Hirap ba kayo sa inyong paglilihi? Madalas ba ang inyong pagsusuka? Ano ba mga pwedeng gawin para mabawasan ang pagsusuka at maibsan ang inyong nararamdaman sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis?
Pagsusuka ng buntis sa umaga
Fifty to eighty percent ng mga buntis ay pwedeng makaranas ng tinatawag na morning sickness o pagsusuka. Ito ay tinawag na morning sickness dahil kadalasan ito ay nangyayari sa umaga, pero pwede ito mangyari sa buong araw. Ito ay kadalasan nag-uumpisa pag five to six weeks pregnant, pero pwede itong tumagal hanggang sixteen to twenty weeks. Yung iba naman ay lumalampas pa dito.
Pag grabe na ang pagsusuka, ang tawag dito ay hyperemesis gravidarum. Dito, more than three times a day nagsusuka at halos hindi na makakain. Pwede nang pumayat o madehydrate ang isang buntis.
Hindi pa rin matukoy ang tunay na dahilan kung bakit nagsusuka ang isang buntis, pero sinasabing related daw ito sa pagtaas ng hCG o hormone ng pagbubuntis at ang pagtaas ng estrogen. Mas mataas ang risk sa mga nagbubuntis ng kambal, sa mga nanganganay, sa mga overweight na buntis, sa mga babaeng may history na may migraine, sa mga babaeng nasusuka kahit sa pills pa lang, at may history rin ang pagsusuka sa dati nilang pagbubuntis.
Pag ang pagsusuka ay nag-umpisa after ng nine weeks o ng third month ng pregnancy, pwede na mag-isip ng iba pang kadahilanan nito. Pwede may UTI, pwede may ulcer, pancreatitis, thyroid or gallbladder problem, at kailangan kumunsulta sa doktor para magamot ang mga ito.
Ano ba mga pwedeng gawin kung nakararanas ka ng pagsusuka habang buntis?
Una sa lahat, kinakailangan mo ng maraming pahinga. Hindi ka dapat mastress pagkagising sa umaga. Pwedeng kumain muna ng crackers para hindi mangasim ang tiyan. Kung kakain ka, dapat ito ay madalas na pakonti-konti, hindi biglaang marami sa isang kainan.
Iwasang isabay ang pag-inom ng fluid sa pagkain, uminom thirty minutes before o thirty minutes after kumain. Iwasang humiga agad pagkatapos kumain. Mas maganda kung ang pagkain ay mas mataas sa carbohydrates kaysa sa fats. Makakatulong ang mga pagkaing may luya o ginger para mabawasan ang pakiramdam na nasusuka ka.
Iwasan ang mga pagkain at inumin na pwedeng makataas ng acid sa tiyan at pwedeng maging dahilan para kayo ay masuka, kasama na dito ang kape, mga softdrinks, maasim na juices katulad ng orange juice at pineapple juice. Iwasan ang oily, spicy at sobrang sweet. Iwasan ang malalakas na amoy, katulad ng amoy ng pabango at amoy ng mga niluluto sa kitchen.
Pag tuloy-tuloy ang pagsusuka, pwedeng makatulong ang Vitamin B6, ang mga gamot na kontrasuka katulad ng metoclopramide at promethazine, pwede ring makatulong ang mga anti-allergy drugs katulad ng doxylamine at diphenhydramine, pero kinakailangan ng konsulta sa inyong mga doktor.
Pag may intake daw ng Vitamin B6 at ginger bago pa magbuntis, nababawasan daw ang tendency na magkaroon ng morning sickness.
Iba pang mga babasahin
Gamot sa buntis na may heart burn, acid reflux
Lagnat sa Buntis : Sintomas, dahilan at gamot
One thought on “Paano mabawasan ang pagsusuka ng Buntis”