Dahil sa lubhang matagal ang nine months na pagbubuntis ng isang babae, hindi kataka taka na makakaranas ka talaga ng pagtatae sa panahon na ito. Ang pagtatae o diarrhea sa mga buntis ay maaaring magdulot ng kakulangan sa likido sa katawan at iba pang komplikasyon, kaya mahalagang malaman ang mga ligtas na paraan upang malunasan ito. Narito ang ilang mga rekomendasyon para sa mga buntis na nakakaranas ng pagtatae.
Ligtas na Mga Paraan para Malunasan ang Pagtatae sa Buntis
Dahil sa batang dinadala ng isang buntis napakahalaga na tiyakin ang mga hakbang na gagawin kapag ikaw ay nagkaroon ng diarrhea o pagtatae dahil may posibilidad na ang anumang gamot na i-take mo sa panahon na ito ay posibleng magdulot ng panganib sa bata na iyong dinadala. Halimbawa ng mga pwedeng gawin ng buntis sa panahon na ito ang sumusunod.
1. Pag-inom ng Sapat na Tubig
Mahalagang uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration. Maaari ring uminom ng oral rehydration solution (ORS) para sa mas mabilis na pag-rehydrate.
2. BRAT Diet
Banana: Ang saging ay may mataas na potassium content na nakakatulong sa pag-replenish ng electrolytes.
Rice: Ang kanin ay madaling matunaw at nakakatulong sa pagpapatibay ng dumi.
Applesauce: Ang mansanas ay may pectin na nakakatulong sa pagpapatibay ng dumi.
Toast: Ang toast o tinapay ay nakakatulong sa pagpapatibay ng dumi at madaling matunaw.
3. Avoid Fatty and Spicy Foods
Iwasan ang mga mamantika at maanghang na pagkain na maaaring magpalala ng pagtatae.
4. Probiotics
Ang mga probiotics tulad ng yogurt ay maaaring makatulong sa pagbalanse ng good bacteria sa tiyan at maibsan ang pagtatae.
5. OTC Medications
Ang mga over-the-counter na gamot tulad ng loperamide ay maaaring irekomenda ng doktor, ngunit dapat lamang gamitin sa pahintulot ng isang healthcare provider dahil maaaring may mga side effects ito sa buntis. Tandaan din na kapag hindi gumana ang loperamide sa pagtatae, makipag usap kaagad sa ob gyne o iyong doktor.
6. Consult a Doctor
Kung ang pagtatae ay matindi o tumatagal ng higit sa dalawang araw, mahalagang kumonsulta agad sa doktor upang matukoy ang dahilan at mabigyan ng angkop na paggamot. Pwedeng mag request ang doktor ng stool analysis para makita kung mayroong infection ang buntis na pasyente. Sa ganitong mga pagkakataon may mga antibiotics na pwedeng ma rekomenda ang doktor.
Tandaa na ang mga gamot na antibiotics ay gagamitin lang sa gabay ng isang doktor o ob gynecologist.
Mga Karagdagang Paalala
Iwasan ang Mga Dairy Products
Sa ilang mga kaso, ang lactose intolerance ay maaaring maging sanhi ng pagtatae, kaya’t mainam na iwasan muna ang mga produktong gawa sa gatas.
Sundin ang Malinis na Pamumuhay
Siguraduhing ang mga pagkain at inumin ay malinis at ligtas upang maiwasan ang mga impeksyon na sanhi ng pagtatae.
Kailan Dapat Mag-alala
Kung ang buntis ay nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas, kinakailangan agad na magpatingin sa doktor:
- Matinding pananakit ng tiyan
- Pagkakaroon ng dugo sa dumi
- Lagnat
- Pagsusuka na hindi nawawala
- Matinding dehydration (sobrang tuyo ng bibig, bihirang pag-ihi, pagkahilo)
Iba pang mga babasahin
Tamang pag inom ng contraceptive pills: Gabay
10 na dahilan bakit delayed ang regla
One thought on “Gamot sa Buntis na nagtatae”