Pagbubuntis sa edad na 40 years old pataas ay maaaring maging mahirap dahil sa iba’t-ibang mga kadahilanan. Ang mga babae sa ganitong edad ay tinuturing na nasa “advance maternal age,” na nangangahulugan na mas mataas ang kanilang risk sa mga komplikasyon sa pagbubuntis.
Gaano kalaki ang tsansa na mabuntis ang edad 40 pataas?
Ang tsansa na mabuntis ang isang babae sa edad na 40 pataas ay mas mababa kumpara sa mga babae sa mas bata pang edad. Sa buong buhay ng isang babae, mayroon lamang mga 300 hanggang 400 na mature na itlog na maaaring lumabas sa ovary, at ang tsansa na maging fertil ang mga ito ay nagiging mas mababa habang tumatanda ang babae. Sa edad na 40, ang tsansa na mabuntis ay nasa less than 5 percent sa bawat buwan, at ito ay lalong bumababa pagdating sa 45 years old pataas.
Gayunpaman, base sa data ng Philippine Statistics Office, mayroong mga babae sa edad na 40 pataas na nagagawa pa ring magka-anak, kahit na ang tsansa ay sobrang liit. Hindi ito imposible, hangga’t hindi pa nakararanas ng menopause ang babae.
Delikado ba ang pagbubuntis ng 40 years old pataas?
Kung ikaw ay nabuntis sa edad na ito, maaaring magkaroon ka ng mga komplikasyon tulad ng gestational diabetes, pagtaas ng blood pressure o preeclampsia, at mga problema sa chromosomes ng sanggol na maaaring maging dahilan ng Down syndrome at iba pang mga abnormality. Mayroon ding mas mataas na risk ng mga komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng ectopic pregnancy, abnormal na lokasyon ng placenta, at abruption ng placenta.
Upang maiwasan ang mga komplikasyon na ito, kailangan ng regular na prenatal check-up, siguraduhing healthy ang lifestyle, at iwasan ang mga alcoholic drinks, paninigarilyo, at kape. Ang pag-inom ng folic acid araw-araw ay mahalaga upang maiwasan ang mga abnormality sa brain at spine ng sanggol.
Paano kung ayaw mo ng magkaanak after 40 years old?
Kung ayaw mong magka-anak sa edad na 40 pataas, maaari kang gumamit ng mga contraceptive methods tulad ng pills, depo injection, implant, at IUD. Ang mga ito ay maaaring gamitin hanggang sa magmenopause ka. Kung nagmenopause ka ng mas maaga (less than 50 years old), maaari kang gumamit ng contraceptives hanggang dalawang taon matapos ang menopause. Kung nagmenopause ka ng mas matanda (more than 50 years old), maaari kang gumamit ng contraceptives hanggang isang taon matapos ang menopause.
Iba pang mga babasahin
Ano ang pipiliin ng buntis CS or normal Delivery?
3 Signs na malapit nang manganak ang buntis
Paano malaman kung ilang weeks na ang pinagbubuntis? -Manual computation
2 thoughts on “Pwede pa ba mabuntis ang 40 years old pataas?”