Ang article na ito ay para sa lahat ng kababaihan, may balak mang magbuntis o wala pa, para makatulong sa pagplano ng inyong pamilya. Ididiscuss natin ang mga factors na pwedeng magpataas ng inyong chance na mabuntis. Aalamin din natin ang mga pwedeng gawin ng mga kababaihan para mas mabilis ang pagbubuntis.
Paano lumaki ang tsansa na mabuntis?
Para mas mataas ang chance na mabuntis, ang una nating iconsider ay ang inyong edad. Ang peak daw ng reproductive years ng isang babae ay between late teens hanggang late twenties. Ibig sabihin, pinaka-fertile ang isang babae pag siya ay less than thirty years old. Pag thirty years old pataas, ang fertility ay dahan-dahang bumababa at mabilis itong bumababa after the age of thirty-five. At pagdating ng forty-five years old, halos hindi na nagbubuntis sa natural na paraan.
Pag less than thirty years old, ang chance na mabuntis sa isang buwan ay one in four. Ibig sabihin, sa ganung edad, isa sa bawat apat na babae ay pwedeng mabuntis kung siya ay may sexual intercourse. Sa edad na forty, ang chance ay one in ten lang, isa lang ang nabubuntis sa bawat sampung babae. Ibig sabihin, kung may plano kayong magbuntis, gawin niyo ito bago sa edad na trenta. Habang nagkakaedad din, ang chance na magkaroon ng abnormality ang baby ay mas tumataas. Habang nagkakaedad din kasi, tumataas ang chance na magkaroon kayo ng problema sa matris at obaryo kamukha ng myoma, endometriosis, at iba pang mga sakit.
Maliban sa edad, mas mataas ang chance ninyong mabuntis kung regular ang cycle ninyo. Pag regular kasi ang cycle niyo, ibig sabihin nag-oovulate kayo buwan-buwan. Kung irregular ang cycle, ibig sabihin may hormonal imbalance kamukha ng PCOS, thyroid problem, hyperprolactinemia at iba pang problema. Pag irregular ang cycle ninyo, magpacheck-up na para maayos na ito ng mas maaga at maging mas mataas ang chance ninyong mabuntis.
Ang isa ring dapat malaman, mas mataas ang chance ninyong mabuntis kung kayo ay may average weight. Kung kayo’y mas mataba kaysa sa normal o mas payat kaysa sa normal, malaki ang chance na magkaroon din kayo ng hormonal imbalance. Malaking factor din ang lifestyle para mas mataas ang chance ninyong mabuntis. Magandang iwasan ang paninigarilyo, bawasan na pag-inom ng mga alcoholic drinks, at umiwas sa mga elicit drugs. Ang lahat ng ito ay may effects sa fertility.
Mas mataas ang chance niyo magbuntis kung hindi kayo nagkaroon ng sexually transmitted disease. Ang lahat ng bacteria, lalo na ang gonorrhea at chlamydia, ay pwedeng umakyat sa matris at sa fallopian tubes. Pag nagkaganun, magkakaroon kayo ng pelvic inflammatory disease; mamamaga ang inyong mga fallopian tubes, magkakaroon ito ng nana o tubig, at pwede magbara at magkaroon ng scarring o peklat. Pag nagkaganito, hindi na magmimeet ang egg at sperm at hindi mabubuo ang baby.
Pag meron kayong signs ng infection kamukha ng abnormal na discharge o madalas na pagsakit ng puson o abnormal na pagdudugo, kailangan niyo magpacheck-up. Kailangan kasing magamot ito agad para maiwasan ang mga komplikasyon. Mas mataas din ang chance na kayo’y mabuntis kung kayo ay hindi nag-oover exercise. Kung more than five hours a week ang exercise ninyo, kamukha ng mga dancers, ballet dancers, at mga athletes, pwedeng hindi kayo maglabas ng itlog monthly at kayo ay magiging irregular. Kung kayo’y nagpaplano na magbuntis, mas mataas ang chance ninyo kung babawasan ninyo ang oras ng exercise.
Mas mataas ang chance mo rin mabuntis kung wala kang family history sa mga sakit sa matris at sa obaryo kamukha ng endometriosis at myoma. Kung alam niyo may family history kayo ng endometriosis at madalas nang sumasakit ang inyong puson, mas maganda magpacheck-up na kayo. Ang endometriosis ay isang sakit na lumalala habang kayo ay nagkakaedad. Isang endometriosis sa most common cause ng infertility. Pag nakontrol ito ng mas maaga, mas mataas ang chance ninyong mabuntis. Kadalasan kung wala pang planong magbuntis, nagbibigay muna kami ng oral contraceptive pills para hindi lumala ito.
Mas mataas din ang chance mong mabuntis kung hindi ka expose sa environmental toxins. Ito yung mga toxic chemicals na makikita sa pagkain, sa hangin, sa tubig, sa mga gamit sa bahay, sa personal care products kamukha ng sabon, shampoo, makeup, at household products kamukha ng mga panlinis at detergents. Ang mga ito ay endocrine-disrupting chemicals na pwedeng mag-cause ng anovulation o pwedeng madamage ang reproductive organs kamukha ng ovary at testes. Pwedeng itong maapektuhan ang quality ng egg at ang sperm density at sperm quality.
Ang mga examples ng endocrine-disrupting chemicals ay ang bisphenols na makikita sa plastics, lining ng lata, phthalates sa footwear, sa toys, sa personal care products kamukha ng makeup at lipstick. Meron ding parabens sa cosmetic products at sa mga personal care products kamukha ng shampoo, body wash. May heavy metals kamukha ng mercury sa deep-sea fishes, lead sa paint, cadmium at iba pang metal sa mga contaminated ng mga pagkain. Contaminated din ng pesticides at insecticides ang ating mga pagkain. May POPs or persistent organic pollutants sa mga plastics at electronic devices.
Para mas mataas ang chance na mabuntis, hanggat maari iwasan itong mga ito
Hugasang mabuti ang ating mga gulay at prutas, bawasan ang pagkain ng mga canned goods, iwasan ang pag-inom ng tubig sa mga plastic bottles, bawasan ang pagkain ng mga oily fish kamukha ng salmon, tuna, mackerel na mataas sa mercury. Gumamit ng gloves kung kayo’y hahawak sa mga detergents, cleaning products, paint, glue, varnish, at iba pa. I-check ang labels ng inyong personal care products kamukha ng shampoo, body wash, makeup at tignan kung wala itong paraben, phthalates, at iba pang chemicals na nasa listahan ng EDC o endocrine-disrupting chemicals.
At higit sa lahat, para mas mataas ang chance ninyong mabuntis, maganda na maaga kayong magpacheck-up. Kung more than one year na may unprotected intercourse at hindi pa rin kayo nabubuntis, magpacheck-up na kayo.
Kung more than thirty-five years old na kayo at six months na na hindi pa rin nabubuntis, kailangan niyo na ring kumunsulta. Kung forty years old na kayo at gusto niyong mabuntis, magpacheck-up na agad. Tandaan na habang dinidelay, mas lumiliit ang chance na kayo ay mabuntis. Dahil pag nagkakaedad, mas dumadami ang problema sa matris, sa obaryo, at pwede na kayong magkaroon ng diabetes, hypertension at iba pang mga sakit.
Iba pang mga babasahin
Mahirap ba mabuntis ang mababa ang Matres?
10 Tips paano mabilis na gumaling ang tahi ng pwerta pagkapanganak
2 thoughts on “Paano mabuntis ng Mabilis”