Ang maagang pagtukoy ng pagbubuntis ay nagbibigay-daan sa agarang prenatal care, na mahalaga upang masubaybayan ang kalusugan ng ina at ng sanggol. Ang maagang pangangalagang ito ay makakatulong upang matukoy at maipamahala ang anumang posibleng isyu sa kalusugan, tulad ng gestational diabetes o preeclampsia, na maaaring magkaroon ng malubhang epekto kung mapapabayaan.
Mga Senyales na nagbubuntis na ang isang babae?
Number one, syempre, pag nalate yung menstruation mo, nagdelay ka, posibleng buntis yun. Gaano katagal delayed? Pag one to two weeks delayed ka, posibleng buntis yun. Pero posible din naman na may ibang dahilan. Pero pag nadelay ka one to two weeks, tapos meron kang contact sa lalaki, so may possibility, iisipin mo, baka buntis.
Number two na symptom, pagbabago sa breast, mga breast changes. Ang mga babae, ang suso nila mas malaki, mas masakit, mas mabigat, at yung nipple, pwedeng medyo maitim, nagdadark in color. So pag ganyan nangyari, nagbabago yung hormones, posibleng nabuntis ka.
Number three, nagbabago din yung pag-ihi, pagdumi. Pag-ihi, from six weeks na buntis, nagbabago na, mas madalas umiihi. Tapos yung pagdumi, tumitigas din dahil sa progesterone, bumabagal yung galaw ng pagkain sa bituka, kaya nagiging mas constipated. Pag madalas ka umiihi, mas maganda rin magpa-urinalysis para masigurado walang UTI, masigurado ding walang diabetes, pacheck na rin blood sugar. Pag nagco-constipate ka, inom lang ng maraming tubig, pwedeng konting exercise, lakad-lakad, at high fiber, more gulay, prutas, high fiber diet para mas lumambot ang damit.
Number four sign na posibleng buntis, nagkakaroon ng abdominal cramps, para kang may PMS, yung bago magregla, sumasakit yung puson, ganun din naramdaman, abdominal cramps, at hindi mo nga sure kung PMS o buntis.
Number five, nasusuka, ito yung tinatawag na morning sickness di ba? Ah, pero hindi lang sa umaga nasusuka, pwede rin sa hapon, madalas lang sa umaga.
Number six, mas pagod ka. So, delay regla mo, tapos mas pagod, ang pagod nila parang very draining tiredness, pagod na pagod. Minsan yung blood pressure, yung heart rate, nagbabago, yung blood sugar nagloloko. Ang gagawin niyo lang kung masyadong pagod, mas magpapahinga, pwede kumain ng mas maraming ah, iron, tsaka protein na sa pagkain.
Number seven, naglilihi. Naglilihi sa pagkain, ibig sabihin may pagkain ayaw na ayaw mo makita, nasusuka ka, naisip mo, at meron ding pagkain gustong-gusto mo. So pwede kang maglihi ng buong ah, pregnancy mo. Anong gagawin natin? Pilitin pa rin kumain ng healthy diet para kumpleto yung pagkain mo, pati ng baby.
Number eight, may tinatawag na light bleeding o spotting. Ito yung tawag nila dito, implantation bleeding, ibig sabihin pag nagfertilize yung egg pati yung sperm, pag implant dun sa uterus, may pagdurugo sa pwerta, pero nangyayari to six to twelve days pagkatapos magbuo yung sperm and egg. One to two weeks lang to, at yung pagdurugo, konting-konti lang, parang isang spot lang, tapos sasabayan ng konting cramps, masakit konti sa puson. Pwede rin may konting white na discharge, white milky discharge, pero konting-konti lang. Ngayon, kung masakit talaga yung nagkacramps ng tiyan mo, hindi na normal yun, pacheck sa doktor. Kung malakas yung bleeding, di na rin normal yun. Kung ang discharge sa pwerta, madilaw, may amoy, hindi rin normal yun. Ito lang yung implantation bleeding, konting-konti.
Number nine, nagbabago ang emosyon, mas malungkot, mas iritable, yung hormone din nagloloko.
And number ten, posible na buntis ka pag wala kang birth control, pag hindi ka gumamit ng contraception, di ka nagpa-family planning, may contact, imposibleng hindi magbuntis.
So, pano natin malalaman na ang isang babae ay buntis na nga?
Magpapregnancy test tayo. Kailan maganda magpa-pregnancy test? Actually, two weeks lang, one to two weeks na magfortilize, eh, pwede na magpositive yan. So kung delayed ka, delayed ka one week, two weeks, pwede mo na pacheck, okay.
Mas pagod, minsan heart rate mabilis din, minsan umiinit din yung katawan, nagsusuka sa umaga, iba ang mood, yung tiyan medyo masakit, constipated, ihi ng ihi, ito yung kinuwento ko, mas sensitive yung breast, mas antok, ah, sumasakit ang ulo, nagsusuka, ah, two weeks after na mafertilize, delayed na yung medyas mo, ito yung sinasabi ko, minor bleeding, konti lang, mas umiihi, nagdadarken yung ah, breast, at ah, pati pang-amoy daw nagbabago din, okay.
So, oras na malaman, buntis na. Ang binabantayan nating symptoms, kasi nakita, buntis sa iba, good news, sa iba, bad news, iba-iba, ayaw mabuntis, babantayan naman kung tuloy-tuloy ang sintomas mo. Itong sintomas mo, kailangan tuloy-tuloy, kasi kung biglang nawala yung sintomas ng pagbubuntis, one to ten, ay baka nakunan ka o baka namatay yung baby. Tapos pag malaki-laki na yung baby, kailangan gumagalaw, pag hindi gumagalaw yung baby, bad sign din.
Listahan ng Prenatal clinic sa Dasmarinas
Wellcare Clinics and Lab Inc.
- Address: 2nd Floor, WalterMart, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite
- Clinic Schedule: Monday – Sunday, 7:00 AM – 6:00 PM
- Contact Numbers: (046) 450-5116, 0917-185-6604, 0998-982-2384
Dasmariñas City Health Office I
- Address: Zone II (Pob.), Dasmariñas City, Cavite
- Contact Numbers: (046) 416-0809, 0917-432-2851
- Email: cho1_dasma@gmail.com
- Contact Person: Minerva Cazeñas, Facility Head
De La Salle University Medical Center
- Address: Congressional Avenue, Dasmariñas City, Cavite
- Clinic Schedule: Monday – Friday, 8:00 AM – 5:00 PM
- Contact Numbers: (046) 481-8000, 0998-987-6381
Asia Medic Family Hospital and Medical Center
- Address: Governor’s Drive, Brgy. Sampaloc I, Dasmariñas City, Cavite
- Clinic Schedule: Monday – Saturday, 8:00 AM – 5:00 PM
- Contact Numbers: (046) 416-4284, 0917-850-9013
St. Paul Hospital Cavite
- Address: Congressional Avenue, Brgy. Burol II, Dasmariñas City, Cavite
- Clinic Schedule: Monday – Saturday, 8:00 AM – 5:00 PM
- Contact Numbers: (046) 973-5123, 0917-702-3556
Pagamutan ng Dasmariñas
- Address: Brgy. San Agustin, Dasmariñas City, Cavite
- Clinic Schedule: Monday – Friday, 8:00 AM – 5:00 PM
- Contact Numbers: (046) 416-0212, 0917-844-2234
Gentle Hands Midwife Clinic
- Address: Brgy. San Nicolas II, Dasmariñas City, Cavite
- Clinic Schedule: Monday – Saturday, 8:00 AM – 5:00 PM
- Contact Numbers: (046) 450-3312, 0917-645-9874
Iba pang mga Babasahin
Buntis sa unang linggo -5 Senyales at Sintomas
Pwede ba ang normal delivery sa dating CS nanganak? 10 Tips
One thought on “10 Senyales ng Pagbubuntis: Mga dapat malaman ng kababaihan”