Pag-uusapan naman natin yung mga dahilan kung bakit nga ba sumasakit yung tiyan ng isang buntis. Maraming iba’t ibang reasons kung bakit nga ba sumasakit yung tiyan. Pwedeng yung iba normal lang na maramdaman talaga ng isang buntis sa buong pregnancy niya, yung ibang pananakit naman ng tiyan ay delikado na, meaning kailangan mo na talagang kumunsulta sa doktor o sumugod sa hospital para masave mo yung pregnancy mo. So kung gusto niyo malaman ang mga karaniwang mga dahilan na ‘yon basahin mo ang article na ito.
Bakit nga ba sumasakit ang tiyan ng Buntis?
Ang mga mommy or yung mga buntis ngayon, panic mode tayo kapag sumasakit yung tiyan natin o kaya tumitigas kasi baka there’s something wrong kay baby, baka may problema si baby sa loob, kaya sobrang nakakaworry kapag nakakaramdam tayo ng pananakit ng tiyan sa buong journey ng pagbubuntis niyo.
Isa sa most common na mararanasan or mararamdaman na sintomas ng isang buntis ay yung pananakit, paninigas ng tiyan or paghilab ng tiyan pero ikaw mommy paano mo malalaman kung normal pa ba yung sakit ng tiyan na nararamdaman mo, kailangan mo ng sumugod sa hospital.
Actually, maraming iba’t ibang reason kung bakit sumasakit yung tiyan ng isang buntis, yung iba normal lang na maramdaman nila ‘yun kasi nga buntis sila, yung iba namang pananakit ng tiyan hindi na normal to the point na kailangan mo ng iinform yung doktor mo at pumunta sa hospital.
First, madalas talagang sumakit ang tiyan ng isang buntis dahil nga lumalaki na si baby sa loob, nag-aadjust na yung mga internal organ sa loob, nag-aadjust na din yung spinal cord mo, or yung mga buto mo sa likod para ma-accommodate ng katawan mo yung lumalaking baby sa loob. So common siya and it is normal na sumakit yung balakang, sumakit yung puson, mangalay, yung mga ganung feeling is normal lang at mas mararamdaman niyo siya habang lalong lumalaki si baby sa loob.
Kapag ang sakit ng tiyan mo ay nawawala agad kapag nagpalit ka ng posisyon, kapag ikaw ay humiga, umupo, nagpahinga, dumumi o kaya umutot, at kapag yung sakit nararamdaman mo na yun ay saglit lang at tolerable ibig sabihin kayang kaya mo yung sakit kapag yung mga ‘yun is naramdaman mo at nawala din agad. Ibig sabihin pa normal lang yung pananakit ng tiyan mo dahil nga lumalaki si baby sa loob. Ang nangyayari po kasi don is nag-aadjust or nag-iistretch na yung mga ligament mo o yung litid mo sa loob dahil nga syempre sa growing fetus. Usually mararamdaman mo to kapag ikaw ay nagkaroon ng sudden change of position, for example bigla kang humiga, bigla kang umupo, bigla kang tumagilid, possible na maramdaman mo yung ligament pain.
And wag kayong mag-alala kasi naglalast lang to for a minute, for sixty seconds or less, done mawawalan na rin siya. Kapag lumalaki na kasi yung tiyan mo syempre nababanat na yung balat, nababanat na din yung skin mo sa loob ng tiyan and usual na mararamdaman mo itong ligament pain during your second trimester.
Normal din na makaramdam ka ng sakit ng tiyan kapag ikaw ay constipated, kapag hindi ka nakakatae ng maayos or regularly and normal din na sumakit yung tiyan mo kapag ikaw ay kinakabag. And it is normal sa isang buntis kasi kapag tayo ay buntis tumataas yung mga hormones natin, kapag buntis mataas ang level ng progesterone. Kapag mataas ang progesterone mo bumabagal yung panunaw plus bumabagal yung movement ng bowel mo kaya ang result non constipation. So kailangan para maiwasan mo siya uminom ka ng maraming tubig, mag-exercise ka and kumain ka ng mga high-fiber foods and pwede ka rin naman magpareseta ng stool softener sa iyong OB at kailangan mo syempre magpacheck-up.
And lastly po normal din na humilab yung tiyan mo habang ikaw ay buntis. Makinig ka mabuti dito mommy, maraming nalilito dito. Meron kasing tinatawag na Braxton Hicks contraction, ito po yung tinatawag na false labor, ibig sabihin naglelabor ka na pero hindi ka pa manganganak. So bakit ba nakakaranas ng ganito ang isang buntis, ang Braxton Hicks contraction is a false labor ibig sabihin patikim na labor sa isang buntis para malaman mo or maexperience mo kung ano ba yung dapat mong asahan na pain o kaya nahilab or pananakit ng tiyan bago ka manganak, so parang preparation na to para sayo. So talagang humihilab yung tiyan mo, mararamdaman mo siya.
Usually nararamdaman ito during the third trimester, and usually it will last only for thirty seconds to one minute and it is tolerable, ibig sabihin kayang kaya mo yung sakit, hindi siya ganun kasakit and nawawala din siya agad.
So that’s the four signs na normal lang yung pananakit lang siya ng isang buntis.
Ano ang mga delikadong signs ng Pananakit ng Tiyan ng Buntis?
Punta naman tayo sa mga delikadong signs ng pananakit ng tiyan ng isang buntis.
First, kapag sumasakit yung tiyan mo tapos nagbleeding ka, syempre any bleeding nakakatakot yun, parang it is a sign na possible mawala yung pregnancy mo, sakit ng tiyan na may spotting o kaya bleeding kailangan mo agad kumunsulta sa doktor kasi possible na ectopic pregnancy yung nangyayari sa’yo, and usually nangyayari ito during six to ten weeks of your pregnancy and possible din na nagstart ka ng magmiscarriage or malaglag si baby.
Second, kapag sumasakit yung tiyan mo sa may bandang lower abdomen na umaabot ng up to to twenty minutes pero hindi mo pa kabuwanan, you need to inform your doctor immediately kasi possible na nagbabadya na yung miscarriage or possible na malaglag si baby.
Usually nangyayari ang miscarriage during the first trimester specifically thirteen weeks and below, sometimes nangyayari din ito kapag pumalo ka ng second trimester and possible din na mangyari kapag ikaw ay nasa seven months of pregnancy so hindi mo talaga masasabi kaya you need to be aware and you need to assess yourself if nakakaramdam kayo ng contraction, paghilom ng tiyan, paghilom ng matres na may kasamang bleeding so inform agad yung doktor para mabigyan kayo ng pampakapit masave yung pregnancy niyo.
I hope na na-differentiate niyo ng maigi at naintindihan niyo yung pagkakaiba ng normal na pananakit ng isang buntis doon sa delikadong part na pananakit ng isang buntis and sana tumatak sa isip niyo kung kailan niyo dapat kumalma and magrelax kasi it is normal at kailan niyo kailangan iinform yung doktor para masave yung pregnancy niyo.
Iba pang mga Babasahin
Gamot sa Makating Lalamunan ng buntis
Gamot sa Sipon ng Buntis na Safe din sa Dinadalang Baby
2 thoughts on “Bakit sumasakit ang tiyan ng Buntis?”