Ang isang babae po ay pwede nang manganak sa pagitan ng 37 hanggang 40 weeks, at ang labor ay pwedeng mangyari anumang oras. Ito ay unpredictable. Ano ba ang mga signs na manganganak na ang isang babae? Ang pinakaimportante dito ay ang pagumpisa na ng paninigas ng tiyan o uterine contractions.
Kaibahan ng True Labor sa False Labor
True Labor
Regular na paninigas ng tiyan – Nangyayari every 4 to 5 minutes, at paiksi ng paiksi ang interval hanggang maging every 2 to 3 minutes.
Tagal ng contractions – Tumatagal ng 60 seconds.
Pagsakit ng contractions – Pasakit ng pasakit habang tumatagal.
Sakit – Maaaring umabot hanggang baywang.
False Labor
Irregular na paninigas ng matris – Pwedeng magdalas every 4 minutes, tapos maging 10 minutes, 15 minutes, at 8 minutes.
Intensity ng contractions – Mild lang at pwedeng mawala pag nagpahinga.
Sakit – Hanggang puson lang.
Bakit Sumasakit ang Tiyan sa True Labor?
Ang matris ay nagko-contract para itulak ang baby pababa. Every time na nagko-contract, naiipit ang blood vessels at mga nerves, kaya nagkakaroon ng pain. Pero hindi lahat ng buntis ay pare-pareho ang nararamdaman habang nagle-labor. Merong mataas ang pain threshold at merong konting contractions pa lang ay nasasaktan na.
Mga Palatandaan na Manganganak Na
Uterine contractions – Regular at tumatagal ng 60 seconds bawat isa.
Blood-tinged mucus discharge – Ang discharge ay medyo masipon. Ito ang tinatawag na cervical mucus plug na nagha-harang sa cervix.
Pwedeng brownish o red, konti o marami.
Paglabas ng tubig sa vagina – Ito ang amniotic fluid na nagrupture. Pwedeng konti o marami, at hindi ito yellowish o mapanghi.
Ano ang Dapat Gawin?
Kung meron kayong alinman sa mga signs na ito, magpacheck-up na lang kayo sa inyong doktor para ma-examine kayo at malaman kung gaano pa katagal bago kayo manganak. Ang advice ng ob gyne sa inyo bago mag-37 weeks, i-ready niyo na yung gamit niyo at gamit ng baby niyo kasi anytime, any day, pwede na kayong manganak.
Iba pang mga babasahin
Paano malaman kung babe o lalaki ang baby
Mahirap ba mabuntis ang mababa ang Matres?
10 Tips paano mabilis na gumaling ang tahi ng pwerta pagkapanganak
One thought on “Signs na manganganak na ang buntis”