Pwede ka bang mag normal delivery kung dati ka ng cesarean section? Ang tawag sa normal delivery after cesarean section ay VBAC, o Vaginal Birth After Cesarean. Totoo namang mas safe pa rin ang normal delivery, less ang complications, less ang blood loss, faster ang recovery, at maliban diyan, mas less pa rin ang gastos.
Ano ba ang pinakakomplikasyon ng VBAC sa panganganak?
Ang most common complication ng VBAC ay uterine rupture. Dahil kayo ay nahiwaan na, nagkasugat at nagkapeklat na sa matris, hindi na ito kasing tibay ng normal na matris. Sa normal delivery, dahil kayo ay maglelabor, ang matris ninyo ay madalas na magcocontract o maninigas, at may chance na ang sugat o peklat ay bumuka.
Dahil sa komplikasyon ng uterine rupture, kung kayo ay may planong mag VBAC, pinakamagandang manganak sa ospital kung saan kumpletong gamit in case of emergency. Nasa ospital na kayo, sa ospital mamomonitor kayo ng mabuti, pati na rin si baby. Mga sixty to eighty percent din ang success rate ng VBAC.
Sino-sino ba ang pwede magsubok na mag VBAC sa panganganak?
Ano ba ang mga conditions na kinakailangan para maging eligible kayo para sa VBAC? Una, hanggat maari, kayo ay nagkaroon lang ng isang cesarean section. Ayon sa American College of Obstetrics and Gynecology, pwede pang magtry hanggang sa dalawang previous cesarean section.
Pangalawa, pwede ka magtry mag VBAC kung ang hiwa sa matris mo ay low transverse incision, ibig sabihin nito, ang hiwa ay nasa lower uterine segment, nasa ibabang parte ng matris, transverse o pahalang. Hindi pwede ang hiwa ng vertical incision na nagmumula sa upper portion ng matris o corpus papunta sa lower uterine segment. Mas mataas kasi ang chance ng uterine rupture kung vertical C-section ang incision.
Naalala natin na ang incision na pinag-uusapan natin ay sa matris, hindi ito sa balat, kaya hindi niyo malalaman kung ano ang incision sa matris hanggat hindi niyo nakukuha ang inyong medical record.
Pangatlo, pwede ka mag VBAC kung wala kang history ng uterine rupture dati. Kung may history kasi dati ng uterine rupture, hindi na ganun katibay ang uterine scar o peklat, at pwedeng madali itong bumuka.
Pang-apat, pwede ka mag VBAC kung dati kang walang operasyon sa matris. Kung natanggalan ka ng buko sa matris, kadalasan ng mayoma, pwedeng hindi na matibay ang inyong matris.
Pang-lima, mas mataas ang chance mo mag VBAC kung dati ka nang nagnormal delivery.
Pang-anim, hindi dapat bago pa lang ang dati mong cesarean section. Dapat more than eighteen months na mula ng dati kang na C-section.
Pang-pito, ang pagbubuntis mo ngayon ay hindi dapat complicated, ibig sabihin, ang baby ay nasa tamang posisyon, hindi kambal, ang inunan ay hindi mababa o walang placenta previa, wala ka dapat medical problems katulad ng diabetes, hypertension, heart disease, at kung ano pa mang sakit.
Pang-walo, dapat mabilis lang kayong manganak, wala dapat complication ang labor at panganganak, hindi na dapat kailangang mag-induce ng labor.
Pang-siyam, hindi masikip ang inyong sipit-sipitan, hindi rason ang dating cesarean section ninyo, ang CPD o cephalopelvic disproportion, kung saan hirap lumabas si baby dahil maliit ang dadaanan nito.
At huli sa lahat, hindi dapat kayo lampas sa inyong due date.
Iba pang mga babasahin
Mabubuntis kaba sa unang contact : Mga malimit itanong
Paano mabawasan ang pagsusuka ng Buntis
One thought on “Pwede ba ang normal delivery sa dating CS nanganak? 10 Tips”