Maraming expecting mommies ang nagtatanong sa atin kung ano nga ba ang mga early signs ng isang buntis. Kailangan din talaga kasi itong malaman para mapaghandaan ang pagbubuntis at mapangalagaan ang kalusugan ng nabubuong baby at ng mommy. Pag-usapan natin sa article na ito kung ano nga ba ang mga earliest signs ng pagbubuntis.
Dalawang klaseng hormones ang nagpapabago ng katawan at pakiramdam ng isang buntis. Ito ay ang progesterone at ang human chorionic gonadotropin (hCG).
Paano nabubuntis ang isang babae?
Ang egg ay manggagaling sa ovary at ang sperm ay aakyat na hanggang umabot ito sa bandang fallopian tube. Kadalasan, magmimeet ang sperm at ang egg dito sa ampullary portion ng fallopian tube. Ang fertilized egg ay dahan-dahan na magtatravel papunta sa loob ng matres at makakarating siya dun six days after ma-fertilize at siya ay mag-iimplant. Didikit na siya sa matres at magfoform na yung early placenta. Ang placenta ang source ng nutrition ng baby at dito din manggagaling ang hormone na hCG.
Paglabas ng itlog, magfoform ang corpus luteum, isang structure sa ovary na magpoproduce ng progesterone. Itong hormone na tumutulong na iprepare ang lining ng matres para sa implantation ng fertilized egg. Pag buntis ang isang babae, ang level ng progesterone ay pataas ng pataas dahil ang placenta ay magpoproduce na rin ng progesterone. Ito ang tumutulong para hindi makunan ang baby. Pag hindi naman buntis, ang level ng progesterone ay pababa ng pababa hanggang ang isang babae ay magregla na.
Dahil ang implantation ay nangyayari six days after ma-fertilize ang egg at magfoform lang ang early placenta after implantation, sa five percent ng mga buntis, pwede nang madetect sa dugo ang hCG eight days after fertilization. Pero halos lahat ng buntis ay madedetect na ang hCG sa dugo pag eleven days after fertilization. Ibig sabihin, three days bago ang expected na regla, ang urine pregnancy test ay pwede nang mag-positive pag two to three days delayed na.
Ano ba mga pwedeng signs ng isang babae na buntis na?
Kung ang isang babae ay may regular na regla at siya ay nadelay, may chance na siya ay buntis na. Pwedeng mahilo, pwedeng magsuka, pwedeng sumakit ang ulo, parang tinatamad, nanghihina, sumasakit ang sikmura, pwedeng masakit o mabigat ang suso, pwedeng magdugo ng one to two days dahil sa implantation bleeding, pwedeng may sumasakit sa puson, pwedeng may feeling na bloated, pwede maging sensitive ang pang-amoy, pwede mag-crave ng hindi karaniwang pagkain, at makaramdam ng palpitations o mabilis na pagtibok ng puso.
Ang signs na ito ng early pregnancy ay pwedeng pareho rin ng signs ng isang babaeng malapit nang magregla, kaya importante pa rin ang confirmation gamit ang pregnancy test, either blood or urine test. Pwede ring maramdaman ang mga signs na ito sa pseudocyesis or false pregnancy. Dahil sa kagustuhan ng isang babae na mabuntis, ang feeling niya ay buntis na siya kahit hindi pa. Pregnancy test din ang magcoconfirm nito.
Iba pang Early signs ng pagbubuntis
Delayed or Missed Period
Ito ang pinakakaraniwang early sign ng pagbubuntis. Kung regular ka sa pagregla at biglang hindi ka nagkaroon, maaaring magbuntis ka.
Spotting
Ilan sa mga babae ay maaaring magkaroon ng light spotting o pagdudugo ng ilang araw bago ang inaasahang regla, na kilala bilang implantation bleeding.
Breast Changes
Maaaring maging sensitive, sore, o magkaroon ng pagbabago sa laki at anyo ng dibdib.
Fatigue
Pakiramdam ng sobrang pagod o pagkapagod na hindi mo madalas nararamdaman.
Nausea and Vomiting (Morning Sickness)
Maaaring magkaroon ng pagkaantok, pagsusuka, o hindi komportableng pakiramdam, lalo na sa umaga.
Increased Urination
Madalas na pag-ihi dahil sa pagbabago ng hormone at paglaki ng uterus na nagpre-pressure sa pantog.
Food Aversions or Cravings
Biglaang pagkainis o hindi naiinom ng ilang pagkain, o kaya naman naghahanap nang lantang pagkain.
Mood Swings
Pakiramdam ng hindi tiyak o sobrang emosyonal.
Sana makatulong po ang dagdag na kaalaman na ito sa inyong lahat. Maraming salamat po.
Iba pang mga Babasahin
Senyales na fertile ang isang babae
Signs na manganganak na ang buntis
One thought on “8 Signs ng early pregnancy: Paano malaman kung Buntis na”