Pag-uusapan na naman po natin sa article naman na ito kung ano ang mga nangyayari o ang mga changes sa katawan ng babae kapag siya ay nabubuntis. Ano nga ba ang nangyayari sa katawan ng babae o ang mga presumptive signs na masasabi niyang siya ay nagdadalang tao ng ilang araw.
Mahalaga na malaman ng mga kababaihan kung buntis nga ba sya or hindi para sa kapanatagan ng loob at para mapaghandaan ang mga pagbabago na pwedeng mangyari sa kanya.
Mga senyales na buntis ka sa unang linggo
-Breast changes
-Amenorrhea
-Morning sickness
-Madalas umihi
-Maraming pigmentation sa mukha
Ang number one na masasabi niyang siya ay nagdadalang tao or ang presumptive sign is ang breast changes, which means nagbabago ang suso ng isang babae kapag siya ay nagdadalang tao. Dahil na nga sa mga hormonal imbalances or sa mga hormonal changes na nangyayari sa katawan ng babae, that’s why sumasakit ang kanyang suso or nag-iiba ang size, or minsan may mga gatas pong lumalabas, at minsan talaga ay nagbabago yung kulay ng inyong nipple, which is nagdadarkin siya, unlike sa mga nipple niyo noon, like pinky or skin colored, ngayon ay nagiging dark siya dahil nga nagpre-prepare na ang inyong breast or nag-a-adjust na ito for conception.
At eto nga ang next sign na ito ay ang pinaka-indicator na ikaw ay nagdadalang tao, ito ay tinatawag nating amenorrhea, which means a or absence of menstruation, or hindi ka na dinadatnan. Pero mahirap itong madetect or masabi mong early na ikaw ay buntis kapag ang isang babae ay iregular or hindi regular ang kanyang regla, or hindi ito dumadating ng buwan-buwan, or hindi normal ang kanyang cycle. So doon lang ito nagwowork ang sign na ito sa mga babaeng regular ang kanilang mga periods.
At ang ating next sign is ang morning sickness. Yes, maraming nakakaranas ng mga gantong klaseng senyales kapag ang isang babae ay nagdadalang tao dahil na rin po sa hormonal imbalance na nangyayari sa katawan ng babae, kaya kadalasan siyang naduduwal or feeling niya nasusuka siya, most especially kapag morning, or ang iba naman after nun, or kahit tanghali, dahil nga ay nagpe-prepare na ang iyong katawan for pregnancy.
Kadalasan sa mga babaeng nagbubuntis ay madaling napagod at gusto nilang palagi silang natutulog, dahil feeling nila ito yung kung pagod ka lang dahil may ginawa ka, kapag kasi presumptive pregnancy is ang nangyayari is parang sobrang pagod mo na, gusto mo talagang matulog ng buong araw.
At ang isa pa nating sign is ang urinary frequency or ang kadalasang pag-ihi, it’s either in the morning, in the afternoon, or kahit pa sa gabi. Ito yung hindi normal na pag-ihi, pero hindi ko naman sinasabi na lahat ng mga taong hindi normal yung pag-ihi ay buntis, kaya nga tinawag natin itong presumptive sign, pero mostly talaga sa mga nagbubuntis ay nagkakaroon ng changes sa kanilang pag-ihi.
At ang ating last sign is ang chloasma or ang mask of pregnancy, ito yung palaging maraming mga pigmentation dito sa mukha ng babae, kadalasang nangyayari ito dahil sa hormonal imbalance sa katawan ng babae in preparation for the pregnancy.
So ito yung mga presumptive sign na masasabi mong buntis ang isang babae, but ideally dapat ay magpa-check pa rin po kayo sa inyong mga doktor for confirming.
Iba pang mga babasahin
Pwede ba ang normal delivery sa dating CS nanganak? 10 Tips
Mabubuntis kaba sa unang contact : Mga malimit itanong
2 thoughts on “Buntis sa unang linggo -5 Senyales at Sintomas”