Fertile ka ba yan ang palaging tanong ng gusto at ayaw mabuntis. Alamin natin sa article na ito kung kelan ka fertile. Alam natin na marami pa ring hindi nakakaalam kung kailan sila fertile. Marami pa rin kasing nagtatanong kung mabubuntis sila. Pero ang binibigay lang nilang impormasyon ay ang first day ng last mens nila at yung araw na kung kelan sila nagsiping. Magiging malinaw na sa inyo ang inyong fertile days pag natapos niyong basahin ang article na to.
Paano malalaman ang fertile days ng isang babae
Ang fertile days o fertile window ay ang mga araw na kung kelan mas mataas ang chance mong mabuntis.
Para macompute mo ang iyong fertile days, tatlong bagay ang dapat mong malaman.
-Una, ano ba ang haba ng menstrual cycle mo
-Pangalawa, kailan ba ang iyong ovulation
-Pangatlo, gaano ba katagal nabubuhay ang sperm cells sa loob ng matres.
Unahin natin ang menstrual cycle. Magbilang kayo mula sa unang araw ng huling regla hanggang sa unang araw ng susunod na regla. Ang bilang niyan ay ang tinatawag na menstrual cycle.
Ang tawag namin sa first day o unang araw ng regla ay day one. Hindi importante kung gaano kahaba ang regla, magregla man kayo ng two days lang o seven days, hindi importante ‘yun sa bilang. Bawat babae ay iba-iba ang kanilang menstrual cycle.
Pwedeng ang haba nito ay twenty-one to thirty-five days. Merong mga kababaihan na eksakto na twenty-eight days o eksaktong thirty days. May iba naman na nag-aadvance ng konti o kung minsan naman nadedelay.
Sa mga babaeng nag-iiba-iba ng konti ang kanilang cycle, kailangan isulat nila ang haba nito buwan-buwan para malaman kung ano ang range ng menstrual cycle. Alamin yung pinakamaiksing cycle ninyo at yung pinakamahabang cycle ninyo.
For example, ang pinakamaiksi niyo ay twenty-eight days pero ang pinakamahaba niyo ay thirty-five days. Pag ganoon, ang tawag diyan ay twenty-eight to thirty-five days cycle kayo. Sana malinaw na po sa inyo ‘yan.
Punta na tayo ngayon sa ovulation day. Ano ba ang ibig sabihin ng ovulation? Ang ovulation ay ang paglabas ng itlog galing sa ovary. Paglabas ng itlog, nabubuhay lang ito ng twelve to twenty-four hours.
Ibig sabihin, dapat nandiyan na yung sperm paglabas ng itlog o kaya eksakto lang ang paglabas ng sperm at ang paglabas ng itlog. Sinasabi ngang ovulation day o paglabas ng itlog ay nangyayari fourteen days bago ang susunod ninyong regla.
Kaya importanteng malaman ang haba ng inyong menstrual cycle. Kung ang menstrual cycle niyo ay twenty-eight days, magsubscribe lang kayo ng fourteen, ibig sabihin ang ovulation niyo ay nangyayari day fourteen.
Kung ang menstrual cycle ay thirty days, mag subtract ng fourteen sa thirty, ang ovulation ay day sixteen o sixteen days mula sa first day ng regla. Kung paiba-iba ang cycle ninyo, example ang range niya ay thirty-one to thirty-five days, ang ovulation day niyo ay pwedeng day seventeen to day twenty-one.
Marami ring signs na mapapansin kung ang isang babae ay mag-oovulate na. Pwedeng may lalabas na discharge sa pwerta na masipon na parang egg white na hilaw na pwedeng samahan ng konting dugo.
Pag lumabas kasi ang itlog galing sa ovary, pwede magkaroon ng konting bleeding. Pwede ring makaramdam ng konting sakit either sa kanan o kaliwa ng puson kung saan kubaryo manggagaling ang itlog.
Paglabas din ng itlog o after ovulation, pwedeng tumaas ang temperature ng katawan at makaramdam ng parang sinat. Ngayong alam niyo na ang ovulation day, punta na tayo sa lifespan ng sperm cells.
Paglabas ng sperm cells, itoy aakyat na sa matres at pupunta na sa colopian tubes. Ang sperm cell at egg cell ay makikita na dito. Ang sperm cells ay pwedeng mabuhay hanggang seventy-two hours dito sa loob ng matris at fallopian tubes.
May mga nagsasabi na pwede rin itong magsurvive hanggang five days. Isang sperm cell lang ang kinakailangan para mafertilize ang egg. Ngayong alam niyo na ang menstrual cycle, ovulation at lifespan ng sperm cells, pwede niyo ng malaman ang inyong.
Kung mabubuhay ang sperm cells na hanggang five days yung five days bago mag ovulate ay isali na natin sa inyong fertile window at dahil pwedeng mabuhay ang egg ng hanggang twenty-four hours after ovulation ito ang tinatawag na fertile window.
Para sa mga babaeng regular ang cycle kung may range o nag-iiba-iba ng konti ang iyong ovulation day pwede ka mag adjust ng konti at habaan ang iyong fertile window.
Sa isang babae na eksaktong twenty-eight day cycle ang fertile window ay between day ten to day fifteen ngayong alam niyo na ang fertile days kung gusto niyong mabuntis dito kayo magsiping sa mga araw na to kung ayaw niyo naman mabuntis ito yung mga araw na iiwasan ninyo.
Importanteng malaman ang menstrual cycle para macompute ang ovulation day at malaman ang lifespan ng sperm para malaman din ang fertile days
Iba pang mga Babasahin
Signs na manganganak na ang buntis
One thought on “Senyales na fertile ang isang babae”