Paano ba malalaman kung ilang buwan na kayong buntis para mas accurate, ilang weeks na ba kayong buntis?Ang average na haba ng pagbubuntis ay two hundred eighty days or forty weeks. Ang tawag naman diyan ay “age of gestation” or “age of pregnancy,” ang shortcut nito ay AOG. Sa mga clinicians o doktor, nagbabase kasi sa menstrual age, ang bilang ay mula sa first day ng regla. Sa mga embryologists o biologists, nagbabase sila sa ovulation age, kung kailan lumabas ang itlog at kung kailan ito nafertilize ng sperm.
Ang ituturo ko sa inyo ay ang computation base sa menstrual age dahil ito naman ang ginagamit nila sa clinic. Marami namang apps na lumalabas ngayon na binibigyan ka na ng age of pregnancy at ang due date mo, pero mas komportable pa rin kapag sa manual computation.
Maraming buntis ang nagtataka kung bakit two weeks pa lang silang nagsiping pero ang bilang sa clinic ay four weeks pregnant na siya. Alam naman natin na ang ovulation or ang paglabas ng itlog ay nangyayari kadalasan two weeks after ng first day ng regla, at pag nagtali sa panahon na yon, pwedeng agad-agad mabubuntis pag nafertilize ang egg. At dahil nagbabase sa first day ng huling regla, kahit two weeks pa lang mula nung nakipagsiping, ang bilang ay four weeks pregnant na.
Paano ba binibilang ang weeks ng pagbubuntis?
Bibigyan ko kayo ng example. Sabihin na natin na ang date ngayon ay August 8, 2021. Ang first day ng huling regla ng buntis ay March 8. Isa-isahin natin ang bilang ng araw sa bawat buwan.
Sa example natin, ang last mens ay March 8, at ang araw ngayon ay August 8, 2021. Sa March may natitira pang 23 days, sa April merong 30 days, sa May merong 31 days, sa June 30 days, sa July 31 days, at sa August 8 days. I-add lang po lahat ito at i-divide ng 7. Ang resulta ay 21 weeks and 6 days, kaya ang age of gestation or age of pregnancy ay 21 weeks and 6 days.
Paano naman kinukuha ang due date, ibig sabihin kung kailan ba manganganak?
Ang tawag sa formula ay Naegele’s rule. Mag-add raw ng 7 sa first day ng last mens para makuha ang day ng panganganak, at para makuha ang month ng panganganak, mag-subtract lang raw ng 3 months sa month ng huling regla.
Kaya kung ang huling regla ay March 8, mag-add lang raw ng 7 sa 8, at mag-minus ng 3 months sa March, kaya ang expected date ng delivery or ang due date ay December 15, 2021. Sana naging malinaw po ito sa inyo.
Ang pagbilang na to ay accurate kung ang isang babae ay regular ang regla. Kung iregular ang regla, magbabase ng pagbilang sa result ng pinakaunang ultrasound. Kaya magandang macheck-up kayo as soon as nalaman niyo na kayo ay buntis para kayo ay mapa-ultrasound at maconfirm ang tamang age of gestation. Pinaka-accurate kasi ang ultrasound pag ito ay ginawa sa first three months ng pregnancy.
Iba pang mga babasahin
Sintomas ng Hormonal imbalance na may epekto sa pagbubuntis
Tamang pag inom ng vitamins ng buntis
One thought on “Paano malaman kung ilang weeks na ang pinagbubuntis? -Manual computation”