Mayroon bang tamang paraan ng pag ire para sa mga manganganak para maging matiwasay ang pag-labor ng buntis. Ano ang pwedeng gawin para magawa ito ng maayos ng mga mommy. Pag-usapan natin yan dito sa article na ito.
Ano ang pakiramdam ng pag ire o labor sa buntis?
Alamin mo kung kailan ka na talaga manganganak, kung kailan mo mararamdaman yung hilab or yung paninigas ng tiyan or yung contraction. Possible maramdaman mo siya by eight months ganyan o kaya nine months pero pwedeng false labor pa lang ‘yun. Malalaman mo lang siyang pag true labor na siya pag panay-panay na or madalas na yung contraction.
Mga dapat gawin para maging handa sa pag labor bago manganak
Pwedeng gumamit ng isang app sa phone para mas lalo ko pong mamonitor yung sarili ko. Sa una, malalaman mo kong false labor pa siya dahil very irregular pa yung magmomonitor doon sa hilab ng tiyan. Pero dahil din sa mismong apps na yon, mamonitor mo na nagtutrothrow labor kana pala talaga, which is talagang naglelabor na at malapit na ang panganganak. Kayo din mga mommy, mag-download din kayo ng apps na nagmomonitor ng contraction para mamonitor niyo yung sarili niyo mismo kung regular na ba or madalas na ba talaga yung contraction at malaman niyo rin kung kailan na kayo pupunta sa hospital. Iyan ang first step, yung imonitor niyo yung sarili niyo kung kayo ba ay nasa true labor na or false labor pa lang bago po kayo magpunta sa hospital.
Second mga mommy, if sumasakit na yung tiyan niyo dahil humihilab, try to practice proper breathing exercises. Ito nangangahulugan na kapag ito na talaga yung time na nakapagdecide na kayo na pumunta na kayo sa hospital, iaadmit na talaga kayo sa hospital dahil in labor na kayo. Every time na sasakit ang puson niyo ah dahil nga nag-humihilab, try to practice proper breathing exercises.
Third, try to blow to your mouth every time na sumasakit ang puson niyo kasi mas nale lessen yung sakit nun. Mas nalelessen kasi yung pain pag ganun yung way na ginagawa niyo. Pag hindi pa kayo talaga nasa active labor or hindi pa talaga crowning si baby, wag na wag kayong ire, wag niyo ire kapag sumasakit na yung tiyan niyo, kapag humihilab kasi possible na humaba yung ulo ni baby.
Hahawak kayo doon sa bar na ‘yun, hawakan niyo siya ng ganun magkabila kunwari tapos na kayo sa labor room ililipat na kayo sa delivery room, eto na talaga yung point na manganganak na kayo, malapit na kayo manganak, ipoposisyon kayo don into birthing position.
Meron doon parang steel or bakal, hahawak kayo doon sa bar na yun, hawakan niyo siya ng magkabila. Tapos once na nagsimula na yung pagdeliver niyo kay baby, wag na wag nakayong bibitaw doon sa bar na yun.
Hawak hawakan niyo na lang siya hanggang mailabas niyo si baby. Bakit mommy? Kasi doon kayo kukuha ng puwersa.
Sa other cases naman mga mommy pag gusto mo ng painless delivery binigyan ka ng pain reliever o kaya sedative or pampaantok kaya tinusukan ka ng gamot dito sa likod para hindi mo maramdaman yung pain.
Kung hindi ka nakakaramdam ng sakit hawakan mo na lang yung tiyan mo pag naramdaman mong nanigas iire ka na ibig sabihin nagcocontract na yung tiyan mo. Kapag nagcocontract yun kasi yung mechanism ng tiyan natin para itulak si baby pababa so yun lang din yung tulong mo sa sarili mo para itulak mo din si baby pababa.
Fourth dapat sabay kayo, sabay yung paninigas ng tiyan at sabay yung pag ire para maitulak si baby palabas or pababa. Kaya sa mga mommy, iiri ka lang kapag naninigas or sumasakit ang tiyan para hindi ka mapapagod.
Kapag iiri ka na try to hold your pag ire for at least ten second. Kaya nga importanteeng importante talaga ang exercise before your delivery para mapaghandaan mo tong moment na to kasi ito talaga yung nakakaubos ng hininga.
Nakatulong yun para mailabas mo si baby for seven to ten minutes only at saka nakatulong din yung exercises, yung cardio exercises na ginawa mo nung buntis kapa para masustain mo yung holding your breath for ten seconds.
Fifth kapag kinulang kasi ang pag ire natin possible na palabas na si baby at lumusot na yung ulo ng baby pwedeng lalong tumagal pa ang labor. Once na lumusot na yung ulo ni baby madali na lang yan hugutin ni OB gyne yung baby niyo. Yung ulo lang naman ang pinakamalaking part sa baby natin na mahihirap ilabas.
Tapos for example naman hindi niyo nakumpleto yung ten seconds bigla na kayong bumitaw bigla umuurong ulit yung ulo ng baby kaya the more na tuloy tuloy ang pag ire niyo the more na dirediretso din yung paglabas ng ulo ni baby at once na pinutol niyo babalik siya uurong. Parang urong sulong lang yung ulo ni baby kapag ang hinga niyo rin is urong sulong.
Number six mommy is additional pwersa pag inaangat niyo yung ulo niyo. Andun pa rin tayo sa delivery table nakabuka pa rin kayo. Kailangan ng additional pwersa pag inaangat niyo yung ulo niyo. Yung pag angat ng ulo hanggang balikat yan hindi lang ulo hanggang leeg.
Most common mistaketo ng mga pasyente namin pag sila umiire ang ginagawa nila ay iaangat nila yung ulo nila pero yung ulo nila medyo kulang pag ganyan. Kasi mommy ang nangyayari parang naiipit yung hangin or yung puwersa kaya hindi bumababa yung ulo ni baby.
yunyung napapansin ko nung nagwowork pa ako ang ginagawa namin diyan pinapaulit namin mommy mommy mali at dapat isama niyo sa pag angat yung balikat niyo yan ganun yung lagi naming sinasabi para hindi bitin yung pag ire niyo, para malakas yung pwersa.
Pag ire niyo yung puwersa ng pag ire niyo doon sa pwerta or sa vagina. I-try niyo mga mommy pero be careful lalo na dun sa mga kabuwanan na. At least magkaroon kayo ng idea kung saang parte ng katawan niyo ibibigay o ilalagay yung force.
Kapag umiri kayo ngayon tapos ang gumalaw is yung pwet mali yun. Ulit ulitin niyo hanggang mailagay niyo na yung pwersa niyo doon sa pwerta.
Ganito kasi minsan ginagawa ng ibang pasyente, iiri sila ng hmmm, tapos after nilang huminga, bigla silang gaganun, mali iyon. Ang nangyayari is biglang biglang uusog yung ulo ni baby. So, sayang na yung ulo na nailabas niyo. Pero kung sakaling nagblow to your mouth lang kayo slowly, at least lang yan, kung ano yung nailabas niyong ulo, yun na yung posisyon niya.
Conclusion
Mahalaga ang pagiging kalmado at tiwala sa iyong sarili. Ipahayag ang iyong mga pangamba sa iyong duktor o midwife upang mabigyan ka nila ng suporta at katiyakan.Maaring magdulot ng kaginhawahan ang paggawa ng mga pagsasanay sa panganganak bago ang araw ng panganganak.
Ang suporta din ng iyong kasama o birthing partner ay mahalaga. Sila ay maaaring magbigay ng moral at pisikal na suporta habang nagdadalang-tao ka.Pag-usapan ang plano para sa panganganak bago pa man ito mangyari upang magkaroon ng pagkakaisa at suporta.
Iba pang mga Babasahin
Bakit sumasakit ang tiyan ng Buntis?
Gamot sa Makating Lalamunan ng buntis
2 thoughts on “Tamang pag-ire kapag manganganak na”