Ang cervical cancer ay pumapangalawa sa breast cancer bilang most common cancer sa mga Filipina, edad 15 hanggang 44. Ang dahilan nito ay isang klase ng viral infection, ang Human Papillomavirus (HPV) infection, na maaaring maapektuhan ang cervix at ang vagina.
Screening tests para ma detect ang cervical cancer
Para mapigilan o mabantayan ang pagkakaroon ng cervical cancer, may tatlong test o screening procedures na pwedeng gawin.
Visual Inspection with Acetic Acid (VIA) – Itoy parte ng cervical cancer screening program ng Department of Health at ginagawa sa mga lugar na kulang ang laboratory para sa pagbasa ng Pap smear. Naglalagay ng 3 to 5% acetic acid o vinegar sa cervix, at kung may mga parte ng cervix na namuti, ito ay kinoconsider na positive. Kung nagpositive, pwede na itong gamutin ng cryotherapy o cuttery o gawan pa ng special procedures.
Pap Smear – Isang procedure na kumukuha ng cells sa cervix, pwedeng gumamit ng cotton swab at spatula o cotton swab at cytobrush. Mayroong tinatawag na conventional Pap smear kung saan ang nakuhang swab ay nilalagay sa slide, at liquid-based na gumagamit ng cytobrush, na ang dulo ay nilalagay sa liquid or fluid preservative. Mas accurate ang liquid-based dahil ang cells ng cervix ay nahihiwalay sa discharge ng cervix at vagina, kaya mas madali itong basahin.
HPV DNA Test – Pwede ring gawan ng DNA test ang cells na nakuha sa cervix para malaman kung positive ito sa HPV.
Sino bang gumagawa ng screening test at gaano ba kadalas ginagawa?
Ang 2020 recommendation ng American Cancer Society ay mag-umpisa sa edad na 25 years old hanggang 65 years old. Kung Pap smear test ang ginawa, ito ay ginagawa every three years. Kung HPV DNA test naman, ito ay ginagawa every five years.
Dito sa Pilipinas, mayroong guidelines ang Philippine Society na tuloy-tuloy pa rin ang cervical screening mula age 21 hanggang lampas ng age 65. Kung 21 to 29 years old, taon-taon pa rin ang Pap smear. Kung liquid-based cytology naman, pwede nang gawin ito every two years. Kung 30 to 65 years old, taon-taon pa rin o taon-taon ang Pap smear, ang liquid-based cytology ay every two years. Mas maganda daw kung may co-testing, na ibig sabihin ay sasabayan ng HPV DNA test.
Kung lampas 65 years old na, kailangan pa rin ng screening test, kahit more than 65 years old na, dahil mataas pa rin ang incidents ng cervical cancer sa mga ganitong edad. Humihinto lang sa pagtest kung natanggalan na ng matres na ang dahilan ay hindi cancer.
Pwedeng gawin ng Pap smear any day, basta wala lang pong regla, walang sexual contact, hindi nagdusch, at walang nilagay na gamot sa pwerta sa loob ng dalawang araw.
Ipapakita ko po kung paano ginagawa ang Pap smear sa clinic. Ganito po ang posisyon ng pasyente, yung dalawang paa dito, yung pwet na dito sa baba, at bubuka lang siya. Tapos mag-iinsert tayo ng speculum, itong vagina speculum ay ginagamit lang para pambuka. Pag nakita na ang cervix, kukuha ng swab galing sa pinakaloob na cervix sa end of cervix, at ilalagay sa slide.
Tapos ipapasok ko itong cervix spatula, kukunin naman yun sa bandang labas ng cervix, so echo cervix, at ilalagay rin sa slide. Tapos tatanggalin na ito, yung speculum, at mag-internal exam kami para makapa kung walang bukol o kung walang masakit sa matres. Pagkatapos nun, tatayo na ang pasyente, tapos na, ganun lang kabilis ang Pap smear.
Magkakaroon na ng result after two to three weeks. Sa Pap smear report, malalaman kung may infection, kung may nagpapalit na sa cells ng cervix na pwedeng pag-umpisa ng cancer, at malalaman din kung may cancer.
Pwede ba mag pap smear sa buntis?
Oo, maaari pa ring magpa-pap smear ang buntis. Ang pap smear ay isang mahalagang pagsusuri upang malaman kung mayroong abnormal na mga selula sa cervix na maaaring magdulot ng cervical cancer. Ito ay ligtas para sa buntis at inirerekomenda pa rin kung kinakailangan, lalo na kung hindi pa nagawa ang pagsusuri sa loob ng nakaraang tatlong taon o kung may mga sintomas na dapat bantayan.
Ang pap smear ay hindi nagdudulot ng panganib sa sanggol at mahalaga upang mapanatili ang kalusugan ng ina. Kung mayroong anumang alalahanin tungkol sa pagsusuri, makabubuting kumonsulta sa doktor para sa tamang payo at gabay.
Iba pang mga babasahin
Lunas sa hirap sa pagtae o constipated na buntis
13 Tips ano ang pwedeng gawin sa buntis na masakit ang tiyan
One thought on “Bakit kailangan ng Pap Smear test sa mga babae”