Ang pagbubuntis ay isa dapat normal at natural na proseso, pero dahil sa genetics, sa lifestyle natin, o sa mga medical problems na meron tayo, ito ay nagiging complicated. Ang buntis ay pwede makunan, pwede magpremature labor, pwede magkagestational hypertension o preeclampsia, pwede magkaroon ng gestational diabetes at infection.
Ano ba ang mga warning signs na delikado ang pagbubuntis?
Para mas malinaw, hatiin natin ito sa dalawang stages: yung first stage, yung first trimester o first three months na pagbubuntis, at yung pangalawa ay yung second to third trimester, yung mula four months hanggang manganak na ang isang buntis.
Sa first three months, bantayan ang pagdurugo. Lahat ng pagdurugo sa first trimester ay abnormal, except sa araw ng expected date ng regla. May tinatawag na implantation bleeding, pero pag nagtugo dito sa first trimester, pwedeng sign ito ng nakukunan, pwedeng ectopic pregnancy, o pwede ring may problema sa cervix na matres ng isang buntis.
Ang pangalawa ay yung pananakit ng puson. Merong sakit na pwedeng maramdaman sa dalawang sides ng matres, ito ay dahil sa round ligament pain habang lumalaki ang matres. Ang ligament ay naistretch o nahihila, kaya nagkakaroon ng konting sakit. Pero ang sakit na to ay tolerable.
Pag ang pain ay diretso at nasa gitna ng matres, pwedeng sign ito ng nakukunan. Pag ang pain ay either nasa kaliwa o nasa kanan ng matres at itoy pagrabe ng pagrabe at masakit na rin pag dinidiinan ng ating puson, pwedeng sign ito ng ectopic pregnancy.
Pag ang pain ay nasa gitna din at itoy sinasabayan ng masakit sa pag-ihi o madalas sa pag-ihi, pwedeng sign ito ng urinary tract infection. Kung ang sakit sa puson ay nawawala ng kusa o nawawala ito pag ang isang buntis ay nagpahinga, hindi naman dapat ito ikabahala.
Bantayan din ang sobrang pagsusuka, dahil pag sobra na ang pagsusuka at hindi na nakakakain ng isang buntis o hindi siya nakakainom, pwede siyang ma-dehydrate at pwedeng maapektuhan ang baby.
Pag may lagnat sa first trimester, kailangan din magpa-check-up agad, dahil sign ito ng infection, pwedeng viral infection o bacterial infection.
Kung sa first trimester meron ding lumalabas na abnormal na discharge sa cervix, kung itoy greenish, may amoy o makati, kailangan din ipa-check-up.
Ano ang babantayan sa pagbubuntis sa second to third trimester?
Sa second to third trimester, kailangan din bantayan ang pagdurugo, isang sign kasi ito na bumubukas ang cervix at pwedeng magpremature labor. Pwede ring sign ito ng placenta previa, kung saan ang inunan ay nasa baba malapit sa cervix. Pwede ring sign ito ng abruption sa placenta, ito ay ang maagang pagkahiwalay ng inunan bago pa maglabor ang isang babae.
Ito ay ang matinding tuloy-tuloy na paninigas ng tiyan, na delikado para sa baby at sa nagbubuntis. Hindi rin dapat madalas ang paninigas ng tiyan ng isang buntis kung siya ay less than thirty seven weeks pregnant pa lang.
Kung ang paninigas ng tiyan ay mild lang at irregular, pwede itong tinatawag na Braxton Hicks contractions, na nangyayari pag mga second to third trimester. Pag nagpahinga ang isang buntis, itoy nawawala rin, kaya hindi ito delikado.
Pero kung ang paninigas ng tiyan ay every ten minutes tuloy-tuloy at pagrabe ng pagrabe, ito ay pwedeng premature labor. Hindi dapat ito mangyari pag less than thirty seven weeks pa lang, kailangan magpa-check-up agad para mapigilan ito. Meron namang gamot na pwedeng makatulong para hindi magtuloy-tuloy ang labor.
Hindi dapat magkaroon ng watery discharge o tubig na lalabas sa cervix, isang sign ito na nagleak na o pumutok na ang bag of water. Delikado ito pag nangyari pag less than thirty seven weeks, pwede kasing mapaanak ang isang buntis pag pumutok na ang panabigan. May chance din na magka-infection ang baby at ang nagbubuntis pag wala na ring tubig sa loob ng matres, pwedeng mahirapan ang bagang ng baby.
Pano ba malaman kung ang lumabas ay hindi ihi lang sa buntis?
Ang ihi ay yellowish at medyo mapanghi, ang amniotic fluid ay may amoy bleach, parang Clorox. Ano naman ang kaibahan ng vaginal discharge sa amniotic fluid? Ang vaginal discharge ay konti lang at hindi to lulusot sa underwear ng isang babae, ang amniotic fluid ay mas malabnaw, lulusot ito sa underwear kaya pwede mabasa ang damit o yung sapin ng kama.
Ang galaw ng baby ay dapat binabantayan, ang galaw nito ay sobra dapat sa limang beses sa loob ng isang oras. Kung naging madalang ang galaw ni baby, itry na kumain dahil baka gutom lang ito, itry na galawin dahil baka natutulog lang ito, or humiga sa kaliwa para gumanda ang blood flow papunta sa baby. Kung walang pagbabago sa galaw niya, magpa-check-up agad, dahil isang sign ito na may problema ang inyong baby.
Kung sabay-sabay namamaga ang mukha, ang kamay at ang paa ng isang buntis, dapat di magpa-check-up agad, pwedeng sign ito ng preeclampsia, kung saan tumataas ang blood pressure ng isang buntis, nagmamanas at nagkakaroon ng protina sa ihi. Itoy isang delikadong komplikasyon ng pagbubuntis.
Ang sobrang pananakit ng ulo, panalobo ng mata, kumbulsyon, at sobrang pananakit ng tiyan ay pwedeng signs din ng preeclampsia at eclampsia.
Ang lagnat ay sign ng viral infection o bacterial infection. Kung sobrang maputla, isang sign ito ng anemia. Kung sobrang sakit ng balakang, isang sign nito na pwedeng naglelabor, may urinary tract infection, o kidney stones.
Ang sobrang sakit sa sikmura ay pwedeng sign ng ulcer, pancreatitis. Kung sobrang hirap sa paghinga, pwedeng sign ito ng asthma o pulmonya. Kung sobrang naninikip ang dibdib, pwedeng sign ito na sakit sa puso. Ang grabeng pagtatae ay delikado rin, lalo na kung sinasabayan ito ng lagnat at matinding pananakit ng tiyan.
Ngayong alam niyo na po ang mga warning signs na to, dapat nakahanda rin kayo kung anong gagawin in case of emergency.
Iba pang mga babasahin
Bakit kailangan ng Pap Smear test sa mga babae
Lunas sa hirap sa pagtae o constipated na buntis
13 Tips ano ang pwedeng gawin sa buntis na masakit ang tiyan
One thought on “Mga dapat iwasan ng buntis para di makunan”