Posted inBuntis

Tamang pag inom ng vitamins ng buntis

Ano ba ang mga kinakailangang vitamins at minerals ng isang buntis? Ang pangangailangan ng buntis ay depende sa kanyang diet. Merong babaeng mahina kumain, meron namang malakas kumain, merong mapili sa pagkain, at meron naman na halos hindi makakain dahil sa paglilihi. Kung halos walang kinakain ang isang buntis, pwedeng ibigay ang halos lahat ng vitamins at minerals para makumpleto ang recommended dietary allowance. Sa mga babaeng kumpleto na ang diet, may ilan pa ring vitamins at minerals na kailangang idagdag dahil sa pagtaas ng pangangailangan habang lumalaki ang baby sa loob ng tiyan.

Posted inBuntis

Mga dapat iwasan ng buntis para di makunan

Ang pagbubuntis ay isa dapat normal at natural na proseso, pero dahil sa genetics, sa lifestyle natin, o sa mga medical problems na meron tayo, ito ay nagiging complicated. Ang buntis ay pwede makunan, pwede magpremature labor, pwede magkagestational hypertension o preeclampsia, pwede magkaroon ng gestational diabetes at infection.

Posted inPagtatae

Lunas sa hirap sa pagtae o constipated na buntis

Ang pag-uusapan natin ngayong araw na ito ay isang topic na talaga namang pahirap sa ating mga buntis, at ito ay ang constipation o ang hirap sa pagdumi. Ano nga ba ang constipation o ang hirap sa pagdumi? Ang constipation ay isang kondisyon kung saan matigas at masakit ang pagdumi. Constipated ang isang buntis kung hindi pa rin siya nakakadumi sa loob ng dalawa o tatlong araw.

Posted inMga Sakit

13 Tips ano ang pwedeng gawin sa buntis na masakit ang tiyan

Ang pag-uusapan natin ngayong araw na ito ay isa sa mga common tanong ng mga expecting mommies sa ob gynecologist at ito ay kung bakit nga ba raw sinisikmura ang isang buntis at kung normal lang ba daw ito. Ang pananakit ng tiyan sa buntis ay isang karaniwang karanasan, ngunit maaaring magkaroon ito ng iba’t ibang dahilan at kahalagahan depende sa yugto ng pagbubuntis at iba pang mga sintomas na kasama nito. Sa unang tatlong buwan, ang pananakit ng tiyan ay maaaring sanhi ng mga pagbabago sa katawan tulad ng paglaki ng matris, na nagdudulot ng pag-unat at pananakit.

Posted inBuntis

10 Senyales ng Pagbubuntis: Mga dapat malaman ng kababaihan

Ang maagang pagtukoy ng pagbubuntis ay nagbibigay-daan sa agarang prenatal care, na mahalaga upang masubaybayan ang kalusugan ng ina at ng sanggol. Ang maagang pangangalagang ito ay makakatulong upang matukoy at maipamahala ang anumang posibleng isyu sa kalusugan, tulad ng gestational diabetes o preeclampsia, na maaaring magkaroon ng malubhang epekto kung mapapabayaan.