Posted inMenstruation

10 na dahilan bakit delayed ang regla

Delayed ba ang regla mo? Ano kayang pwedeng mga dahilan. Bakit nga ba nadedelay ang regla ng isang babae. Maraming pwede mga dahilan nito, pero unang una at importante sa lahat alamin mo na kung hindi buntis. Kung hindi buntis marami pang pwedeng maging dahilan kung bakit ito nangyayari sa isang babae.

10 Pwedeng Dahilan ng Delayed na Regla

Ang pinakakaraniwang dahilan nito ay ang pagiging buntis. Kapag may naganap na fertilization ng itlog ng babae at sperm ng lalaki, nagbubunga ito sa pagkakaroon ng pagbubuntis, na siyang nagiging dahilan ng pagkawala ng regular na regla. Pero kung na confirm mo na sa pamamagitan ng pregnancy test na hindi ito ang dahilan narito ang 10 halimbawa pa bakit delayed ang iyong mestruation.

1. Edad

Common sa mga teenager (less than twenty years old) na madelay ang regla dahil ito sa hormonal imbalance.

Pag malapit na rin magmenopause, pwede ring madelay ang regla dahil sa mababang estrogen.

2. Sobrang Stress

Physical, emotional, o mental stress ay pwedeng maging dahilan ng iregular na regla o delayed na regla.

Physical stress tulad ng sobrang exercise.

Psychological and emotional stress tulad ng palagi kang galit, malungkot, takot, o nag-iisip.

3. Pagbabago sa Timbang

Mabilis na pagpayat o mabilis na pagtaba ay pwede ring makaapekto sa regla.

Eating disorders kamukha ng anorexia nervosa at bulimia ay pwedeng madelay ang inyong regla.

4. Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS)

Isa sa mga most common cause ng abnormal na regla. Nangyayari ito dahil sa PCOS, hindi nag-oovulate o may anovulation.

5. Pagpapasuso

Pag nag-breastfeeding ang isang babae, malamang madedelay din ang kanyang regla.

6. Pag-inom ng Contraceptive Pills

Pag mali ang inom ng contraceptive pills o kaya delayed ang pag-inom ng pills, pwedeng ma-delay ang pagregla.

7. Thyroid Problems

Lalo na kung hypothyroid, madedelay ang regla.

8. Ibang Medical Conditions

Medical problems tulad ng diabetes, kidney disease, celiac disease, at iba pang sakit ay pwede ring maging abnormal ang regla at madelay.

9. Bukol sa Pituitary Gland

Umiinom ng anti-hypertensive medications o anti-ulcer medications pwedeng tumaas ang prolactin sa dugo at pwede itong maging dahilan na abnormal na pagregla.

10. Operasyon at Therapies

Kung kayo ay naoperahan sa inyong obaryo, pwedeng madelay ang inyong regla.

Ganun din kung kayo ay nag-chemotherapy o radiation therapy.

Conclusion

Napakaraming dahilan para madelay ang inyong regla. Magandang magpa-check up at magawa ng mga kinakailangang test at kayo ay magamot.

Halimbawa ng mga Home remedy para magtuloy ang menstruation

Ginger Tea

Ang luya o ginger tea ay kilalang gamot sa maraming karamdaman, at ito rin ay sinasabing makakatulong para ma-regulate ang menstrual cycle. Ang luya ay may mga natural na properties na maaaring makatulong sa pag-stimulate ng regla.

Parsley Tea

Ang tea na gawa sa perehil o parsley ay isa rin sa mga popular na home remedy para sa irregular na menstruation. Ito ay may mga nutrients na maaaring makatulong sa pag-encourage ng menstruation.

Papaya

Ang papaya ay mayroong enzyme na papain na sinasabing maaaring mag-trigger ng menstruation. Ito ay maaaring kainin ng fresh o gumawa ng papaya shake.

Pineapple

Ang pineapple ay mayroon ding enzyme na bromelain na maaaring magkaroon ng hormonal effects, at ito rin ay pinaniniwalaang maaaring mag-encourage ng menstruation.

Cinnamon

Ang cinnamon tea o pagkain ng cinnamon ay maaaring makatulong sa pag-regulate ng hormones at maaaring magamit bilang home remedy para sa menstrual issues.

Turmeric

Ang turmeric ay mayroong anti-inflammatory properties at maaaring makatulong sa pag-balance ng hormones, na maaaring makatulong sa regular na menstruation.

Iba pang mga babasahin

10 Tanong tungkol sa mababa ang Matres

Mabahong discharge sa Babae: Bakit may amoy?

Kailan dapat gumamit ng Pregnancy Test (PT)

8 Signs ng early pregnancy: Paano malaman kung Buntis na

2 thoughts on “10 na dahilan bakit delayed ang regla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *