Ang pag-uusapan natin ngayong araw na ito ay isang topic na talaga namang pahirap sa ating mga buntis, at ito ay ang constipation o ang hirap sa pagdumi. Ano nga ba ang constipation o ang hirap sa pagdumi? Ang constipation ay isang kondisyon kung saan matigas at masakit ang pagdumi. Constipated ang isang buntis kung hindi pa rin siya nakakadumi sa loob ng dalawa o tatlong araw.
Paano po nalalaman kung constipated ang isang buntis?
-Una, ang iyong dumi ay dry at matigas.
-Pangalawa, hindi regular ang pagdumi
-Pangatlo, feeling bloated at feeling na laging mabigat ang tiyan
-Pang-apat, masakit na pakiramdam habang dumudumi.
Bakit nga ba nagiging constipated o hirap dumumi ang isang buntis?
Ayon sa pag-aaral, kalahati sa mga kababaihan ang nakakaranas ng constipation habang sila ay buntis.
Unang dahilan kung bakit nagiging constipated ang isang buntis ay dahil sa stress. Kapag stress ang isang buntis, maapektuhan nito ang kanyang bowel movement at magiging constipated ito.
Pangalawang dahilan ay ang kulang sa pag-inom ng tubig ang isang buntis. Kailangan ng isang buntis na uminom ng tubig na nasa eight to ten glasses kada araw para maiwasan ang constipation.
Pangatlong dahilan, is low fiber diet. Baka naman ang buntis ay hindi siya kumakain ng mga pagkaing may mataas na fiber na nakakatulong para maiwasan ang constipation.
Pang-apat na dahilan, baka naman ang buntis ay nagpipigil dumumi, o kapag nadudumi na siya, hindi agad siya pumupunta sa CR para dumumi. At baka naman hindi din regular ang kanyang oras ng kanyang pagdumi.
Panglimang dahilan, is kulang sa ehersisyo. Baka naman ang buntis ay buong araw siyang nakaupo lang, hindi man lang siya naglakad-lakad, na talagang magkakaroon siya ng constipation. Mas maigi pong magkaroon ng exercise ang isang buntis, ngunit ang exercise na yan ay kailangan pong aprubado ng kanyang doktor. Ang inyong tanungin sa inyong doktor kung dok, anong exercise ang pupwede po sa akin at safe.
Pang-anim na dahilan, ang dulot na pressure ng lumalaking uterus. Ito ay nangyayari sa kanyang intestines na nagpapabagal ng paggalaw ng mga pagkain at waste sa loob ng kanyang tiyan.
At pang-pitong dahilan, ang pagiging constipated ng isang buntis ay maaaring dahil sa kanyang iniinom na vitamins.
Ano-ano nga ba ang solusyon na pwede kong gawin para maiwasan ang constipation?
Unang pwede ninyong gawin, is kung maaari, umiwas kayo sa stress at idivert ang inyong attention sa mga bagay na nag-eenjoy kayong gawin.
Pangalawa, uminom ng kahit eight to ten glasses ng water bawat araw para maging malambot ang inyong dumi at hindi kayo mahirapan ilabas ito.
Pangatlo, kumain ng mga pagkaing may mataas na fiber, gaya na lamang ng mga prutas at gulay.
At pang-apat, kumain kayo ng smaller meals, wag po yung maramihan. Ang pagkain ng smaller meals ng buntis ay nakakatulong na maibsan ang hirap sa pagdumi sa pamamagitan nito. Mas madigest ng tiyan ng mas mabilis ang pagkain at maililipat sa intestines at colon ng mas mabilis. Kapag kasi kumakain ng maramihan ang isang buntis, maaaring maka-overload ang tiyan ng isang buntis at mahirapan ang digestive system na tunawin at iprocess ito.
Panglima, ang pag-eexercise at ang pagkakaroon ng physical activity. Ang paglalakad at iba pa ang moderate na exercises ay makakatulong sa intestine ng isang buntis sa pamamagitan ng pag-stimulate ng kanilang bowel movement.
Mahalagang paalala uli, para sa exercise ng isang buntis, mas maigi kumunsulta kayo sa inyong doktor at tanungin niyo siya kung anong exercise po ang pupwede para sa inyo, kasi merong mga buntis na bed rest lang sila at hindi advisable sa kanila ang magkaroon ng exercise.
Pang-anim na pwede ninyong gawin, kapag nadudumi na kayo, pumunta agad kayo sa CR para dumumi. Kasi pag may mga times na pinipigilan niyo ang inyong pagdumi, kapag gusto niyo ng madumumi, nawawala na ang urge ninyo na dumumi.
Ang pito, pwede ninyong gawin kung kayo ay umiinom ng iron, siguraduhin po ninyong umiinom talaga kayo ng madaming tubig.
At pangwalo, ang pag-inom ng gamot. Kapag hindi pa din effective sa inyo ang mga nabanggit, pwede kayong pumunta sa inyong doktor para magrequest ng gamot. Wag kayong uminom ng gamot kung hindi ininform ang inyong doktor, para na din sa inyong safety at sa safety ng inyong baby.
May mga prutas ba na magandang kainin para sa isang constipated na buntis?
Oo, may mga prutas na magandang kainin para sa isang constipated na buntis.
Una ay ang hinog na papaya, pangalawa bayabas, pangatlo ay ang watermelon, pang-apat banana, panglima ay ang apple o mansanas, pang-anim ay ang avocado, pang-pito ay ang mga berries, gaya na lamang ng strawberry at raspberry.
Home remedy sa constipated na buntis
Una, pagkagising mo pa lang sa umaga, pwede na umiinom na agad ng isang baso ng tubig.
Pangalawang tips, siguraduhin talaga sa araw-araw na kinakain mo, meron talagang fiber sa mga gulay at prutas.
At pangatlong gagawin mo, kunwari hindi kapa nakadumi ngayong araw, pagkakabukasan, hindi muna dapat kumakain ng mga mabibigat na pagkain o yung mga pagkaing mahirap idigest. Kumain lang ng mga gulay at prutas ng mga araw na yan para pagka third day, malaki ang chance na makakadumi kana.
Pang-apat sa buong araw, siguraduhin na talagang hindi kalang nakaupo. Pwedeng maglakad lakad din especially kung nagtatrabaho kapa sa mga panahon na buntis ka.
At panglima, iwasan mo talaga ang kumain ng mga may caffeine, gaya ng chocolates, ng mga softdrinks. Kapag kumakain ka, ililista mo siya para maobserve mo kung anong klase ng mga pagkain ang nagbibigay sa iyo ng constipation para sa susunod, iwasan mo na siya.
Pang-anim kapag nafifeel mo na nadudumi kana, pumunta agad sa CR kasi pag hindi ka pumunta agad, nawawala yung urge ng pagdumi.
At lastly, pang-pito siguraduhin mo talaga na umiinom ka ng maraming tubig. Kahit minsan mahirap kasi pag umiinom ka ng tubig, ilang beses din mapapapunta sa CR para umiihi, pero okay lang yun. At least sigurado ka na well-hydrated at maiwasan mo ang constipation.
Iba pang mga babasahin
13 Tips ano ang pwedeng gawin sa buntis na masakit ang tiyan
10 Senyales ng Pagbubuntis: Mga dapat malaman ng kababaihan
One thought on “Lunas sa hirap sa pagtae o constipated na buntis”