Posted inBuntis / Mababa matris

10 Tanong tungkol sa mababa ang Matres

Ang mababang matres ay maaaring magdulot ng mga problema sa pag-ihi tulad ng madalas na pag-ihi, hirap sa pag-ihi, o urinary incontinence. Maaari rin itong magdulot ng kahirapan sa pagdumi o pakiramdam ng incomplete bowel movement. Sa aspeto ng reproductive health, maaaring maging mahirap ang pagbubuntis o magdulot ng mas mataas na risk ng miscarriage at premature labor sa mga may advanced stages ng uterine prolapse.

10 Questions tungkol sa Mababa na Matris ng babae

Unang tanong: Totoo bang may mga babaeng mababa ang matres?

Ang sagot po diyan ay totoo po. Sa Ingles, ito ay tinatawag na uterine prolapse. Kahit anong edad ay pwedeng magkaroon nito, pero common ito sa fifty years old pataas. May mga stages ito:

  • Stage zero: Walang uterine prolapse.
  • Stage one: Ang kwelyo ng matres ay more than one cm above ng opening ng vagina or hymen.
  • Stage two: Ang cervix ay one cm or less above ng hymen.
  • Stage three: Ang cervix ay one to two cms below ng hymen, ibig sabihin nakalabas na ito sa vagina.
  • Stage four: Ang buong matris ang nakalabas sa pwerta, ang tawag dito ay procidentia uteri.

Pangalawang tanong: Bakit ba bumababa ang matres?

Dito makikita natin na ang uterus ay suportado ng mga ligament sa taas at ng pelvic floor muscles sa baba. Pag ang ligaments na ito at ang pelvic floor muscles ay sobrang nastretch at naging mahina, kadalasan bumababa ang matres. Ito’y pwedeng mangyari pag nagbuntis o nanganak, pag nag-increase ang pressure sa tiyan (dala ng madalas na pag-ubo, constipation, o pagbuhat ng mabigat), at kung overweight ang isang tao. Pwede ring bumaba ang matres kung natural na mahina ang connective tissues ng isang babae o may family history ng uterine prolapse.

Pangatlong tanong: Ano bang mga senyales ng mababang matres?

Kadalasang nararamdaman ang sumusunod:

  • Sa stage one at stage two: May natatamaan lang na parang may bigat sa bandang puson, lalo na pag nakikipagtalik.
  • Sa stage two hanggang stage three: Madalas na pag-ihi, masakit umihi, masakit magdumi o hirap magdumi, at may laman na nakakapa sa labas ng pwerta.

Pang-apat na tanong: Paano ba malalaman kung mababa ang matres?

Malalaman yan kung nagpacheck-up kayo. Habang kayo’y nakahiga, i-eexamine ng doktor ang inyong vagina at itatry kayong pababain. Kung may bababa, ibig sabihin mahina ang suporta ng matres.

Pang-limang tanong: May paraan ba para mapigilan ang pagbaba ng matres?

Meron isang klase ng exercise na makakatulong para tumibay ang muscles ng pelvic floor, ang tinatawag na Kegel exercise. Ito’y effective pa kung stage one or stage two pa lang ng uterine prolapse. Pwedeng gawin ito sa kahit anong posisyon at dapat itong gawin ng regular at pangmatagalan. Paraan din ang pag-maintain ng healthy body weight, pag-iwas sa pagbuhat ng mabigat, paggamot sa madalas na pag-ubo, pag-inom ng maraming tubig, at pagkain ng maraming gulay para hindi kayo hirap sa pagdumi.

Pang-anim na tanong: Mahihirapan po bang magbuntis kung mababa ang matres?

Pag stage one lang ang uterine prolapse, pwedeng hindi naman mahirapan magbuntis. Pero kung stage two pataas, dahil mababa ang cervix, medyo hirap magbuntis. Kung hirap kayong magbuntis, kailangan niyo magpacheck-up para malaman kung ano ang dahilan at magawan ito ng paraan.

Pang-pitong tanong: Ano bang effect nito sa pagbubuntis?

Kung nabuntis at may stage one uterine prolapse, halos walang effect ito sa pagbubuntis. Pero kung stage two o stage three, mas malaki ang chance ng abortion o premature labor. Pwede naman mag-normal delivery basta walang problema sa pagbaba ng baby. Pag hirap lumabas ang baby, kailangan masesarian section.

Pang-walong tanong: May paraan ba para maitaas ang matres?

Pwedeng maitaas ang matres kung maglalagay ng pesari, isang silicon device na ilalagay sa cervix para hindi pababa ang matres. Dapat ito’y nakasukat at kinakabit sa clinic para permanenteng maitaas ang matres. Kailangan ng surgical operation sa mga babae na may stage three or four na uterine prolapse at wala na ring balak magbuntis.

Pang-siyam na tanong: May magagawa bang hilot para tumaas ang matres?

Ang matres ay hindi nakakapa sa puson, at kung ito’y mababa, hindi ito pwedeng itaas mula sa puson. Para maitaas ito, kailangan itulak mula sa vagina, at kung naitulak man ito pataas, bababa rin ito kasi mahina na nga ang suporta ng matres.

Pang-sampung tanong: Delikado ba kung mababa ang matres?

Ang mababang matres ay hindi abnormal na bukol at hindi rin ito cancer, kaya hindi ito delikado. Ang kadalasang magiging problema lang ay pwedeng inflammation ng cervix, hirap sa pag-ihi, o hirap sa pagdumi.

Conclusion

Ang mababang matres, o uterine prolapse, ay may iba’t ibang epekto sa kalusugan ng isang babae. Una, maaari itong magdulot ng discomfort at pananakit sa balakang o puson, na maaaring lumala sa panahon ng paggalaw o pagtayo nang matagal. Ang uterine prolapse ay maaari ring magdulot ng pakiramdam na may bumababa o lumalabas na laman mula sa pwerta, lalo na sa mga advanced stages.

Iba pang mga Babasahin

g problema lang ay pwedeng inflammation ng cervix, hirap sa pag-ihi, o hirap sa pagdumi.

Iba pang mga Babasahin

8 Signs ng early pregnancy: Paano malaman kung Buntis na

Senyales na fertile ang isang babae

Signs na manganganak na ang buntis

Paano malaman kung babe o lalaki ang baby

2 thoughts on “10 Tanong tungkol sa mababa ang Matres

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *