga Babasahin
Paano mabawasan ang pagsusuka ng Buntis
Gamot sa buntis na may heart burn, acid reflux
One thought on “Mabubuntis kaba sa unang contact : Mga malimit itanong”