Isa talaga sa mga kinatatakutan ng mga buntis ay yung magkaroon ng ubo at sipon. Kasi nga naman kailangang isaalang alang na ng mga expecting mommies ang kalusugan ng kanilang nagdedevelop na sanggol bago uminom ng mga nakaugaliang gamot noong hindi pa sila buntis. Malaki talaga ang chance na makaranas ang mga buntis ng ubo at sipon kasi alam naman natin na higher sa mga pregnant women dahil nga mababa ang kanilang immune system.
Mga natural home remedy para sa sipon at ubo ng buntis
Mag gargle gamit ang water at salt sulution. Alam naman natin na yung salt water is one of the effective ways para ma-flush yung toxic sa ating mga throat, especially sa morning. So every morning, try mo magpakulo ng mainit na tubig and then haluan siya ng tap water, then lagyan mo siya ng asin, then ini-steer mo siya, and then ginagargle siya hanggang sa throat ko.
Masarap sa pakiramdam, sa throat kapag nagagargle mo talaga siya ng maigi, yung talagang napapaabot mo siya dito sa throat mo. Although, yun nga lang, hindi maiwasan na masuka ka kasi nga maalat yung asin. Every morning and bago matulog gawin mo siya.
Number two na remedies na pwede mong gawin ay umiinom ako ng ginger tea, pero hindi yung ginger tea na ready-made na yung tea bag. Hindi yung ganun. Ang gawin mo is natural talaga na nagpapakulo ng luya. Proven and tested na yan na ang ginger talaga ay isa sa mga home remedies na talagang nakakatulong pagdating sa mga virus infection. Gawin mo din ito every morning din.
So alam din naman natin na maganda ang ginger at maraming mga benefits na pwedeng makuha sa ginger. So hindi mo na kailangan uminom ng mga medicine para lang ma-cure yung ubo mo. Simpleng ginger tea lang na pwede mong mabili sa palengke at pakuluan mo, okay na okay na yun.
Then number three na gagawin mong home remedies is yung honey lemon. Isa rin ang honey and lemon sa mga best way to cure your cough o ubo. Alam din naman natin na ang honey and lemon ay marami ding benefits na maibibigay. Hindi lang to pang-cure sa ubo at sipon, nakakatulong din siya sa metabolism mo, sa digestion mo, sa kung nagdadiet ka. So maraming benefits ang honey and lemon.
Pwede mo sya gawin twice a day din, and ipaalam mo din naman sayong doctor ko kung okay lang. Mas okay yung ginagawa mo na ganito kesa kung magtetake ako ng mga medicine dahil nga pregnant ka. Hindi advisable or hindi kinoconsider na magtake ng any medicine kapag pregnant ka.
And the last one na pwede mong gawin para marelieve yung aking sipon naman, nag i-steam inhaler ka. So nagpapakulo ka ng tubig and then nilalagyan mo ito ng menthol or Vicks, tapos magsusukob ka. Maglalagay ka ng towel sa ulo, then iniinhale yung usok nung mainit na tubig.
Nag-iisteam ka, tapos kailangan syempre, wag kayong tatapat sa electric fan after or wag kayong mag-e aircon. So i-avoid nyo din muna yung paggamit ng aircon especially kapag nagsteam inhaler kayo kasi magpapawisan talaga kayo ng todo diyan . Iinhale ninyo yung mainit, papasok siya sa katawan ninyo. Pag nag bigla kang nag aircon, ayun, papasukin ka naman ng lamig, mas delikado. Pwede siguro mag electric fan pero wag niyong itututok sa sarili ninyo. Kailangan nagveventilate siya, umiikot yung hangin.
Yun yung steam inhalers ay nakatulong para marelieve yung runny nose mo or yung pagbabara din ng iyong sipon. Talagang giginhawa yung ilong mo.
So yun yung pwede mong gawin, and then drink ka lang ng water. Hydrate yourself most of the time, water lang ng water. Wag malamig muna kasi may ubo at sipon ka. Pero kung just in case na lagnatin naman kayo, that’s the time na kailangan niyo na talagang mag-consult sa OB ninyo kung ano yung pwede ninyong gawin.
Kasi alam ko kapag ang ubo at sipon ay may kasamang lagnat, meron ng infection na nangyayari sa katawan mo. So kapag ganun, lalo pag pregnant ka, humingi ka na or mag-seek ka na ng advice dun sa OB-GYN mo kung anong dapat mong gawin. Hindi lang yan pwede simpleng home remedies. Kailangan mo na talagang magamot diyan. OB mo lang ang makakapagsabi kung ano ang tamang medicine para sayo dahil nga pregnant ka.
So yun lang yung mga home remedies na pwede mong gawin kapag nagkaroon ka ng ubo at sipon and I hope makatulong din ito sa inyo, lalo na sa mga pregnant women na nakakaranas ng ubo at sipon ngayon. Wash your hands and kung babahin ka or uubo ka, always wear your mask para hindi ka makahawa sa mga kasama mo sa bahay.
Iba pang mga Babasahin
Tamang pag inom ng contraceptive pills: Gabay
One thought on “Gamot sa sipon at ubo ng buntis: Natural Home remedy”