Kung mayroon ka ng history ng heartburn bago o kaya naman ay nabuntis ka na dati, mas mataas ang chance mo na makaranas ng heartburn habang buntis. Maraming mga buntis ang nakakaranas ng heartburn, may mula sa first trimester pa lang ay nakaka-experience na sila nito, mayroon naman na pagkasecond trimester, biglang susulpot na lang itong heartburn, tapos lalo na pagka third trimester.
Kung wala kang history ng heartburn at hindi ka buntis ngayon, huwag kang mag-alala dahil hindi naman lahat ng buntis o mabubuntis ay makakaranas ng heartburn.
Ano ba itong heartburn na ito?
Una sa lahat, wala itong kinalaman sa puso, kahit na ang pangalan ay heartburn, hindi sila related. Kaya easy lang, wala kang sakit sa puso kung nakaka-experience ka ng heartburn. Ang heartburn ay isang uncomfortable burning sensation sa dibdib na parang umaakyat sa lalamunan, may maasim-asim na lasa o kaya mapait-pait na lasa, parang yung Tagalog term dito ay paninikmura o sinisikmura ka.
Nangyayari ang heartburn kapag ang acid sa stomach natin ay umakyat sa esophagus. Ang esophagus naman ay mahabang tube na dinadaluyan ng pagkain mula sa bibig natin papunta sa stomach.
Karamihan, ang ginagamit na term sa heartburn ay acid reflux o kaya naman ay pinagpapalit ang heartburn at reflux. Subalit, by definition, ang heartburn ay sintomas lamang ng acid reflux. Sabi ko nga na ang heartburn ay isang feeling na mahapdi sa ating dibdib, burning sensation sa ating dibdib na may lasang mapait-pait. Samantala, ito namang acid reflux ay tumutukoy sa pangyayari kung saan ang laman ng stomach natin ay parang bumabalik siya, umaakyat siya pataas pabalik sa ating esophagus.
Nagkakaroon tayo ng acid reflux kapag ang pinakavalve sa pagitan ng esophagus natin at stomach ay hindi sumarado ng maayos. Mayroong muscular valve dito sa pagitan ng esophagus at stomach, tinatawag din itong lower esophageal sphincter (LES). Kaya kapag hindi ito sumarado ng maayos, aakyat ang acid papunta sa ating esophagus. Ang malalang acid reflux ay tinatawag na gastroesophageal reflux disease (GERD).
Ano ang mga sintomas ng Acid reflux sa buntis
Bumalik tayo sa heartburn, mayroong mga sintomas itong heartburn na paniguradong mapapansin mo, tulad ng makakaramdam ka ng sakit o hapdi sa dibdib, lalo na after kumain o sa gabi, mabigat ang pakiramdam mo na parang busog na busog ka kahit hindi naman, feeling bloated ka, dighay ka ng dighay, mangangasim ka o kaya ay makakalasa ka ng mapait-pait sa lalamunan mo, tapos burning sensation sa dibdib na tila lumalala siya everytime na hihiga ka o kaya naman pag bumabalik ang katawan mo.
Kapag nakaranas ka o nararanasan mo ang mga ganitong sintomas, alam na heartburn yan. Ito ay hindi exclusive sa mga buntis, kahit sino ay pwedeng magkaroon at makaramdam ng heartburn. Kaya huwag tayo magjudge na porket hinaheart pa rin, sabihin natin ay buntis ka, ganoon kasi ang papa ko, hineart pa rin siya at alam ko na hindi siya buntis.
Hayaan nating inumarate ang mga dahilan bakit nagkakaroon tayo ng heartburn. Alam ko na marami sa mga viewers ay hindi interesado sa mga dahilan, gusto na nila dumiretso kaagad sa solusyon. Subalit, paulit-ulit kong sinasabi na importante na malaman natin ang pinakapunot-dulo, pinaka source ng issue para mas madali nating masolusyunan.
Mayroong tatlong mga dahilan bakit nagkakaranas o nagkakaroon tayo ng heartburn sa panahon ng pagbubuntis
1. Pregnancy hormones, lalo na ang progesterone, na nakakaparelax ng muscle sa valve sa pagitan ng esophagus at stomach. Kapag buntis ang isang babae, ang muscles na ito sa valve ay narerelax, na hindi siya sumasarado ng maayos, at pwedeng pwedeng umakyat ang acid mula sa stomach sa ating esophagus.
2. Hormone levels changing, na nakakaapekto sa pagtunaw o pagdigest ng pagkain, at nagiging dahilan ng pag-slow down ng digestion natin. Ang mga pagkain ay matagal tumatambay sa tiyan natin, na normal na nagiging dahilan ng feeling bloated at busog na busog.
3. Lumalaki na si baby, at kapag lumalaki siya sa loob natin, ang ating bahay bata o uterus ay mag-e-expand, at ang mga kalapit na organs ay mag-a-adjust para sa baby. Ang stomach ay naprepress o napipisat, kaya umaakyat ang acid sa ating esophagus.
Ngayon, tungkol sa kung paano masosolusyunan ang heartburn, sabi nga na ang prevention is always better than cure, ang parehong nagagamit dito na mas maiging iwasan ang mga dahilan dahil ang mga buntis ay hindi pwedeng basta-bastang uminom ng gamot na hindi inireseta o inirekomenda ng OB-Gyne. Dapat alam mo yan.
Mayroong mga lifestyle changes na pwedeng gawin para mamanage o makontrol ang heartburn sa buntis
1. Iwasan ang mga trigger foods, tulad ng spicy foods, maaasim na pagkain, citrus, prinitong pagkain, softdrinks, kape, at mga fatty foods. Kung mayroon kang specific na pagkain sa isip mo at gusto mo itanong, i-google mo para masagot kaagad ang tanong mo.
2. Kumain ng madaming beses sa isang araw, pero small portions, sa halip na malalaking kain na tatlong beses sa isang araw. Hatiin mo ang iyong meals sa isang araw para hindi mabigla ng ganoon ang iyong tummy everytime.
3. Huwag magmadali everytime na kakain. Guilty ako dito kasi para akong hinahabol everytime na kakain ako. I-enjoy mo ang pagkain para hindi mapabilis ang iyong kain.
4. Huwag hihiga after kumain. Actually, kahit hindi ka na buntis, dapat hindi mo rin ito ginagawa. Tatlong oras bago matulog, wala nang kain.
5. Wear comfortable clothes, iwasan ang masisikip at mga fitted na damit na mapepress ang iyong tummy, mapapants man o damit. Iwasan muna yan.
6. Kapag matutulog ka, gumamit ng mataas-taas na unan, dapat elevated ang iyong ulo, hindi siya kalevel ng iyong paa, para hindi umakyat ang acid.
7. Huwag maninigarilyo o iinom. Well bawal naman talaga ito sa mga buntis, may heartburn man o wala.
Kung ginawa mo na ang lahat, nagawa mo na ang iyong best, pero parang hindi ka pa rin gumiginhawa, wala pa ring nagbabago sa pakiramdam mo, at worst ay sumasama pa ang pakiramdam mo, ang gagawin mo ay konsultihin ang iyong OB-Gyne. Sabihin mo sa doktor mo o sa midwife ang nararamdaman mo, para maresetahan ka ng gamot kung kinakailangan.
Huwag na huwag mong gagawin na ikaw lang ang magdesisyon na bibili ka ng gamot over the counter, dahil hindi mo sigurado kung safe ba iyon para sa iyo at para sa iyong baby. Tandaan na hindi na lang tungkol sa iyo, mayroon kang tao sa loob mo na dapat mong isipin o alalahanin.
At huwag kang mag-alala dahil once na manganak ka, once bumalik na ang hormones sa dati, huhupa na rin at tuluyan ng mawawala ang heartburn mo.
Mayroon ding mga natural remedies na pwedeng makatulong sa heartburn, at ito nga ay ang pagkain ng yogurt o pag-inom ng milk. At kung sinisipag ka, pwede mo ring gawin itong maghanda ng warm milk, tapos lagyan mo ng isang tablespoon ng honey, haluin mo, at iyon ang iyong inumin.
Iba pang mga babasahin
Lagnat sa Buntis : Sintomas, dahilan at gamot
One thought on “Gamot sa buntis na may heart burn, acid reflux”