Pag-uusapan natin ang oral contraceptive pills sa article na ito at ang tamang pag gamit para sa benefits ng kababaihan. Ang oral contraceptive pills ay more than ninety percent effective sa pagpigil ng pagbubuntis, basta ito ay nainom ng tama. Maliban sa contraceptive effect niya, marami pa siyang naitutulong sa katawan natin.
Mahahalagang aspeto ng article na ito
- Ang mga oral contraceptive pills (OCPs) ay mahigit 90% na epektibo sa paghadlang sa pagbubuntis kung tama ang pag-inom nito.
- Ang OCPs ay maaaring tumulong sa pagregula ng mga menstrual cycle at sa pagpapagamot ng polycystic ovarian syndrome (PCOS).
- Maaari silang bawasan ang sakit sa panahon ng regla (dysmenorrhea) at mapabagal ang paglala ng endometriosis.
- Ang OCPs ay humahadlang sa pagkapal ng lining ng matris at binabawasan ang panganib ng endometrial cancer.
- Mayroong dalawang uri ng OCPs: ang progestin-only pills (POPs) at ang combined oral contraceptive pills (COCPs).
- Ang POPs ay angkop para sa mga nagpapasuso, sa mga babaeng 35 taong gulang pataas, at sa mga naninigarilyo.
Mga gamit ng Oral contraceptive pills sa mga babae
Nakakatulong ito para maging regular ang menstrual cycle. Itoy gamot para sa polycystic ovarian syndrome. Nakakatulong ito para mabawasan ang sakit sa pagregla o dysmenorrhea. Napapabagal niya ang paglala ng isang sakit ng mga babae na ang tawag ay endometriosis, na kung saan may dysmenorrhea at ovarian cysts. Tumutulong siya para hindi kumapal ang lining ng matris at mapigilan ang pagkakaroon ng endometrial cancer.
May dalawang klase ng oral contraceptive pills: ang isa ay progestin-only pill, na ang laman niya ay pure progesterone, at ang pangalawa ay ang combined oral contraceptive pills, na may lamang estrogen at progesterone.
Ang progestin-only pill ay may twenty-eight tablets sa isang pakete. Ito ay nababagay sa mga nagbe-breastfeeding o nagpapasuso, sa mga thirty-five years old and above, at sa mga naninigarilyo. Ang combined oral contraceptive pills naman ay may twenty-one tablets or twenty-eight tablets sa isang pakete. Itoy nababagay sa mga babaeng gustong magkaroon ng regular na menstrual cycle, sa mga may polycystic ovarian syndrome, sa may malakas na pagdurugo tuwing nagreregla, sa may acne o tagyawat na ang dahilan ay hormonal imbalance.
Ang tamang paraan ng pag-inom ng oral contraceptive pills ay inuumpisahan habang may regla, pinakamaganda sa unang araw ng regla. Itoy iniinom sa parehong oras araw-araw at iniinom ng tuloy-tuloy hanggang maubos ang isang pakete.
Papaano ba iniinom ang contraceptive pills?
Ito ang sample ng twenty-eight day pack. Makikita niyo na merong twenty-one na active tablets at seven na inactive tablets o vitamins. Titingnan niyo yung likod, merong number doon. Mag-uumpisa kayo sa number one at diretso ng inom hanggang ito ay maubos. Pag ubos na, mag-start na ulit kayo ng bagong pakete. Tuloy-tuloy lang po, hindi kayo hihinto. Pagdating niyo dito sa brown tablets, dito na kayo magreregla. Pero ang regla pag nagpills ay mas konti, pwedeng brown, pwedeng red, pero mas konti kaysa sa normal. Kasi pag nakapills kayo, hindi kumakapal ang lining ng matris, kaya ang nilalabas na dugo tuwing magreregla ay mas konti.
Sa twenty-one day pack, ganito lang ang makikita niyo, wala siyang vitamins o inactive tablet, at ang nakasulat sa likod ay imbis na numbers, nandito yung araw (Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday). Mag-uumpisa pa rin kayo ng pills niyo sa first day ng regla. Kung ang first day ng regla niyo ay isang Tuesday, kukuha kayo sa any of the Tuesdays dito at iinumin niyo rin ito same time everyday hanggang maubos. Ang kaibahan niya sa twenty-eight day pack, pag twenty-one days lang, merong seven days na hindi kayo iinom ng pills. Doon sa seven days na hindi kayo umiinom ng pills, doon kayo magreregla. Pag naubos niyo to, magbilang lang kayo ng seven days, mag-uumpisa na ulit kayo ng isang pakete.
Kung nakalimot ka sa pag-inom ng pill ng isang araw, inumin mo lang agad ito as soon as naalala mo, at yung pill na nakaschedule sa araw na yon, ay inumin sa regular na oras. Kaya ikaw ay makakainom ng dalawang pills sa loob ng isang araw. Kung dalawang araw ka na nakalimot ng pills, inumin mo lang agad ang isang pill as soon as naalala mo, at inumin mo rin yung isang pill na nakaschedule sa regular na oras. Ibig sabihin, dalawang pills ang maiinom mo sa isang araw, pero kailangan mo nang gumamit ng additional na proteksyon tulad ng condom for seven days o wag muna makipag-sex ng seven days para hindi ka mabuntis.
Kung tatlong araw ka nang nakalimot na uminom ng pills, pwede ka na mag-umpisa ng bagong pakete at gumamit ng condom o additional na proteksyon o wag muna makipag-sex sa loob ng pitong araw. Kung palagi kayong nakakalimot sa pag-inom ng pills, mas magandang mag-shift na kayo sa ibang klase ng contraception tulad ng injectable contraceptives.
Ano bang mga side effects ng pag-inom ng pills?
Pwede kayong magkaroon ng headache, pwedeng lumala ang migraine ninyo, pwedeng parang nasusuka kayo, yung iba dinudugo ng abnormal, paunti-unting dugo na iregular, ang tawag doon ay breakthrough bleeding, pwedeng mamaga o sumakit ang breast ninyo, pwedeng maging moody o iritable, pwede may feeling na bloated o tumataba, pwede magka-hair loss o mabawasan ng sex drive. Iba’t-ibang formulations ng mga available na contraceptives at iba’t-iba rin ang side effect nito sa bawat tao, kaya hanap kayo ng pills na babagay sa inyo.
Hindi rin lahat ng tao ay pwedeng uminom ng contraceptive pills. Pag may history ng stroke, kung sobrang taas ng blood pressure, kung may history ng breast cancer, kung may history ng blood clots, kung may complications na ng diabetes sa kidneys at sa mata, at kung may liver disease, hindi na maganda ang pag-inom ng contraceptive pills.
Iba pang mga babasahin
10 na dahilan bakit delayed ang regla
Mabahong discharge sa Babae: Bakit may amoy?
One thought on “Tamang pag inom ng contraceptive pills: Gabay”